Ngayon, kilala na natin ang dalawang dalaga na parte na ng buhay ni Nicolo. Isang kadadating pa lamang sa buhay niya, isang matagal nang nakatatak sa alaala niya.
Ano nga ba ang importansya nila sa binata? Gaano kahalaga ang mga nangyari sa buhay ni Nicolo na konektado sa dalawang dalaga?
Gail
I woke up to the bright morning sun peeking through the crack between the curtains in the room I was in. And now, I feel it starting...
"Ugh... hangover..." I called out weakly.
Then I started remembering the scenes of last night... the booze... that Belvedere vodka... the chips... the dancers... the world spinning around... the... the sex...
"Shucks! Owww!" I cried as I sat upright too quickly that my head throbbed like being hit by a jackhammer.
"...Nicolo... the dancer... those muscles... the kisses... the way he wrapped me in those arms..." I remembered as i tugged onto the blanket that covered my whole... nakedness.
Knock! Knock!
"Gail... wake up... its already 10 am... and we have some places to go!" Jeannie shouted as she opened the door.
"...Good morning... having a terrible case of headache..." I said as i tried to appear not surprised at Jeannie's entrance to the room.
"What time... did the dancers leave?" I tried to sound very innocent during the conversation.
"Well, sis... I think they left about 4 o'clock. But i think the dancer that brought you in here left earlier... we didn't notice him leave since all of us were a bit... preoccupied..." Jeannie said with a smile on her face as she drank coffee that she was nursing in her hand as she leaned on the open door frame.
"O-Ok... I'll be up in a bit... you better have a cup of coffee for me later... I need a pick-me-up!" I said as I laid back down again onto the bed.
"Copy on that" Jeannie replied closing the door behind her.
I laid there for the next 15 minutes or so, trying to remember the hazy events of the night. I want to remember each action that happened. How Nicolo kissed me... how he enveloped me in those embraces... and how gentle he was as he went down on me... there was no pain... only... pleasure.
No man has ever held me like that in my life. Even those from past one- night stands and previous relationships... before... before... Brent.
A sudden feeling of guilt washed over me like a bucket of ice water for the ALS challenge.
"Brent..." I whispered to myself as I sat upright, all the hangover being numbed by the guilt.
"No one has to know... No one will know..." I thought to myself as I slowly stood up from the bed and started to dress up.
As I reached for my clothes on the floor, I slowly stroked my arm reminiscing the sensation that Nicolo did last night.
The guilt was there... the... the night-before happened... and will happen again... I hope.
I amorously stroked a finger onto my lips as I whisphered.
"Nicolo..."
Ela
"Nicolo..."
Nabanggit ko habang patuloy na nakatingala sa mga ulap.
Ang tagal na nun... pero parang nung minsan lang nangyari.
Matagal na ang nakakalipas ng matuto akong makipagkaibigan sa mga bata sa ampunan. Sakitin kasi ako nung bata pa ako. Mahiyain. Si Sister Maria Juanita lang ang kinagisnan kong kaibigan. Hanggang dumating ang panahon na sabi ni Sister na kailangan ko na matutong makihalubilo sa iba.
"Marami kang pwedeng maging kaibigan dito sa ampunan, hija" banggit niya habang naglalakad kami palabas ng pasilyong kinagisnan kong munti kong mundo papunta sa mas malaking bahagi ng ampunan na hindi ko pa pinupuntahan. Ang parte ng mundo na di ko pa nakikita.
Pagkapasok sa kwarto nakita ko ang ibang mga batang masayang naglalaro... nagtatakbuhan... nagtatawanan. Nanliit ako. Natakot ako bigla sa at napakapit sa palda ni Sister.
"Ela... wag ka mag alala... mababait ang mga bata dito... tulad mo... sige makipaglaro ka na" banggit sa akin ni Sister Maria Juanita bago siya lumabas ng kwarto.
