Chapter 12

615 23 16
  • Dedicated kay Marj Atela
                                    

[A/N:] sooo, ano ba ang sasabihin ko? uh, alam niyo kasi wala ako msyadong naisulat e, heha. una dahil sa KATAMKATAMS heha, no da? tapos pangalawa, well puyat. pero dahil sa ang daming nagPPm sa ken na mag-update daw ako, at nainspire tlga ako don.. eto na..

para sa gurl ko na si Ma'jo, gurl, pasensya na sa dagdag eye bag na binigay ko sa 'yo dahil pinagpuyatan mo 'to *laugh* HS pa lang tau supportive ka na tlga sa mga sinusulat ko. SALAMAT! salamat rin sa friend mo na binabasa rin 'to. tama 'yan! ipagkalat niyo ang kalokohan ko na 'to. proud tlga ako na nagkaroon ako ng ganitong kalokohan heha *LOLs*

like, vote, and rants please LOLs

_________________________________________________

“THREE, TWO, one— daisukiii!”

Nagpalakpakan at nagtalunan sa tuwa ang ilang fans ng JUMP! or Just Unique Mighty People— ang group nila Mon, Ehro, Jesse, Ruki at Charcel— pagkatapos ng picture-taking nila kasama ang mga hinahangaan, with Ehro doing the counting.

“Yehey!  Thanks, JUMP!. We LOOOOOOOVE you!” sabay-sabay na tili ng mga fans na ang tawag sa sarili nila ay JUMPers, bago lumabas ng room.

Gusto ko nang umiling. Kaya lang baka kung ano’ng isipin ng mga katabi ko rito sa isang sulok. Guess who? Ang grupo lang naman ni Samurai-girl. Abalang abala sila sa pagfa-file ng kuko, pagre-retouch, palalagay ng nose-line, at pagchi-check kung may splitends na ang buhok nila habang pinanunuod bawat grupo ng mga babae na pumapasok para magpa-picture kasama ng JUMP!. I think member rin sila ng JUMPers, pero hindi na nila kailangan pumila dahil classmates naman sila nila Mon.

Nandito na sila Samurai-girl kasama ng mga barkada ni Monti ng dumating kami. Nagulat nga ako nang mag-beso sila sa 'kin isa-isa bago ako inimbita na maupo na kasama nila. It was creepy. Kanina ngingiti-ngiti pa sila sa 'kin no’ng nandito pa si Mon sa tabi ko. Nang mag-umpisa nang dumating ang mga fans nila Mon na gustong magpa-picture, hindi na nila ako inimik. Parang hindi na ako nag-e-exist.

Okay lang. Mas okay sa 'kin na ganito. Ayoko rin naman sila kausapin. My impression to them remains the same— ayoko pa rin sila maging kaibigan.

“Girl, gusto ko 'yong kulay ng nail polish mo. Ano’ng color 'yan?”

Napalingon ako sa may-ari ng lively na boses na 'yon. Monique yata ang pangalan niya. Siya 'yong kanina pa file nang file sa mga kuko sa tabi ko. She’s smiling at me right now. SINCERELY. At sa group nila, siya lang ang may magandang aura para sa 'kin, despite her sexy-looking Irish bob ang devil-red pouty lips.

“A-ah.” Tiningnan ko muna ang mga kuko ko bago ko nginitian si Monique. “Tan,” sagot ko sa tanong niya kanina.

“Ang ganda. Bagay sa kutis mo,” sabi niya. Again she sounds really sincere.

“Salamat.”

Kinalabit niya si Samurai-girl na nasa kabilang tabi ko, busy sa cellphone niya. “Shajan, girl, daan tayo sa mall later. Bili tayo ng tan na nail polish katulad ng kay Cassie.  Tapos mag-manicure tayo mamaya sa bahay.”

Alangan ang ngiti ko. Kaya nga tan ang kulay ng kuko ko ngayon kasi iniwasan ko na magkakapareho kami… DIBA? Tapos ngayon gagayahin pa nila ang sa 'kin?

Tumingin sa kamay ko si Samurai-girl. Nakataas ang kilay niya. “Sige. Mamaya daan tayo ng mall,” walang feeling na sabi niya. Tapos bumalik na siya sa pagkalikot sa cp niya.

“Gusto ko rin 'yang make-up mo,” sabi naman nung isa na kanina pa busy sa blush brush niya. “Ano’ng brand ng lip stain mo tsaka blush on?”

SILLY SECOND CHANCES [complete book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon