Chapter 17

645 22 10
                                    

[A/N:] chaptee 17 na tayo.. malapit na matapos ang part 1, but the good thing is papunta na tayo sa second part!! yey! salamat sa lahat ng nagbasa at nagbabasa pa rin...

i wont let this pass without dedicating a chaptee to yhan, my honey-sissy... she changed her pennme, but i still remember her^^

_________________________________

“CASSIE, WHAT’S taking you so long?” tanong ni Mon sa cellphone. Hindi siya naiinis o naaasar; but his tone is urgent. “Na-flush ka na yata.”

“Nand’yan na 'ko. Sandali na lang 'to,” sabi ko sa kanya habang nakaipit ang sarili kong phone sa balikat at kaliwang tenga ko.

“I’m starviiiing…” he groans. Tapos biglang naging pabulong ang boses niya. “Sa lobby na lang kita hihintayin. Tinatamad na akong tumayo rito sa harap ng C.R. niyo. Bilisan mo na d’yan, ha?”

“Okay.”

Bago ko maibaba ang phone ko ay may narinig pa akong nag-“hi” kay Mon sa kabilang linya. As in malinaw kong narinig kasi isang batalyon yata 'yong bumati sa kanya. Naku, baka pinuputakti na naman 'yon ng mga babae sa hallway— or make that: “mga babae sa buong building na 'to”. Tsk!

Minadali ko na ang pagkilos. I wipe the smudge of eyeliner around my eyes with a ply of wet-wipe. Tapos nag-baby powder na lang ako. Hindi na ako nag-re-apply ng eyeliner na 'yan, nakakainis lang! Then, lip chapstick at konting ayos sa bangs… Done, cheng-cheng!

Isa-isa ko nang pinasok ang mga gamit ko sa bag bago ako umatras para tingnan ang sarili ko sa salamin. I am… uh, glowing? Hindi ako 'yong tipo ng tao na mahilig magbuhat ng sariling bangko at mahilig purihin ang sarili dahil, sa totoo lang, medyo insecure ako sa sarili ko. When it comes to physical beauty, I’m kinda unconfident of myself although people always tell me that I look good.

Pero ngayon, feeling ko beauty queen ako habang pinagmamasdan ko ang sarili kong reflection. I am glowing, healthy-looking, rosy,shining,radianting,blooming, and…blushing! Hanggang ngayon kasi, nahihibang pa rin ako sa mga revelations ko sa sarili kaninang umaga tungkol sa totoong feelings ko para kay Mon, at sa kung anu-anong lumabas sa bibig ko sa harap niya kanina sa rooftop.

At haggang ngayon, kinikilig pa rin ako sa mga narinig ko mula kay Mon at sa piggy-back ride na 'yon! Eeeeeeeeh! I never felt this kilig in my life! I hope this’ll last forever

I go out of the girls’ comfort room with my heart singing and my cheeks burning and tingling. THIS IS BLISS I AM FEELING! Sobrang gaan ng pakiramdam ko; para akong nakalutang sa ere habang nakasakay sa magic cloud ni San Goku. Parang wala akong pinroblema kaninang umaga. Parang hindi masakit ang paa ko ngayon. The frustration I had for Mon this morning just evaporated away. And I always wonder how Mon can stir so many emotions in me effortlessly. He can make me smile one minute and then make me feel sad the next. Siguro gano’n na siya kaimportante sa 'kin, na sobrang naiimpluwensyahan na niya pati ang nararamdaman ko.

“'Asan na 'yon?” bulong ko habang nililibot ang paningin sa buong lobby. Hinahanap ko kung saan sa mga couch na nandito nakapwesto si Mon.

“Hi, Cassie.”

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Samurai-girl sa likod ko. Hindi ako nakaimik agad paglingon ko sa kanya. She’s towering over me as she stands by me. Pasimpleng sinulyapan ko ang mga paa niya. Ga’no ba katas ang heels ng babaeng 'to? Para siyang kapre. Lumingon rin ako sa paligid. Wala yata ang mga chuwariwariwaps niya?

“So, what are you doing here?” tanong niya.

And I am like, HEY? Baka siya ang kailangan kong tanungin. Department ko kaya 'to. Naliligaw ang bata… gusto ko siyang asarin. But I choose to give her a curt smile before answering her politely with, “Uh, department ko kasi rito so… nandito ako.”

SILLY SECOND CHANCES [complete book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon