[8th Chapter] Getting To Know

17 0 0
                                        

*ADDIE*

"Naaalala kasi kita kay Kyra kaya nakipag-kaibigan ako." Kyra? Sino yun? Ex-girlfriend niya kaya yun?

Napansin niya naman akong nakakunot ang noo kaya medyo natawa siya. "Baby sister ko si Kyra. Kaso wala na siya ngayon eh." Lumungkot ang mukha niya kaya nagulat ako.

"What? Kelan siya namatay?" Mukhang nagulat din siya sa inasal ko.

"Wag ka namang ganyan. Hindi pa siya patay no! Tinangay siya ni Daddy nung grade 6 pa lang ako." Napatahimik na lang ako kasi napahiya ako eh. Huhu sorry naman.

"Saan siya dinala ng Dad mo?"

"Sa US. Doon na sila tumira simula non. Simula din ng umalis sila, alalang alala ako sakanya. Siya lang kasi yung kasama ko bata pa lang ako. Tapos nung naghiwalay sila Dad and Mommy, pati kami nagkahiwalay na rin." Tinapik ko ang likod niya at nginitian ko siya.

"Hayaan mo na. Maganda naman ako eh. Hahaha! Kidding. Isipin mo na lang ako si Kyra para hindi ka masyadong nag-aalala sa kanya." Nginitian niya naman ako ng napakalaki. Masama bang tingnan ang gwapong mukha? Tapos nung nagstop over yung mata ko sa mata niya, grabe ang ganda talaga. Light brown yung color ng mata niya. Well, pareho kami but meron akong contacts kaya gray ito.

"Sabi ko naman 'wag mo akong titigan e. Masasaktan ka lang." Eh kasalanan ko bang gwapo siya? Hmp!

"Ang panget mo lang kasi kaya kita tinititigan. Naaawa ako sayo eh. Pinagkaitan ka kasi ng gwapong mukha." Syempre habang sinasabi ko yun, nakaiwas ako sa mukha niya. Baka kasi pag tinignan ko, maging saliwa yung mga sinabi ko.

"Hoy! Anong pinaparating mo? Na hindi ako gwapo? Na panget ako ganon? Sa gwapo kong to! Palaka nalang ang hindi magkakagusto sakin." Tumawa ako ng tumawa kaya ang sama ng tingin niya sakin.

"Talagang hindi sila magkakagusto sayo. Hate mo sila eh. Hahaha! The feeling is mutual, dre! Hahaha!"

"Mabuti at hate din nila ko. Kundi.." Tumigil ako at ngumiti ng nakakaloko sa kanya.

"Kung hindi lagot ka! Hahahahaha!!" Tawa pa rin ako ng tawa kahit nakita kong parating si Nanay Martha. Nakakatawa rin kasi yung mukha ni Thorne kapag iniinis. Parang pinapatay ka sa tingin. Haha

"Mukhang ang saya niyo dyan ah. Kumain kayo, iiwan ko na kayo ha." Pagkatapos ay umalis na si Nanay Martha at iniwan niya ang dalawang piraso ng sandwich at dalawang baso lemon juice.

Kumain lang kami ni Thorne. Paano kasi nabitin yung kain ko kanina kaya gutom pa rin ako. Siguro si Thorne din kasi sinamahan niya ako.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ayan ang nakita ko sa phone ko kaya mabilis ko itong sinagot.

"Hi Baby Zephie! Kamusta ka na?"

"Kuyaaaaaa!!! Miss na miss na kita! Ayos lang ako dito! Ikaw?" Tinakpan ni Thorne ang tenga niya dahil sa pagsigaw ko.

"I'm fine. Miss na rin kita. Si Mom nandyan ba?"

"Yes Kuya."

"Eh si Dad?" Matagal bago ako makasagot. Hindi kasi ako makapaniwala na hinahanap niya si Dad eh.

"Ah Kuya he's here too. Why?"

