Brent
"Sir Brent... I'll go on ahead..." Micah said as she stood by the door of the office.
"Oh... Ok, Micah... you take care going home... I'll be out in a few minutes as well; see you tomorrow" I waved before watching her walk away from the doorway.
I stared longer at the door as I rested my eyes from the computer screen. Then tiningnan ko ang wrist watch ko. 7:25PM. Need to start moving, need to go to Jelyn's dinner. Then my phone beeped.
<message received>
On my way home, babe.
Just stuck in traffice.
Miss you.
Sender: GailAfter replying that I miss her as well, I saved the programs I was doing on my computer before turning it off. Standing up, I took my phone and car keys before turning off the office lights and locking the door behind me.
"Another day done"
Passing the dark cubicles of the office, I got some glimpses of some of the pictures on the boards of the staff. Inspiring them to work hard how hard it may be. How stressful it was each day.
This is what reality is for so many...
But not all of us...
Nicolo
"Totoo ba ito?" tanong ko sa sarili ko habang nakasuot ng uniporme ng isang waiter habang nagsisilbi sa mga bisita sa party na ito.
Simula ng pumasok kami sa may gate ng village na ito. Ramdam ko na ibang mundo na itong tinutungtungan namin. Hindi na realidad ng mga tulad namin.
May mga security guard.
Mga matataas na mga bakod.
Mga malalaking mga bahay.
Magagarang kotse.
Naramdaman ko ang katayuan ko sa buhay. Tahimik kaming naghintay sa may guard house ng dumating ang organizer ng party na sinundo kami sa van nito. Habang sakay kami, naikwento na sa amin ang mga gagawin namin.
Ngayon eto ako may dalang mga inumin na paikot ikot sa malaking hardin. Si Ross, bantay sa may mesa ng pagkain. Si Andrei naman sa may loob naman nakatoka.
Kitang kita ko ang katayuan ko, eto nagsisilbi sa mga mayayaman na eto. Mga anak ng mga milyonaryo na sigurado di alam ang hirap ng pagtatrabaho.
"Ilang oras lang naman..." bulong ko sa sarili ko.
"Waiter!" Kaway ng isang lalaki sa di kalayuan.
"Ano po yun, Sir?" sagot ko sa paglapit ko sa kanya.
"Can you change this one... it's not cold anymore?" sabay abot sa akin ng baso nya ng mango juice.
Tulad ng dati, di ko naintindihan dahil sobrang Ingles at masyadong mabilis siyang magsalita.
"A..." nakatayong tingin ko sa kanya.
"Do I need to repeat what I said... you stupid or something?" iritang tanong nito na tumingin sa akin ng patayo na siya sa upuan niya at mukhang gagawa ng eskandalo.
Di ko alam sasagutin o gagawin ko.
"Let me do that for you, Sir" banggit ng isa pang waiter na lumapit sa amin sabay hila sa akin ng bahagya palayo sa mayabang na binata.
"Nagpapalit lang ng inumin yun..." bulong sa akin nung kasama kong waiter ng umabot kami sa may bar.
"Kanina pa yung mayabang na yun eh. Ako bahala" bulong nito ng kumuha siya ng isang basong gamit na at nilagyan ng yelo gamit kamay bago nilagyan ng mango juice at hinalo gamit daliri niya.
Gulat akong nanood sa ginawa nitong waiter na ito ng nagkatinginan kami.
"Wag kang maingay. Gantihan lang" banggit nito bago umalis at hinatid ang inumin sa binata.
"Please enjoy, Sir" dinig kong banggit sa binata.
Bumalik ang waiter sa may bar kung nasan ako at pinanood namin ang baso ng juice na iniinuman ng binata, sabay kaming tumawa ng tahimik at patago sa kalokohan naming nagawa.
"Ako nga pala si Dindo, bago ka sa pagwe waiter?" pakikipagkamay nya sa akin.
"Nicolo... Oo ngayon lang... di naman kasi ako waiter..." banggit ko ng may pag aalinlangan sa pag amin kung bakit kami nandito.
"Kasama ka sa mga dancer para mamaya, no? Narinig ko kanina sa ibang kasamahan ko na may happening mamaya" sagot nito habang nag aayos ng mga gamit sa bar.
"Alam mo napag isipan ko na rin dating mag dancer sa club. Para maka ipon din ng konti. Sa tingin mo?" banggit niya ng di tumitingala sa pag aayos ng mga bote ng tubig sa may lapag ng bar.
Napahinto ako at tiningnan si Dindo. Mukha namang maayos ang pangangatawan niya sa ilalim ng uniporme niya habang nakayuko siya.
"Ano? Pwede ba?" tanong niya ng humarap siya at naglabas ng mga bagong baso para sa mga inumin.
Natitigan ko mukha niya.
"Siguro... pero di biro itong pinag-iisipan mo. Di biro ang gusto mong pasukin" banggit ko bago may tumapik sa bandang likuran ko.
"O Nics... medyo tahimik dito sa labas ha... sa loob maselan mga tao... Pare, pagawa naman ako nitong mga inumin..." sabi ni Andrei bago siya umorder kay Dindo.
Nakwento ni Andrei na ang pamilya ng mga ikakasal ay nasa loob at magsisimula na sila kumain din sa loob ng ilang minuto. Nagkukwentuhan lang sila dun mga tungkol sa kasal at mga detalye.
"Grabe yung mga pinag-uusapan... parang limang beses ko ata narinig yung salitang 'milyon' sa loob" kwento ni Drie habang hinihintay ang mga inumin na kailangan niya.
"Pre, eto na order mo" banggit ni Dindo.
"Salamat.... sige hatid ko muna ito" sabi ni Drei bago umalis ulit papasok ng bahay.
"Kasama din siya mamaya, di ba? Di ko kasi siya namumukhaan eh" tanong ni Dindo na tinanguan ko.
Pagdating sa mga ganitong pagkakakitaan, kitang kita ang bibo ni Andrei. Lalo na kung malaking pera ang pinag-uusapan. Ganito ba talaga ang ikot ng mundo naming mas di nabiyayaan ng salapi?
"Nicolo, o... eto na mga ibang drinks na iiikot mo sa mga guest na nandito sa garden. Maya kakain na ang mga yan" bulong ni Dindo sabay abot ng tray ng mga inumin.
Pagkakuha ko ng tray, nagpaikot ikot ako para pagsilbihan ang mga mas nabiyayaan. Mga taong ni hindi makikilala kung sino ako pagkatapos ng gabing ito.
BINABASA MO ANG
Let Me Be The One
RomanceWhen everything is perfect... Or is it? Are you willing to let go of what you have... For something you just fancy?