[Extra Chapter:] Uso pa ba ang Harana?

326 11 7
                                    

Uso pa ba ang Harana?

"EH?!"

Naunsyami ang pagbirit ko sana dahil hinugot ni Monti ang earphone sa tenga ko, bago siya naupo sa tabi ko.

"What do you think you're doing?" seryosong tanong niya.

"I'm singing. Hindi mo narinig?" sarcastic na balik ko. "Kuha ka ng cotton buds, linisin ko tenga mo."

He frowns even more. "I told you not to sing ever again."

Sa tingin ko, malapit na ulit ang dalaw ko. Imbes kasi na asarin pa si Monti, tumayo ako at lumipat sa dining table nang walang imik. Ni hindi nag-effort sumunod si Monti. But maybe walking out is a good idea— dahil narinig kong lumamlam ang boses niya nang tawagin niya 'ko.

"Uy, Cassie... Tampupu?"

Inismiran ko siya. Buo ang loob kong hindi siya kausapin kahit mapanisan pa ako ng laway. If ever, papahiran ko siya ng panis kong laway nang manginig siya sa pandidiri!  Bahala ka sa buhay mo, Monti!

If I'm right, this is the first time I got annoyed by Monti's constant reminder of me not to sing. Like, what the hell's his problem about that? Sino ba siya para pigilan akong kumanta? Hindi naman gano'n kabasag ang boses ko. Kasali kaya ako sa glee club no'ng elementary.

Okay, okay. Ang totoo, alam ko talaga kung bakit ayaw akong kumakanta ni Mon. It was because of what I did on my third day of courting him...

Nasa mall kami no'n. Pagkatapos kumain, hindi na ako mapakali kaiisip ng bagay na pwede kong gawin— in connection to my panliligaw to him, of course. Just then, I saw a signboard on a CD store. It was about the new edition of Magic Sing they were selling. Ting! Parang may umilaw na bumbilya sa isip ko. I suddenly got so excited, hinila ko si Mon papunta ro'n.

Kinikilig ako sa sarili kong ideya. Hibang man pakinggan, I thought my idea was great. I mean, it's not everyday someone sings for you.

Uso pa ba ang harana? Hindi na kaya ipapauso ko uli!

Pinapalobo ng confidence ang ulo ko nang time na 'yon. Hindi rin mapuknat ang ngiti ko habang hinahanap ang code ng isang partikular na kanta sa song book. Ngingiti-ngiti lang naman ang staff na nag-assist sa 'kin.

"Ano'ng gagawin mo?" nagtatakang bulong ni Monti sa tabi ko.

Nginitian ko siya. "Haharanahin ka."

"What?!"

It really wasn't my style pero dahil ang comical ng hitsura ni Monti, lalo akong na-excite. Kaya lang, hindi ko na nakita ang nililigawan ko no'ng mag-uumpisa na ang kanta. Pero imbes na mainis, mas nabuhayan pa ako ng dugo.

Walang hiya-hiyang gumawa ako ng introduction. "Ahem, ahem. Mic check. Hello everyone!" Kinawayan ko ang mga dumaang shoppers. "I hope you're enjoying your time here. Have fun shopping. Anyway, kakanta po ako. At ang kakantahin ko ay para sa napakagwapong lalaking naka... uhm, basta. Monti Marcelo Jr. I know you're still around. Listen carefully, okay?"

Instantly, I had gathered a handful of audience.

"Maaari bang malaman ko,/ kung feel na feel mo nang sabihin sana ay sabihin na ito/

Request ng puso ko'y ikaw/

Kung tameme ka tsong, ako na'ng manliligaw.../

Ako na'ng manliligaw.../

Ako nang manliliga—aw.../

Ako na'ng maliligaw.../"

Syempre, nagpalakpakan at naghiyawan ang mga audience ko pagkatapos ng makabagbag damdaming kong concert. And just as I expected, lumitaw ang hinaharana ko mula sa kung saan. I kept my smile as Monti walked to me with a frown on his face. Matawa-tawa ako sa nagba-blush niyang pisngi. Hinila niya ako hanggang sa makalayo kami sa mga tao.

SILLY SECOND CHANCES [complete book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon