*THORNE*
~~(July 23)
Napilitan akong bumangon dahil sa maingay kong alarm clock. 7:05 AM na pala. I guess malelate na naman ako. Tsk.
Naligo muna ako at nag-ayos bago bumaba para kumain. Pagdating ko sa dining room, nakaupo na si Mommy and as usual, maraming phones na hawak. Ewan ko nga kung paano niya nagagawang kumain ng maraming tawag na hinihintay.
Binagalan ko ang pagkain ko since alam ko namang malelate ako. Edi sasagarin ko na, di ba?
"Mom, alis na ako." Dumiretso na ako sa kotse ko. Ang boring talaga rito kahit kailan! Napakalaki nga ng bahay, hindi naman kami nagkikita kita.
Binilisan ko ang pagmamaneho dahil 7:37 na pala. Nang makarating ako sa school, nagmadali na ako papunta sa building. Terror sa mga bad boy si Ma'am Gervacio eh. Baka hindi na nga ako papasukin.
Napahinto ako sa paglalakad dahil nakita ko si Addie.. may kasamang lalaki. Nagtago ako sa malaking poste at sumilip sa kanila. Rinig na rinig ko rin ang mga usapan nila.
"Nahanap mo na yung office? Anong nangyari?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Addie. Anong karapatan niya?!
"Nakapag-enroll na ako, baby girl!!" BABY GIRL?!
Bumulong si Addie sa kanya kaya hindi ko masyadong narinig pero nagtawanan sila.. At nagyakapan! Nakakarami na 'to kay Addie ah.
"Excited lang ako, Baby girl. Magkasama na kasi ulit tayo sa isang school. Namiss kaya kita! Di mo ba ako miss?" May panguso-nguso pa siyang nalalaman! Sinampal siya ni Addie ng mahina. Ayan! Tama yan, Addie! Sampalin mo sige!
"Nagpapacute ka na naman. Akala ko ba bad boy ka? Bully ka 'di ba? Anyare na? Hahaha!" Dahil ayoko nang makakita pa ng kung anong masakit sa mata na gagawin nila, pumasok na ako sa classroom.
Saan nga ba talaga masakit yun? Sa mata ba o sa puso?
Tsk! Ano ba 'tong mga naiisip ko? Syempre sa ano.. sa mata! Sa mata kaya masakit yun!
Nang makita ko si Clarah sa upuan ko, sinamaan ko siya ng tingin. "Tabi!" Tumayo siya at umupo sa upuan ni Addie. Aba imbes na gantihan ako nginitian niya lang ako. Himala yun!
"Bad mood si Froggie ah! Nakita mo ba sila?" Bangasan ko kaya siya ng makita niya!
"Sino?!" Sige, patay malisya lang, Thorne. Pogi ka pa rin.
"Edi si Addie pati yung boyfriend niya." Nanlisik ang mga mata ko at bigla akong napatayo.
"BOYFRIEND?!" Nagsitinginan ang mga kaklase ko kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Umupo ka kasi at ikukwento ko sayo." Sinunod ko naman siya kahit ayokong marinig. Kaso kahit gustuhin ko rin palang pakinggan, hindi matutuloy dahil dumating na si Addie.
Bumalik si Clarah sa upuan niya at nang tignan ko siya. Pumorma ang mga kamay niya na parang broken heart. Epal 'tong amazona na 'to! Panira lalo ng araw!
"Bakit nakabusangot 'yang mukha mo?" Napatingin ako kay Addie at bumilis na naman ang tibok ng lintik kong puso. Tuwing tinitingnan ko siya, palagi akong nagkakaganito. Hindi pwede 'to! Gaya nga ng sinabi ko, danger zone ako kaya bawal kay Addie.
YOU ARE READING
Drifted
Teen FictionAng magagawa mo lang ay ang isugal ang puso mo. Magpatianod sa buhay at magtiwala sa kayang gawin ng tadhana. But will there be a happy ending? Let yourself drift to a life full of lies, sadness, and happiness. Paano nga ba masusurvive nina ADDIE at...