Chapter 3

749 24 3
                                    

[A/N:] so ito na ang third chaptie.. enjoy, comment and vote...  *smile*

 --------------------------

FIRST DAY, SECOND YEAR COLLEGE…

NABANAT na ang leeg ko at sumakit na ang mga paa ko sa kaka-tip-toe para lang Makita si Monti sa gitna ng napakaraming mga estudyante. Hayy. Ang hirap talagang maging, uh, petite, short in size. Anyway, finally, nakita ko na si Monti. He was wearing a maroon polo shirt, walking regally in the middle of the crowd. Binilisan ko ang paglalakad at  nakipagsiksikan sa mga tao.

Pero nang nag-tip-toe ako ulit para silipin kung nasaan na si Monti, hindi ko na siya nakita. Gusto ko nang mag-panic at umiyak no’n. Hindi ko pa kabisado ang university na ito at si Monti lang ang kakilala ko rito.

Buti na lang at may isang lalaki na tumulong sa akin. Mukhang naawa 'ata. Hinatid niya ako sa first subject ko. Nag-thanks ako sa kanya… pero nalimutan ko itanong ang pangalan niya. Dooffuus.

end of class, lunch break... I was in the school cafeteria with my new friends when I saw a familiar person I was trying to reach for almost half-a-day— well, for more than a year actually.

Since we graduated high school, sinubukan ko nang contact-in si Monti. Lately, lang ako nagkaroon ng “push” para kausapin talaga siya. Right after that crazy  chitchat with Roma.

Nag-excuse ako sa mga kasama ko at pumunta sa table ni Monti.

“Boo!”

 Mon’s reaction was wayyy funny and cute as well. Halatang na-surprise siya na makita ako. “Cassie?”

“Kilala mo pa pala ako. Hello, Monti.”

“”What are you doing here?” he asked in a tone I didn’t like. Parang ayaw niyang nandoon ako.

I pout. “Ganyan mo ba ako iwe-welcome? Ang tagal nating hindi nagkita ah,” I said sarcastically. Alam ko, 'yong “mission” ko dapat ang inuuna ko. Pero hindi ko mapigilang dumaldal. Na-miss ko si Mon, I guess. “I’ve been texting you. Hindi mo man lang ako nire-replya-an.”

“Ah…” He hesitated. “I’ll talk to you later, Cassie. I’ll just text you. Hafto go.” Tumayo na siya bago mabilis na umalis ng cafeteria.

I was left with my hopes down. Was it just me? O talagang iniiwasan ako kausapin ni Monti? Naiintindihan kong may hinanakit siya sa akin. Pero… hindi ako sanay  na iniiwasan niya ako. I used to be the CENTER OF HIS UNIVERSE…

Ngayon parang alikabok na lang ako. OUCH!

After class, t-in-ext ako ni Monti na magkita raw kami sa bus stop. I went there. Sabay kaming nagbus pauwi. The whole time we traveled, wala kaming imikan. Dumaan kami sa Secrets & Sweets na nasa labas ng subdivision ko.

“So…?”

“Bakit nandoon ka sa school ko kanina? Wala ka bang pasok?” he asked.

“School ko na rin 'yon,” I told him. “I transferred.”

“ANO?!”

I took a deep breath before telling him, “Yes. I enrolled there for…”

“Me?” he filled out.

Parang galit siya. Pero tumango pa rin ako. “Oo. I have been texting you, kahit isa, hindi ka man lang nag-reply.”

Now he really looked irritated. “Haven’t you thought na wala talaga akong balak na reply-an ka?” he snorted.

Ouch.

Sumimangot ako. Ako na ng a ang mukhang desperate stalker ditto, ang sakit pa magsalita ng kumag na ito!

“Cant you see the effort I’m giving here to work things out between us?”

 “Us?” sarcastic na sabi niya. “Ang alam ko, matagal nang walang ‘us.’ And there’s nothing more to work out between us, Cassie.”

Ouch times two. Now that really hurts.

Naiiyak na ako, pero naisip ko na hindi ako magpapakita ng weak side ko kay Monti. Not in this kind of situation.

“Look,” mariin na sabi ko. “If you don’t like the sound of what I just said, hayaan mo na lang akong mag-’sorry’ sa 'yo.”

 “I don’t need it anymore. “

Nakakainis talaga 'tong lalaki na 'to! Kailan pa siya naging ganito kasungit?

“Then please makinig ka na lang sa side ko,” sabi ko, trying to be patient.

 “What side?” uninterested na tanong niya.

Sinabi ko sa kanya ang totoong nangyari noon sa library. Feeling ko natanggalan ako ng tinik ng dinosaur sa lalamunan. Parang libo-libong math problem ang na-solve ko sa gaan ng loob ko ngayon.

Pero parang ni isa sa mga sinabi ko, hindi nakumbinsi si Mon.

“You know, hindi ko na kailangan marinig 'yon,” sabi niya. “It’s way over. I’m over it. I’VE MOVED ON.”

...

“Huh?” Sa dami ng sinabi ko— arrrggh! “You should have told me. Nasayang lang ang laway ko!”

Tumayo na ako, kinuha ang bag ko at nag-walk out sa Secrets & Sweets. Naubos na talaga ang pasensya ko. Frustrated ako at upset pero sa palagay ko naman hindi nasayang ang efforts ko. Nakapag-sorry na ako at nasabi na ang dapat niyang malaman. Bahala na siya kunga ano’ng gagawin niya. I’m done, I thought.

 Paparahin ko n asana 'yong tricycle na sasakyan ko pauwi sa amin, pero may pumigil sa akin sa braso.

“Wait.” It was Monti. Sumunod pala siya sa akon.

“Now what?” Sarcastic.

"Are you sure you want to do 'guy stuff'? To COURT ME?”

I was like, HUH? "Why would I?"

"To make it up to me?"

"NO WAY!"

"Di 'wag. Di tayo bati!"

Hindi kami bati? Nag-isip ako. Seryoso ba 'to? 'Diba 'yon ang goal ko? And magbati kami? Nakakaasar! But I hafto agree with him…

No choice. BAHALA NA.

"Uy, joke lang... gusto mo haranahin na kita ngayon..." Hnabol ko siya nang magsimula siyang maglakad palayo. “AW!” Bumangga ako sa likod niya. Bakit ba bigla-bigla na lang siyang tumigil. My poor nose…

“No please,” sabi niya.” Ayokong mabingi sa boses mo.”

Hinampas ko siya sa brado. And I thought… I saw him smile.

“Umuwi na nag tayo. Bukas mo na lang ako ligawan.”

So, ditto nag-umpisa ang lahat. Practically I got this SILLY SECOND CHANCE of being with him. I started to court him secretly the next morning.

At nakita ko ang bagong Mon. Ang masungit, mahangin at aroganteng Monti na hindi ko nakilala noon. At dahil sikat siya sa university na pinag-tranfer-an ko, at napakaraming tao rito na ang past-time  ay mag-chismisan, ang alam nila ay “mag-ex kami ni Mon na nagkabalikan lang.” Buti na lang may natitra pang kindness kay Mon at hindi niya kinikwento sa iba ang totoong setup naming: na AKO  ang nanglilgaw.

At ngayon nga ang alam ng lahat ng chismosa na for months na kaming “dating again.

Hayy. Kung alam lang nila… Ang hirap kayang habulin ang isang Monti Marcelo Jr.

---------

kami-ru loves you!

SILLY SECOND CHANCES [complete book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon