Nicolo
"Oh pre, aga niyo ngayon ha" tanong ko ng makasalubong ko sina Andrei at Ross papuntang club.
"Wala kasi pagkain sa bahay. Kain muna kami bago pumasok" sagot ni Drei.
"Niyaya lang ako ni Drei" dagdag ni Ross.
Sabaysabay na lang kami pumunta sa isang tapsilugan na malapit at kumain para di magutom mamaya sa club.
"Oh ano Drei, musta ang mga raket?" tanong ko habang sumusubo ng tapa at sinangag.
"Oo nga pala... yung sa bridal shower... Gusto nung organizer white brief daw ha" sabi ni Drei bago uminom ng tubig at sumubo ulit ng tocino.
"Anu ba yan! Wala ako nun. Yung huli ko tinapon ko na kasi butas na" banggit ni Ross nakatingin sa amin.
"Don't worry bro... bigay ko na lang sa iyo yung isa ko. Marami ako sobra. Di na kita singilin para dun. Binigyan ako marami nung isang financer ko" sagot ni Drei ng may kasamang kindat.
"Uloooooool!!!" sigaw ko habang nakangiti si Drei sa amin.
"Sino... si Donya Pining? Yung may ari ng isang pabrika ng delata?" taong ni Rosss na ikinatawa ni Andrei.
Si Madam Crispina Winkaw, o si Donya Pining, ay isa sa mga maraming regular na customer ni Andrei. Mayaman at may ari ng isang pabrika ng mga delata sa may Ongpin, itong si Donya Pining ay kilalang sugarol sa labas ng bansa at paborito si Andrei kaya lagi itong binibilhan ng kung anu-ano. Kaya halos di nauubusan ng pera si Drei eh.
"O sige... tig dalawa na ibibigay ko sa inyong dalawa... kasi bukod sa ubod kong gwapo... eh galante rin" sabi ng kaibigan kong di sobrang mahangin.
"... at... bayad na rin yung kinain nyo... treat ko na... sinwerte ako kagabi sa customer ko sa labas. Hehehe" tawa nito bago tumayo.
"O san ka pupunta? Hintayin mo na kami" tawag ko ng makalayo na ito ng bahagya.
"Maliligo pa ako ulit... para presh at mag aayos din ako ng buhok" kaway nito ng makalayo.
Nang bumalik ako sa pagkain, napatingin ako kay Ross na nakatulala. Naalala ko na nabanggit niya nung minsan na kinakapos ang budget niya dahil pa rin sa mga gamot ni Nel.
"Uy, kain na... kailangan na rin natin mag ayos" tapik ko kay Ross habang inabutan ko siya ng pera.
"Para saan ito, tol?"" tanong nito habang hawak ang pera.
"Para kay Nel... wag mo na ibalik... parang patago ko na lang yan. Bilhan mo ng gamot ang kapatid mo pag uwi natin mamaya ha" sagot ko bago tumayo at uminom ng tubig.
Nababasa ko sa mga singkit na mata ni Ross ang pasasalamat kahit halos natatakpan ito ng mga kilay niya. Gusto ko lang makatulong sa iba. Tulad ng tulong ng iba sa akin. Bawi-bawi lang kung baga. Sher da blesing!
"Salamat..." sabi nito ng tumayo at maglakad kasabay ko papuntang club.
"Wag ka mag alala... isang gabi lang gusto ko, Fafa" sabay akbay ko sa balikat niya.
"Gago ka talaga, Nicolo" patawang banggit ni Ross na sinabayan ko ng malakas na tawa.
Matapos ang isang oras halos sa pag aayos, nagsimula na ang trabaho namin. Naka ilang customer din ako bago mag alas dose. Matapos ang ilang set at pakikipagbolahan sa mga parokyano, nagbihis ako ng bahagya at naupo sa may bar. Pawisan ako ng humingi ako ng malamig na tubig kay Kuya Alex, bartender namin, na nandun.
"Oh... pagod agad?" patawang tanong ni Kuya Lex.
