[shushii note:]
Ay! Ang tagal ko'ng nawala. Pasensya na mga, kababayan*salute*. Pagkatapos ko kasing harapin lahat ng dapat harapin (lalim!) e nagkasakit ako. Syempre maliban sa katamaran, nahirapan ako magtipa nito dahil hilo at umuubo ako sabay singhot. GRABE! Anyways, sumaya naman ako nang natapos ko na ang chaptee na 'to.
At gusto ko lang sabihin na THIS IS MY FAVORITE-EST CHAPTEE... so far. Yay! Lilinawin ko rin na hindi pa 'to ang ending ng part one, ha? May Friday night party pa sila Mon and Cass.
Dinindidikit ko nga pala 'to sa SIS ko. She's one of the best things I have in this life. At ang isa sa mga rason kung bakit makulay ang high school life ko and my whole life as well... Eljane Venus. (oha buong name dapat)"elji" for mii:] sis, mag-iingat sa Italy ha? Mag-enjoy sa gellato, pasta, lamb steak, tiramisu at pizza! At kahit picture lang ng Venice at mga paintings ni Michealangelo at Tower of Pisa, okay na ako. 'Love you, sis!^^
______________________________
I LOOK UP, and the only thing I see is Mon's back. Nauuna kasi siyang naglalakad ng ilang metro sa 'kin. Napasimangot ako. Kailangan ba bilisan kong maglakad? O talagang ayaw niya lang akong kasabay?
Hayyy...
Mula pa nang iwan namin ang barkada niya sa canteen hanggang sa bus, at ngayon ay dito sa subdivision niya ay hindi na siya nagsalita. Kahit isang imik, wala. I feel upset.
"Mon," I call out to him.
He stops then turns to me. No emotion on his face. I get more upset. This is becoming the norm and I don't like it!!!
"Hmm?" Walang kabuhay-buhay na nagtaas siya ng isang kilay, lips firmly closed and hands on his hips.
Ang gwapo sana niyang pagmasdan ngayon, kaya lang hindi ko gaanong ma-appreciate 'to dahil nga frustrated ang pakiramdam ko.
Naglakad siya ng ilang hakbang papunta sa 'kin. "Bakit?"
Umatras ako, getting ready to walk to the opposite way. "Uuwi na lang ako," sabi ko sa kanya.
"Ano?!" Sa wakas, nagkaro'n ng expression sa mukha niya. For a moment, his eyes widen in... alarm? I'm not sure kasi nabawi niya rin agad ang composure niya bago mabilis na lumapit sa 'kin. Then he grabs my right arm quickly. "Bakit uuwi ka na? What, you're escaping from me?" tanong agadniya.
"No. I just thought ayaw mo naman yata akong kausapin. Kanina ka pa hindi namamansin... kaya uuwi na lang muna ako."
Charerereng!
Sige na nga, aamin na ako. Ang totoo, kinakabahan ako sa kung ano man ang mapag-uusapan namin ni Mon ngayon. I have a feeling kasi na ito na "iyon": ang time na tatapusin na talaga ni Mon ang lahat. Ang nega, 'no? Ewan ko ba, hindi ko kayang magpakapositibo ngayon. Kaya gagawin ko na lahat para makaiwas muna. Hindi naman siguro masama kung takasan ko muna ang problema, diba?
"Ano?" tanong ulit ni Mon. "Bakit? Ito na nga ang time na makakapag-usap tayo nang maayos."
'Yon na nga. This is the time you'll tell me to stop this... nonsense dating.
"Maggagabi na," palusot ko. "Tsaka na lang tayo mag-usap—"
"No." Kamay ko naman ang hinawakan niya. Mahigpit. He tugs gently. "Walang ganyanan, Cassie."
Nabigla ako sa tono niya. When I look up at his face, I see worry in his eyes. Nagwo-worry siya? Bakit? Na hindi na kami makakapag-usap? Na baka mawalan siya ng chance na katulad ngayon? Is he that eager to chuck me out of his life?
![](https://img.wattpad.com/cover/660379-288-k472003.jpg)
BINABASA MO ANG
SILLY SECOND CHANCES [complete book1]
Teen FictionSilly Second Chance (Book 1): A Silly Start "Are you sure you want to do 'guy stuff'? To COURT ME?" "Why would I?" "To make it up to me?" "NO WAY!" "Di 'wag. Di tayo bati!" "Uy, joke lang... gusto mo haranahin na kita ngayon.." And this is how our...