Naiwan ako mag isang nakatayo sa may pinto... natakot akong lapitan ang ibang mga bata... sila naman tila di ako nakikita... naramdaman ko na lang na parang namumuo na ang luha sa mga mata ko nang...
"...ku-kumusta..." may lumapit na isang batang lalaki sa akin.
Tiningnan ko lang siya, pigil ang mga luha. Mukhang sing edad ko lang siya. Pero mas matangkad siya sa akin ng konti.
"Bago ka dito? Ako... kahapon lang nagpunta dito... wala ang mga magulang ko... wala ring mga kamag anak..." kwento nito.
Nakatinging lang ako sa kanya habang nagkukwento siya. Siya naman nakatingin lang sa akin habang ako'y nakikinig.
"A... ako nga pala si... si Nicolo..." sabi ng bata sa akin.
"...S-si Ela ako..." sabi ko ng hilahin niya ang kamay ko papunta sa ibang mga batang naglalaro.
Doon ko lang nalaman ang pagiging masaya. Dahil kay Nicolo naramdaman ko na maganda pala ang mundo. Di na ako naging ganung kasakitin, kasi kasama ko lagi si Nicolo. Mabait siya. Maalaga. Parang kapatid. Naparamdam niya na di na ako nag-iisa sa buhay.
Dumaan ang mga araw... mga linggo... naramdaman ko ang aruga ni Nicolo. Kahit sa mga pagkakataon na natatakot ako sa kulog at kidlat, yakap niya ako ng mahigpit.
"Wag ka matakot, Ela... simula ngayon paprotektahan kita... pangako..." bulong niya ng isang gabing malakas ang ulan, kulog at kidlat... yakap niya ako.
Tumango ako habang nakahawak sa kanya ng mahigpit, umiiyak. Hanggang nakatulog na lang ako na yakap niya.
Naging malapit kami sa isa't isa sa loob ng mga buwan hanggang dumating ang araw na pinatawag kami sa opisina ni Sister Maria Juanita.
"Sister... bakit po?" tanong ni Nicolo habang hawak ang kamay ko.
Binanggit ni Sister na may darating na mag asawa mamaya upang mag ampon ng isang bata para maging parte ng pamilya nila. Nagkatinginan kami ni Nicolo. Ang sabi ni Sister ay isang bata ang aampunin... isa lang... isa sa amin ni Nicolo ang aalis para sumama.
"O... tahan na Ela..." sabi ni Nicolo habang pinupunasan ang luha ko.
Ang mag asawang ito ay si Tsang Carmen at Tsong Onin. At ako ang pinili. Sa araw na yun, kinuha nila ako para isama sa kanila.
"Wag ka malungkot Ela...magkaka pamilya ka na..." bulong ni Nicolo ng papalabas na kami ng ampunan nila Tsang.
"Nicolo..." nabanggit ko habang hawak ang kamay niya.
Bumitaw si Nicolo at yumakap sa akin ng mahigpit.
"Nangako ako... poprotektahan kita... pangako..." bulong ni Nicolo bago siya bumitaw at lumapit kay Sister sa may pinto ng ampunan. Dun siya tumayo habang kumakaway nang palayo na kami nina Tsang.
At sa ngayon na inaalala ko ang nakalipas... parang nakita ko si Nicolo na pinupunasan ang mga mata niya bago siya yumakap kay Sister ng tuluyan na kaming lumayo sa ampunan.
Binaba ko ang tingin ko sa bukid na nasa mga gilid ko, pilit inaalala ang nakaraan.
"...pangako..." parang narinig ko sa hangin ang boses ni Nicolo.
Nagsimula na akong naglakad papunta sa bukid na pagtatrabahuhan ko ngayong araw na ito.
"... pangako, Ela..."
BINABASA MO ANG
Let Me Be The One
RomanceWhen everything is perfect... Or is it? Are you willing to let go of what you have... For something you just fancy?