"Di naman masyado... naihirit ko lang ng sobra siguro... pahinga muna... at... sira ba aircon natin ngayon?" sagot ko bago uminom sa kaabot lang niya na baso.
"Maaga pa kasi kaya di pa masyado malamig buga ng hangin, siya nga pala... may naghahanap sa iyo kanina... isa dun sa mga regular mo... lumabas lang siya ng club... papahangin lang daw muna" kwento nu Kuya.
"Salamat Kuya Lex" sagot ko sabay balik ng baso bago tumayo.
Inisip ko agad na si Sir Nestor yun kaya lumabas ako ng club para hanapin siya. Pag abot sa labas, tumingin tingin ako para hanapin si Sir. Nakita ko siya sa may sari-sari, sa may tabi ng club, nakaupo at nakatingin sa malayo.
"O Sir... bakit parang tulala?" patawa kong tanong ng tapikin ko siya sa balikat.
"Ah... Nicolo... a... wala... may iniisip lang... di kita nahintay sa loob. Masyadong mausok kasi, kaya lumabas na lang ako... eto nga pala yung listahan na kailangan mo. Pati lahat ng forms na kailangan fill-upan" kwento nito habang inaabot sa akin ang isang brown envelope.
Kinuha ko ang envelope na inaabot niya, tiningnan ang mga nasa loob at tiningnan ulit si Sir Nestor.
"Sir... bakit... bakit ang bait mo sa akin?" tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya.
Sandaling tumahimik si Sir Nestor na madalas makwento. Ang ngiti sa mukha niya mabagal na nawala. At tumingin siya sa di kalayuan, bago siya sumagot.
"... sabihin na lang natin na... pilit kong bumabawi sa... sa nakaraan ko... pinipilit itama ang mali na nagawa... dating dati pa... baka nga di ka pa pinapanganak nun..." sagot nito nang tumingi siya sa mga mata ko.
Pagbawi... sa nakaraan? Ano naman kaya ang nagawa niya dati na gusto niyang makabawi? Mali na itatama? Kelan kaya yun? Baka raw di pa ako pinapanganak nun. Pero si Sir Nestor ito... isang taong parang walang magagawang mali.
Tatanungin ko na sana si Sir nang may tumapik sa likod ko.
"Tol... anong ginagawa mo rito?" tanong ni Drei bago nakita niya si Sir na nginitian niya.
"Malapit ka na sumalang ulit. May mga naghahanap din sa iyo sa loob" bulong nito sa akin bago nagpaalam sa amin na papasok na siya ulit.
Matapos magpasalamat ulit kay Sir, nagpaalam na ako sa kanya. Sabi niya baka pumasok siya ulit sa club mamaya. Baka. Gusto ko pa sana magtanong pero mukhang di niya sasagutin ang mga iyun ngayon.
"Kung may questions ka sa mga iyan, message mo na lang ako" banggit niya ng may ngiti ulit sa mukha niya.
"Maraming salamat ulit, Sir" muli kong banggit bago ako tuluyang pumasok sa clob.
Natalo ulit ng dilim ang kaninang liwanag ng poste ng ilaw at bahagyang katahimikan ng kalsada. Muli akong kinain ng mundong ginagalawan ko.
Pag naayos ko itong buhay ko, siguro, pwede ko na iwan ang mundo ng club.
Siguro.
"O... ikaw na..." bulong ni Ross ng makasalubong ko siya pababa ng stage.
Nakakabingi rin pala talaga ang ugong ng musika sa stage. Habang sumasayaw at gumigiling nakakawala ng pakiramdam. Habang nagbabawas ng suot na damit, nakakalimot ng kasalukuyan.
"Pag sinuwerte... siguro... pwede nga lisanin ko itong lugar na ito..." bulong ko sa sarili habang nalulunod sa musika at sa ilaw na patay-sindi.
BINABASA MO ANG
Let Me Be The One
Любовные романыWhen everything is perfect... Or is it? Are you willing to let go of what you have... For something you just fancy?