Chapter 10 - A "Fun" Party

22 0 0
                                    

Gail

It was the day of the party and Jeannie has everything planned out at her place. She even rented som disco lights for her spacious living room. The drinks were all set. The munchies alread preapared. And the ice has already kept the freezer from closing... almost. As in puno. Jeannie really does have a knack for planning things like this. The whole sala is alrady a club for tonight.

"Sis... patulong naman. Palagay naman ang mga ito sa bowls while i check on the'guests' to come.... bawas muna inom... kanina mo pa bestfriend si Jose... Jose Cuervo..." Jeannie laughed as she handed me another big bag of chips to place on the table.

"Wow! Cheesepuffs!!!" sabi ko habang binubuksan ang bag at sinumulang kainin.

I enjoyed snacks once in a while. And since I am going "bad girl" tonight... let the drinking and the munching continue!

Nicolo

"San nga ba tayo pupunta Drei?" tanong ko habang nag aayos ng pantalon.

"Basta tol... pagkakakitaan natin ito" sagot niya habang nakatining sa salamin, inaayos ang buhok niya.

"Anong oras ba?" tanong ni Ross habang nakaupong umiinon ng beer sa may dining table sa kwarto ko.

"Hali na... baka matrapik tayo." sagot ni Andrei habang inuubos ang kanyang beer.

Palabas na kami ng kwarto ng makasalubong namin si Liz at si Jet.

"Oh san ang punta nyong magkapatid?" tanong ni Andrei sabay akbay kay Liz na ikinasimangot nito.

"Andrei, ilayo mo nga yang braso mo sa akin. Ang bigat kaya" sagot ni Liz habang tinutulak palayo si Andrei.

"May sakit daw si inay sa probinsya... labas kami ni ate para magpadala ng pera sa amin, mga kuya..."

"Ah talaga... sana gumaling na nanay niyo" banggit ni Andrei habang pababa ng hagdan kasunod si Ross.

Susunod na pababa sina Liz ng humarang ako sa may hagdan. Tumingin ang magkapatid sa akin ng dumukot ako sa bulsa ng pantalon at kumuha ng pera at binigay sa kanila.

"Eto... sana makatulong..." sabi ko habang inaabot ang pera kay Liz.

"5K? Ang laki naman nito Nicolo. Di ko ito matatanggap. Baka di namin mabayaran agad ito" sagot ni Liz habang sinasauli ang pera sa akin.

"Liz, hindi yan utang. Pinapahiram ko lang yan. Para makatulong. At parang patago na rin. Hindi ko na babawiin yan, Liz" sabi ko sa kanya, nakapatong ang kamay ko sa balikat niya, habang nagsisimula siyang umiyak.

"Nicolo! Halika na! Baka ma late pa tayo!" sigaw ni Andrei mula sa ibaba.

"Mauna na kami. Mag ingat kayo ha" huling banggit ko bago ako patakbong bumaba ng boarding house.

Di ko inisip na sabihing may interes yun. Dahil ang tao nanghihiram dahil walang wala. Di naman tama na patawan pa ng dagdag.

"Tagal mo. Let's go na!" yaya ni Andrei papunta kay Ross na pumara ng taxi na sasakya namin.

Gail

"Woohoo! Nasan na ang mga bisita Jeannie?!" tanong ko habang umiinom ng mixed cocktail na ginawa ko lang kanina.

"Hala, Teh! Sobra na ata nainom mo, girl! Hinay hinay... wala pa si Dinah" sagot ni Jeannie habang paikot ikot sa living room.

"Sis, relax... chill out..." ang sabi ko na lang habang patuloy sa drink ko.

DING! DONG!

"Sis! Buti naman dumating ka na!" sagot ni Jeannie ng pagbuksan niya si Dinah.

"Sorry... super traffic sa streets. Weekend kasi eh" ssgot ni Di habang papasok ng door.

Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon