Ela
Matapos ko manggaling sa parlor, nagpunta ako sa plaza at nagpahangin. Nakatingin sa mga naglilibang na mga tao. Dadaan ako sa simbahan mamaya para sa misa.
Ang dami palang mga tao dito sa amin pag ganitong araw.
"Mama... tingnan po natin yun" sabi ng isang batang babae sa nanay nito ng napadaan sila.
Nakakatuwa naman ang mga taos sa bayan namin. Simple lang ang pamumuhay pero masaya. Tahimik. Nagmamahalan. Hindi mayaman pero kuntento sa buhay. Sapat lang.
"Buti na lang mahangin ngayon" banggit ko sa sarili ng hanginin ang buhok ko ng bahagya.
Daming nangyari ngayong araw lang na ito. Ang pagbabalak ni Tsang na bumalik na ako sa eskwela. Ang malaman ko ang sikreto nina Tsong at Aling Reina. Sikreto na alam na pala nina Marina at Francheska, pati si Samuel.
"Sana maitago ko itong sikreto na ito... hayyy..." bulong ko sa sarili ko ng may kumalabit sa akin mula sa likod.
"Uyy, Ela!" banggit ng kumalabit sa akin.
"Ley-Ann! Ginulat mo naman ako" sabi ko ng lumakad itong tumatawa sa harap ko.
Ito si Ley-Ann, isa sa mga naging matalik ko na kaibigan dito sa San Gabriel ng napunta ako kina Tsang. Sing edaran ko pero mas isip bata ng konti sa akin. Palatawa at sobrang makwento. Lumaki siya kasama ang kapatid niya na si Kuya Kaloy. Wala na kasi ang mga magulang nila ng sanggol pa palang si Ley-Ann. Sobrang alaga at bantay siya ng kuya niya kaya minsan nagrerebelde sa kuya pero patago. Pangarap niyang makapunta ng Maynila at iwan na ang San Gabriel pagdating ng araw.
"Anu ka ba, teh... ikaw nagulat? May ikakagulat ka pa ba dito sa atin?" patawang tanong ni Ley-Ann habang nakatingin ako sa kanya.
"Kung alam mo lang" bulong ko sa isip ko.
"Halika na nga at magsimba na tayo" yaya ko bago kami sabay na lumakad papuntang simbahan.
"Halika na!" masayang sagot niya.
"... at makapag pasalamat..."
Nicolo
"... Salamat, Liz, ha" banggit ko ng paakyat kami nina Liz at ng kapatid nitong si Jet sa hagdan ng boarding house.
"Salamat para saan, Nic?" tanong nito ng umabot kami sa palapag ng mga kwarto namin.
"Sa... sa pagyaya sa akin na magsimba. Matagal na kasi yung huli kong pagsimba. Salamat ulit ha" muli kong sabi ng naka harap sa kanya.
"Wala yun! Buti at libre ka para makasama sa amin ni Jet" sagot nito.
Matapos ang ilang minuto, naghiwalay na kami at pumasok sa kanya kanyang kwarto namin. Kailangan ko pa mag ayos at may pasok pa ako sa club sa loob ng ilang oras.
"Buti naihanda ko na ang mga damit ko kanina... Hayyy... ang buhay ng isang callboy..." sabi ko pagkahubad ko ng t-shirt at sandaling humiga sa kama.
Kinuha ko ang celfone ko na katabi ko sa kama at tiningnan ito. Baka busy si Gail para mag reply. Binaba ko ulit ang fone sa kama. Umupo ako at tinignan ang envelope na bigay ni Sir Nestor sa akin ilang araw na ang nakakalipas. Mabagal akong tumayo, kinuha ang envelope at inilabas ang mga papel sa kama kung san ako muling umupo.
"Simulan ko na kaya ito..." pagdedesisyon ko ng umpisahan ko ang pagsusulat sa mga papel na nanghihingi ng mga impormasyon tungkol sa akin.
Matapos ang halos kalahating oras, nangalahati ako sa mga papel na sinasagutan ko. Itinabi ko muna ito sa mesa at naligo at nag ayos na para sa club.
"Mag aalas otso na pala... kailangan na umalis" bulong ko habang nagbibihis.
Muli kong tiningnan ang celfone ko. Wala pang reply si Gail. Baka nga busy.
Pero miss ko na siya.
BINABASA MO ANG
Let Me Be The One
RomanceWhen everything is perfect... Or is it? Are you willing to let go of what you have... For something you just fancy?