Chapter 39 - Nais at Kagustuhan

3 0 0
                                    

Ela

Isang malamig na gabi.

Isang tahimik na gabi.

Ninanamnam ko ang lamig ng hangin sa may bintana ng kwarto ko na nakadungaw sa maliit na hardin namin. Maliwanag ang kalangitan at walang mga ulap. At sinisinagan ng bilog na buwan ang aming bayan.

Sa totoo lang kailangan tulog na ako kanina pa. Pero di makuhang dalawin ng antok ang mga mata ko.

"Ano bang problema, Ela?" tanong ko sa sarili ko ng may kumatok sa pinto.

"Ela, hija..."

Si Tsang,

Pumunta ako sa pinto at pinagbuksan siya.

"Hija... napansin ko na bukas ang ilaw mo mula sa swang ng pinto mo. May problema ba Ela, anak?" alalang banggit ni Tsang Carmen ng tumingin siyang diretso sa mga mata ko.

"Pansin ko kasi ang pagiging tahimik mo kanina habang naghahapunan" patuloy niya.

Sasabihin ko ba ang totoo?

"Ah... w-wala naman Tsang. Baka napagod lang kanina. Mainit kasi kanina sa bukid" sagot ko ng may ngiti.

"Talaga ba? Sige matulog ka na at makabawi ang katawan mo... naisip ko hija... itigil mo na kaya ang pagbubukid... napag usapan namin ng Tsong mo na babalik ka na sa pag-aaral sa susunod na pasukan..." kwento nito.

"Pag-isipan mo... para sa iyo rin yun" huling banggit ni Tsang bago niya ako hinalikan sa noo at marahang sinara ang pinto ng kwarto.

Natigilan ako. Napatingin sa may bintana. At mabagal na pinuntahan yun. Naupo sa tabi ng kama at inalala ang sinabi ni Samuel kanina lang.

"Isipin mo naman ang sarili mo..." bulong ng boses niya sa isip ko.

Sa totoo lang may mga pangarap din ako. Mahal ko kung ano meron ako. Pero pangarap ko na umasenso sa buhay. Gusto kong iaangat lalo ang buhay nina Tsang. Gusto kong masigurado ang pag aaral ni Jeffrey.

At tulad ni Ley-Ann... kahit di ko aminin sa iba... gusto ko rin iwan ang San Gabriel. Nais kong makaluwas at umasenso.

"Pero... mga panaginip lang siguro yun..." bulong ko sa sarili ko ng mahiga ako at pinilit matulog at limutin na lang ang mga kagustuhang ito.

Gail

After watching a scary movie about turning off lights and being attacked by unworldly things, I kept the lampshade in the living room open. Just in case.

"Scary kaya..." bulong ko as I carried the used bowl I kept my cheese popcorn in to the sink to wash.

"Haaayyyy... ayoko pa matulog... but need to get up early again for work tomorrow" I told myself as I dried my hands on the side towel then walked up to the bathroom.

Washing up and brusing my teeth after, I prepared for sleep.

"So ganito na lang ba ang life? Sana may excitement pa. Well... soon enough" ngiti ko sa sarili ko iniisip si Nicolo as I closed my eyes to sleep for the night.

"Well... that can be arranged... on a leave" bulong ko bago naka idlip.

Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon