~Chapter 28: Letting Go~

13.2K 172 43
                                    

___________________________________________




KATHRYN

Nagstart na ang klase namin pero lumilipad pa rin ang isip ko dahil sa nangyari kanina... Nakakaguilt kasi na.. na .. na pinaasa ko si Albie. Na hinyaan kong manligaw siya sa akin ulet. Tsk. Kasi naman eh... Kung nanligaw agad kasi sa akin si Dj, di ko na siya hahayaang manligaw pa sa akin dahil alam ko sa sarili ko na si Dj lang ang sinisigaw ng puso ko.. :'''). ang cheesy ko pero yung ang totoo. Siya nga pala, di pumasok si Albie ngayon at nung tinanong ng secretary namin kung sino ang nakakalam ng reason, wala ni isang sumagot.. May mga nagsabi raw na nakita nila si Albie kanina pero bigla na lang daw nawala. Ako?! Alam ko ang reason.. And that is me...

Tila ang bilis ng oras dahil recess time na kagad. Kinuha ko na ang mga gamit ko at inilagay ang lahat ng mga ito sa backpack ko. Tumayo ako agad at nilapitan si Dj. 

"May problema ba, 'Ba??" Tanong niya sa akin. 

"Ah... Eh... W-wala n-naman.." Sagot ko. 

"Kilala na kita, 'Ba.. Kapag malungkot ka or may bumabagabag sa isip mo, ganyan ang mukha mo. kilala kita as a happy person, Kath kaya madali kong malalaman kung may problema ka ba or wala.." Concern niyang sabi.

"Okay lang ako.. Umm.. Tara na?! Punta tayong canteen. Baka hinihitay na nila tayo."

"Geh. Sabi mo eh.."  Naglakad na kami palabas ng room papuntang canteen. At pansin ko na center of attraction kami kasi lahat napapahinto nung nakita kaming naglalakad magkasama... Agh.. Nakakahiya. Nakaholding hands kasi kami eh..... Bigla namang hinigpitan ni Dj ang hawak niya sa kamay ko.. siguro dahil nasesense niyang naiilang na ako.. 

"Oh my!!" 

"love is in the air!" 

"Psh. Di bagay.."

"Inggit ka lang sa kanila.. Bagay kaya.. Unting makeover lang and tada.. Pwede na.." 

"Psh.." 



Puro ganyan lang ag naririnig namin. Yung iba sang-ayon yung iba hindi.. 
Nga pala... Hindi pa pala alam nina mama na kami na ni Dj. Di na rin kasi ako nakakabisita doon dahil nga rin sa busy kami tapos si mama paminsan nasa abroad pa. Ang sabi lang niya ay pinapapunta daw siya nina lola doon, for vacation daw. Ewan. Nakakapagtaka nga eh. Kasi, kahit walang job si mama, lahat ng kailangan namin ay natutustusan niya. Para bang may secret si mama... Ewan. Basta.. 

Sa wakas at nakarating na kami sa canteen. Pero, masyadong crowded kaya medyo nahirapan kaming hanapin sina Julz. 

"Nasan sila??" Tanong ko sa katabi ko. 

"Aba malay ko.. Hanapin na lang natin." Sabi niya at nagsimula na kaing hanapin ang barkada. 

"KATHNIEL!!" May sumigaw mula sa likod namin.. Ano raw!?? 

"Uy!!! Daniel, Kath!" Napalingon kami at nakita ang barkada. 

"Uy! Sino yung tinatawag niyo kanina na 'KathNiel'" Tanong ko. 

When The Good Girl Meets Mr. Bad Boy  (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon