[1st Chapter] Graziela Francisca Institute

91 3 0
                                    

*ADDIE*

"I'm Addie Zephaniah Santiago, 15 years old

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I'm Addie Zephaniah Santiago, 15 years old. I studied in San Francisco last school year and transferred here in Graziela Francisca for some reason. You can just call me Addie. I hope we can all be friends." I flashed my sweetest smile to all of them. Pero bakit parang ang tatalim ng tingin nung iba sakin?

"Nasa Pilipinas na siya, pa-english english pa." Narinig kong bulong ng isang babae. Bulong pa nga ba yun? Rinig na rinig ko eh.

"Siguro naghirap kaya napunta ulit sa Pilipinas. Hahahaha!" Sabi naman nung lalaki na katabi nung babaeng nagsalita kanina. Aba akala yata nila hindi ko naririnig yung mga pinagsasasabi nila. Saksak ko kaya sa mga baga nila yung wallet ko? Okay.. Chill Addie. Inhale.... Exhale.

"You two! Nicka and Leo, get out of the room! Hindi kayo marunong rumespeto!" Muntik na kong mapapalakpak sa Teacher ko. Okay, siya na ang favorite kong teacher. Kidding. Lumabas yung Nicka at Leo. Ako naman umupo na sa upuan ko. May katabi akong lalaking mukhang mayabang, siya yung lalaking kanina ko pa napapansing ngiti ng ngiti sakin. Yung nasa kanan ko naman, isang babaeng medyo chubby pero maganda naman siya, konting ayos lang. Nakatingin siya sa'kin kaya nginitian ko siya.

_________

Pagkatapos ng klase kay Mrs. Gervacio, nilibot namin ni Quiel yung school.

Quiel is my best friend. Mas matanda siya ng isang taon. Nakilala ko siya sa San Francisco, siya talaga ang dahilan kung bakit sa lahat ng school na lilipatan ko ay dito ako napadpad. Para man lang may kaibigan ako di ba? Kahit isa. Hindi kasi ako masyadong friendly. Ang mga naging kaibigan ko nga sa SF tatatlo lang. Mapili ako sa mga nagiging kaibigan ko. Siyempre aware na ako sa mga taong hindi totoo sa isa't isa. Alam niyo naman sa panahon ngayon, marami nang peke.

Lumapit sa amin yung babaeng seatmate ko kanina. "Uy, Brynn! Kamusta?" Ngumiti samin yung babae at pinasama na namin siya.

"Ayos lang ako. Masaya na may bagong classmate. Haha.. Addie di ba?"

"Oo. Teka, matanong ko lang. Bakit nandoon ka sa may dulo ng classroom natin? Tapos hindi ka pa masyadong nakikihalobilo sa kanila." Napayuko naman siya at napatigil sa paglalakad kaya agad ko siyang hinarap.

"Uy, Brynn sorry. Sorry ang daldal ko. May nasabi ba akong masama? Sorry ulit." Tumingin si Quiel sa amin.

"Ako na nga ang magsasabi sayo.. Si Brynn kasi... binubully ng klase niyo." Tumango ako kay Quiel at tiningnan ko si Brynn. Bakit naman siya binubully? Wala namang kabully bully sa kanya. Napabuntong hininga ako. Ano na bang nangyayari sa mga kabataan ngayon?

"Don't worry, Brynn. Hindi ka na nila mabubully. Subukan lang nila. Matitikman nila 'tong maganda kong kamao." I raised my fist at ngumiti, natawa naman silang dalawa.

Pumunta kami sa canteen ng school at umupo doon sa medyo gitna. "Order na kayo. Ako na magbabayad." Sabi ko at napangisi naman si Quiel.

"Gusto ko ng burger, fries, orange juice, at hotdog sandwich." Inirapan ko si Quiel at hinarap si Brynn. "Pareho ng sa kanya." Nginitian niya ako. Hinarap ko yung nasa counter.

DriftedWhere stories live. Discover now