Nicolo
Natapos ang gabi ng maaga. Tulad dati, di ganun kadami talaga ang mga kostumers pag Linggo.
Eto ako paakyat na ng hagdan ng boarding house. Tahimik ulit ang lahat. Lunes na bukas. Lunes na ngayon. May pasok na ulit silang lahat. Kami naman, pahinga kahit isang araw lang.
"Sarap siguro ng tulog ko nito" sabi ko pagkatapos maligo at umupo sa kama binibilang ang mga tips na isinabit ng mga parokyano sa brief ko o inabot ng may pagkapit sa mga kamay ko kani-kanina lang.
Matapos bilangin ang mga ito nilagay ko na ang pera sa wallet ko at nag ayos na para matulog. May booking kami mamayang gabi kaya kailangan magpahinga. Bukas ang bintana sa gilid pero nakatabing na ang kurtina ng matulog ako. Mahinang umiihip ang malamig na hangin na humehele sa akin , kasabay ang pagpatak ng ambon sa yero ng mga bahay.
"O... Nicolo... halika kain tayo..." banggit ni Gail sa akin ng nakahawak siya sa kamay ko.
"O-O sige" sagot ko ng papasok kami sa isang magarang kainan.
"Bili na po kayo ng bulaklak" wika ng isang batang babae sa bandang likuran namin nang malapit na kami sa pinto.
Si Gail ay nakahawak na sa may pinto ng lumingon siya sa batang babae. Sinundan ko ng tingin ang paglingon ni Gail sa bata ng magulat ako.
Kamukha niya si Ela, nung bata pa kami. Nung mismong araw na umalis na siya sa ampunan, yakap ang manikang katulad ng binigay niya sa akin bilang alaala.
"Sorry... ayoko ng flowers na tinda mo... so... ugly..." sabi ni Gail sabay talikod at hila sa kamay ko na hawak niya.
Natigilan ako habang nakatingin sa bata na hawak pa rin ang bulaklak. Siya naman nakatingin ng diretso sa mga mata ko ng magsalita siya.
"Kuya..."
Lalo akong nagulat ng ang boses ng bata ay mas lalong kapareho na ngayon ng kay Ela.
"Kuya..." ulit ng bata.
"... Nicolo, let's go..." iritang hila ulit ni Gail.
"... Nangako ka sa akin... na di mo ako pababayaan" sabi ng bata habang ang inaabot na ay ang manika niya sa akin.
Mabagal kong kinuha ang manika mula sa bata. Tiningnan ito at pinagmasdan mabuti. Narinig ko ang mahinang tawa niya nang magsalita ulit si Gail.
"Get out of here... ipapahuli kita... alis... GO!" taboy ni Gail sa bata.
Biglang tumakbo ang bata palayo kay Gail na parang nakikipag habulan, patungo sa dilim. Hawak ang manika, tumayo ako sa pagkakayuko at sinundan ng tingin ang bata.
"Good riddance... dirty... uneducated..." bulong ni Gail sa likuran ko na tila hindi ang bata ang tinutukoy... kung hindi ako.
Nasa pagtitig ako sa manika ng may marinig kaming malakas na pagbusina ng kotse kung saan tumakbo ang bata. Kasunod nito ang tunog ng pagbangga ng kung ano sa harapan ng kotse.
Nakita ng mga mata ko na tila bumagal ang oras nang makita kong ang nabangga ng kotse ay ang batang kanina ay hinahabol ni Gail.
"Ela!" patakbo kong sigaw papunta sa batang nabangga na mabagal na bumagsak sa kalsada.
Patuloy kong sinisigaw ang pangalan niya. Umiiyak. Manika sa aking kamay.
"Ela! Ela!"
"Ela... Ela... Ela!" napaupo kong sigaw sa pagkakagising ko.
Isang panaginip. Isang masamang bangungot. Si Ela. Si Gail. Ang manika.
"Bakit?" bulong kong nakaupo sa kama, ulo sa pagitan ng mga kamay ko habang patuloy amg pag tikatik ng ulan sa bubongan ng bahay.
Bakit?
BINABASA MO ANG
Let Me Be The One
RomanceWhen everything is perfect... Or is it? Are you willing to let go of what you have... For something you just fancy?