nicolo
nagising ako sa liwanag ng araw sa mga mata ko. ganito lagi pag off ko. ang sikat kasi ng araw ay umaabot sa kutson na tinutulugan ko ng bandang alas 8 ng umaga. paraan din yun para di ako matulog buong araw pag wala akong pasok o lakad. mabuti na yun! sayang ang mga pwede kong magawa ngayon. may lakad kasi ako ngayon. isang lakad na importante,
"panginoon, salamat sa panibagong araw" dasal kong nakatingin sa may bintana habang nakatakip ang mga malaki kong braso sa mga mata ko.
umupo ako ng mabagal sa kama ko nagkamot ng batok at nag inat. tumayo ako nagpunta sa may mesa sa isang banda ng kwarto. may sariling kusina ang kwarto ko kahit papaano. maliit pero nagagamit naman. may ref din na kasama. buti na lang may pera akong pangbayad kaya may extra na gamit sa loob nito.
"anong pwede kaya lutuin pang almusal?" tanong ko sa sarili ko habang iniikot ang mata sa loob ng ref.
tubig... beer... malamig na juice... tirang kanin... malamig na tinapay... keso... hotdog... itlog... ok na. may pwede ng iluto. kailangan pala bumili na ako ng ibang mga pagkain para may lutuin at kainin sa loob ng isang linggo ulit. kinuha ko ang isang itlog, hotdog at kaning malamig. hiniwa ang hotdog sa maliliit at inilagay sa isang platito. dinurog ng bahagya ang namuong kanin at binati ang itlog sa isang mangkok. matapos nun nagpa init ako ng konting mantika sa kawali at pinirito ang hiwang hotdog.
"aray!" sabi ko ng matalsikan ako ng konting mantika sa dibdib.
dapat nag iingat ako, brief pa naman lang ang suot ko. tapos dahan dahan kong nilagay ang kaning bahaw at hinalo sa kawaling may hotdog. matapos ang ilang minuto nilagyan ko ng konting asin at paminta. hinalo ng konti at binuhos ang binateng itlog. tapos hinalo pa ulit. matapos ang ilang minuto nilipat ko na sa plato.
"breykpast is serb" sabi ko sa sarili ko ng nilapag ko ang plato ng fried rice sa mesa.
pumunta ako sa ref at kinuha ang juice at ibinuhos sa baso. pagkabalik ko ng natirang juice sa ref, pumunta ako sa radyo na nasa may tapat ng bintana at binuksan ito.
"at sa mga nagbabagang balita..."
puro mga krimen na naman ang laman ng radyo. nilipat ko sa isang station na puro mga kanta lang. hinayaang kong ang mga himig na tungkol sa pag ibig ang nanatiling ingay sa loob ng kwarto ngayong umaga habang ako'y kumakain. ayoko kasing kumakain sa katahimikan. parang nabibingi ako. kaya madalas ganito ang gawain ko. ang musika depende sa oras na magpapatugtog ako.
"kailangan ko pala siyang i-text..." alala ko habang kumakain kaya tumayo ako at pumunta sa kung san ko iniwan ang pantalon na hinubad ko kaninang madaling araw. pagkakuha sa cellphone bumalik ako sa mesa at patuloy na kumain.
sir,
available po ba kayo ngayon?
may hihinging favor po sana.
sender: nicolo
<message sent>binaba ko ng sandali ang telepono at inubos ang natitirang sinangag sa pinggan ko ng nang tumunog ang phone ko.
<message received>
gud morning.
nsa work na me ngayon.
anong pabor?
sna hindi pera. wala pa kasing sweldo.
free ako later after lunch.
see you sa tagpuan.
sender: sirmatapos basahin iniwan ko ang phone sa mesa habang naglinis ako ng pinagkainan. so mamaya pala ay may "booking" ako. may oras pa para mag ayos. tapos na ako maghugas ng may kumatok sa pintuan ko.
knock, knock!
"kuya nicolo... gising ka na ba?" tanong ng boses mula sa labas.
dali dali kong kinuha ang tuwalya sa may banyo at itinapis sa sarili. nakakahiya namang humarap sa may pinto ng naka brief lang. kahit na nasa loob ako ng kwarto ko. lumapit ako at binuksan ang pinto.
"o, jet. bakit ka napadaan?" tanong ko habang bahagyang nakabukas ang pintuan tanaw ang kapatid ni liz na mukhang papasok na ng skwelahan.
"narinig ko kasi na nakabukas ang radyo mo, kaya inisip ko na gising ka na... kuya, pinapabigay ni ate" sabi ni jet habang inaabot ang isang supot ng santol sa akin.
"uy, salamat! mahilig ako dito. salamat jet. pasok ka na ng school?" tanong ko habang nakasandal sa may pinto hawak ang supot ng prutas.