"Uuwi na kasi ako next month."

"What?! Really Kuya?! Yeyyy! I'm so happy!"

"Yeah, I know. I miss you Addie. Ang tagal na nating hindi nagkikita."

"Kuya, makikipag-ayos ka na ba kay Dad?"

"I don't know, baby.. We'll see."

"Okay po Kuya." Medyo lumungkot ako kasi parang hindi pa sila magkakaayos na dalawa.

"So... I'll hang up na ha? See you next month Addie! Take care always. Love you!" At ini-end na niya ang call. Ang sweet naman ng Kuya ko. Sana lang maging maayos na kaming pamilya.

"Bakit ang saya mo?" Nilingon ko si Thorne habang nakangisi.

"I'm excited! Kasi uuwi na si Kuya next month."

"Oh. Sana mapanood niya yung performance mo."

"Ah oo nga pala." Hindi ko pa kasi alam yung kakantahin ko. Dapat mafeel ko yung kanta. Ayun yung kinapanalo ko dati eh. Paano kasi yung super crush ko, hindi ako napapansin. Tapos kumanta ako ng hugot song. Hahaha! Ayun feel ko talaga. Hindi pa ako makapili ng kakantahin kasi wala pa akong paghuhugutan. Next time na lang.

"Thorne anak, let's go home na. Bye Addie. You'll see each other pa rin naman tomorrow. See you next time! Magpagaling ka ha." Nginitian ko si Tita at nagbeso sa kanya.

"Wait lang, Mom. Mauna ka na po. Susunod na lang ako.." Sumakay na sa kotse si Tita Annie at ito namang si Thorne nasa harap ko. "Tingin mo ba iiwan kitang magisa dito? Halika na ipapasok na kita sa loob. Mahamog na oh."

"Sabi ko nga po Mr. Alonzo." Bigla niya akong binuhat papasok sa bahay. At teka.. Papanik siya ng hagdan? "Hoy aano tayo?"

"Edi sa kwarto mo. Gabi na matulog ka na." Wow ha. Talagang pati sa kwarto ko ihahatid niya ako. Sa bagay, hindi na nga ako makalakad, makaakyat pa kaya ng hagdan? Buti na lang at malinis na ang kwarto ko.

Pinasok niya ako sa kwarto ko at inupo sa kama. "Oh pano? Aalis na ko ha? Pagaling ka, Addiedas. Bye!"

"Sige Tinik. Thanks!" Tinanguan niya lang ako at umalis na. Naiwan akong mag-isa sa kwarto ng nakangiti. May bait din pala yung mga frog hater no?

Humiga na lang ako sa kama ko at nagpalupot ng kumot sa katawan. Inalala ko yung mga nangyari kanina. Niyakap ako ni Thorne kanina na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ewan ko kung bakit nangyari yun. Sa buong buhay ko, nung niyakap niya lang ako naging abnormal ang tibok ng puso ko. Kumanta kami ni Thorne sa music room. Grabe that time sobrang nagwapuhan ako sa kanya kasi ang galing niya na kumanta, magaling pa siya tumugtog. Mahilig din siya sa libro katulad ko. Si Kuya Rive naman, tumawag tapos uuwi siya next month. Siguro malaki ang pinagbago nun. Si Dad, makikipag-ayos kay Kuya pagdating niya. Alam kaya niya na uuwi na si Kuya next month? Ang hirap kasi talaga kapag nagtapat ang dalawang bad boy eh. Buti na lang mana ako kay mommy at pasalamat din ako kay Kuya na tinuruan niya akong lumaban sa mga bully kagaya niya. Sana dito na ulit siya mag-aral.

Ang daming magagandang nangyari ngayong araw. Maliban na lang sa sprain ko. Bwisit kasing bato yun. Hindi ko namalayan natapakan ko pala. But salamat sa kanya kasi mas nakilala ko si Thorne.

Itutuloy...

DriftedWhere stories live. Discover now