"oo kuya, may exam pa nga kami ngayon eh. di ako masyado nakapag aral. umaga na kasi ako naka uwi kagabi. sabi ni ate, nakita mo raw ako sa may tindahan" sabi nito habang hawak ang bag niya.
tumango ako sa sinabi nito. nakita ko siya kagabi sa may tindahan na mukhang may binibili. na itinago niya agad nung nakita niya ako sa taxi.
"uunahan na kita, jet..." simula ko na lumapit ng bahagya sa kanya.
"alam ba ng ate mo na nag yoyosi ka?" tanong ko ng may paghawak sa balikat nito.
nagulat si jet sa sinabi ko at napatitig sa mga mata ko na nagpakita ng pagiging seryoso. alam niyang natuklasan ko kung ano ang binili niya kagabi.
"k-kuya nicolo... w-wag mong sasabihin kay ate ha. magagalit yun sa akin. nag ta try lang naman eh" bulong nito habang di gumagalaw, kabadong nagsasalita.
tiningnan ko siya ng mabuti. mabait na bata si jet. matino. gagawin ang lahat para sa ate na nagpapapakahirap mag alaga sa kanya. minsan man may tampuhan sila, nagkaka ayos naman bago matapos ang araw. kita ko ang pagkadismaya sa sarili sa mga mata niya ng mga sandaling yun.
"ang payo ko, wag mo ng subukan mag yosi. bilang nakaka tanda... wag mo na simulan." sabi ko dito na tinugunan niya ng pagtango ng mabagal.
"akin na yang yosi bago pa makita ng ate mo" sabi ko ng nakataas ang kamay sa kanya hinihingi ang yosi na tinatago.
"kuya nicolo... wag mong sabihin kay ate liz ha. pangako di ko na gagawin yun ulit." sabi nito habang inaabot ang ilang stick ng yosi galing sa bulsa ng pantalon niya.
"pangako... basta di mo na gagawin ulit yun ha. sige pumasok ka na. baka ma late ka pa nyan" sabi ko ng bumitaw ako sa balikat niya at isinara ang kamay ko na may hawak ng yosi, itinatago ito sa likod ng supot ng santol.
tumango sa akin si jet at mabagal na bumaba ng hagdan papasok. sinundan ko siya ng tingin hanggang nawala na siya sa paningin ko. isasara ko na sana ang pinto ng nakita kong sumilip sa may pinto nila ang nagwawalis na si liz na nakatira sa kabilang dulo ng pasilyo ng floor namin.
"salamat!" sigaw ko kay liz na napatingin sa akin habang initataas ko ang supot ng santol.
isang matamis na ngiti lang ang sinagot niya sa akin habang papasok ng bahay nila.
pagkasara ng pinto ng kwarto ko, ibinaba ko ang santol sa mesa katabi ng phone ko na umilaw. may nagtext pala sa akin.
<message received>
nics,
txt k n lng pag punta ka na
pra di k maghintay ng matagal.
sender: sir."oo nga pala. may meet up ako mamaya. maglalaba pa ako." sabi ko sa sarili ko habang papunta sa banyo para maglaba. pagkadaan ko sa may basurahan tinapon ko ang yosi na nakuha ko kay jet bago kinuha ang mga marumi kong damit sa may lalagyan nga damit.
"di maganda na amoy yosi pag nakipag meet" bulong ko sa sarili ko.
di naman kasi ako nagyoyosi. pag kinakabahan lang. at di ko brand yung binili ni jet. napangiti ako. sana natulungan ko si jet na umiwas na lang sa bisyong iyon. inisip ko na sana serosohin niya ang sinabi ko sa kanya.
"makapaglaba na nga." sabi ko habang kinukusot ang mga damit ko sa batya ng tubig sa may banyo.
"sana may nagawa akong mabuti..." dasal ko sa hangin.
matapos ang kalahating oras naisampay ko na ang mga damit ko. naligo na ako at nag ayos para lumabas. may pagkaka abalahan ako ngayon. nagpabango ng konti. kinakabahan ako ng konti. pero nangiti lang ako habang pumipili ng damit na susuotin.
"eto na lang" sabi ko sa sarili ko habang hawak ang fit na tshirt na blue ko na may nakasulat na "victory is sweet" sa harap at ang maong ko na pants na faded.
sa loob ng ilang minuto, sinuot ko ang sapatos ko at lumabas na ako ng kwarto ko. kinandado ang lock sa pinto at bumaba ng hagdan.
"taym to gow places" sabi ko sa sarili ko ng suotin ang shades ko at humarap sa maliwanag na umaga.
malapit na mag 10 o'clock. tamang tama ang oras para makapunta dun. on time.

BINABASA MO ANG
Let Me Be The One
RomanceWhen everything is perfect... Or is it? Are you willing to let go of what you have... For something you just fancy?