[6th Chapter] Concerned Thorne

18 1 0
                                    

*THORNE*

Masaya akong pumasok sa classroom. Napansin ko naman ang masamang titig sa'kin ni Addiedas habang papalapit ako sa upuan ko. Pag-upo ko, tumayo siya sa harap ko at dinuro duro ako. "Bakit mo ginawa yun?!" Teka alam niya na ba? Damn! Dapat talaga sinabi ko na kahapon eh.

"Bakit? Ayaw mo? Ang galing mo kaya! Panigurado mananalo ka doon." Kinindatan ko pa siya kaso hindi effective kasi si Addie siya. Isang magandang nilalang na walang kinatatakutan maliban sa daga.

"Sinabi ko bang isali mo ako doon sa singing contest? Ha?!" At dahil doon, Nagtinginan na ang mga kaklase namin. Kinuha ko ang phone ko at ini-play ko ang voice memo na nirecord ko noong kumakanta siya sa music room. Lahat kami nakinig. Pumikit pa ako dahil mala-anghel talaga ang boses niya. Ilang beses kong pinaulit ulit yung kanta niya na to.

Napadilat ako nang kinuha ni Addie ang phone ko. Tsk! Baka makita niya yung wallpaper ko eh. Pilit kong kinukuha ito at nilagay niya naman sa likod niya. Niyakap ko siya at hindi na mahigpit ang hawak niya dito kaya mabilis ko itong nakuha.

Nilock ko ang phone ko at dinilaan ko si Addie. Inirapan niya lang ako saka lumabas ng classroom. Ang sungit talaga niya. San naman siya pupunta? Magdiditch ng class?

"Hoy Addiedas! Saan ka pupunta?" Tinatawag ko siya pero dire-diretso lang siya sa paglalakad. Or should I say pagdadabog? "Nasa akin yung bag mo oh!" By that, tumigil siya at pumunta sakin. Hinablot niya ang bag niya pero hindi ko ito binitawan.

"Saan ka pupunta? Dadating na yung teacher natin."

"I don't care about them and you shouldn't care about me. Bumalik ka na doon!!" Hinila niya ng pagkalakas lakas yung bag niya kaya nabitawan ko na ito. Tsk tsk. Nakakatakot pala siya kapag galit. Parang si Kyra lang. Amazona!

Bumalik na ako sa room kaysa sundan pa yun si Addiedas. Kaya niya naman na sarili niya.

Dumating si Mrs. Gervacio at nagturo na. Lahat ng sinasabi niya, hindi pumapasok sa utak ko. Paano kasi inaalala ko si Addie, nasaan kaya yun? Baka mamaya may nangyari nang masama dun! Dahil sakin kaya nag ditch siya ng class tapos mapapahamak pa siya? Aba Thorne, hindi na makatarungan yan! Kailangan mo na siyang hanapin.

"Mrs. Gervacio, may I go out?" Mabuti na lang mabait ang teacher na to kaya pumayag agad siya.

Lumabas na ako ng classroom at hinanap si Addie. Pumunta ako sa library, wala. Sa garden, wala rin. Ah teka, sa music room. Panigurado andun yun!

At tama nga ako. Tinapat ko ang tenga ko sa pintuan. Hay.. Ang ganda talaga ng boses niya. Parehong pareho sila ni Kyra.. Yung kinakanta niya, paborito ring kanta ni Kyra yun.

Kung hindi lang sana siya nawalay sakin...

Pumasok ako sa music room at napatigil siya sa pagkanta. Ang talim ng tingin niya sakin. Parang tinotorture niya ko sa isip niya. Nakakatakot talaga tong babaeng to. "Kumanta ka lang. Tutugtog rin ako." Nginitian ko siya at umupo sa tapat ng grand piano. Nagsimula akong tumugtog. Sumabay rin naman siya at kumanta na kami pareho.

"Seasons are changing

And waves are crashing

And stars are falling all for us

Days grow longer and nights grow shorter

I can show you I'll be the one 🎶"

Tumingin ako sa kanya at nakatingin din siya sakin. Ilang sandali lang umiwas na siya ng tingin at nagpatuloy sa pagkanta.

"I will never let you fall (let you fall)

I'll stand up with you forever

I'll be there for you through it all (through it all)

Even if saving you sends me to heaven..."

Nagtinginan kami at tumawa sa isa't isa. "'Wag ka nang sisimangot. Mas maganda ka kapag nakangiti eh." Tahimik lang siya kaya tumawa ako. Ang cute niya. Namumula yung mga pisngi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya. Eh kung hindi ko pa siya hinila baka nakatunganga lang to dun hanggang mamaya. "Hoy san mo ko dadalhin?! Pangalawang beses na to ah!" Napangiti ako. Yung unang beses kasi dinala ko siya sa garden. Kami lang ni Kyra nakadiskubre ng lugar na yun eh. Ewan ko nga kung bakit walang ibang estudyanteng nagpupunta dun. Sabagay dadaan ka pa sa kahoy kahoy bago makarating dun.

"ARAY!" Nagulat ako ng sumigaw si Addie at napaupo siya. Agad ko siyang pinuntahan.

"What happened?"

"I sprained my ankle. Ang sakit!!" Mangiyak ngiyak na siya habang hawak niya ang paa niya. Agad ko siyang binuhat at nagulat naman siya. Subukan niya lang magwala at ihuhulog ko siya.

"HOY! SAAN MO NA NAMAN BA AKO DADALHIN! KANINA KA PA HA! IBABA MO NGA AKO!!!" Ayan nagwala na nga. Bahala kang mahulog kung gusto mo.

"'Wag ka ngang sumigaw. Ang ingay mo. Dadalhin kita sa clinic." Agad naman siyang umiling.

"Ayoko doon. Ibaba mo na ko. Kaya ko na ang sarili ko." Malumanay niyang sabi. Binaba ko naman siya at dahan dahan akong naglakad palayo. Alam ko kasing tatawagin niya pa rin ako. Hindi niya naman kayang maglakad mag-isa no. Imposible rin na gumapang siya.

"Hoy Tinik!" See? HAHAHA. Lumingon ako ng may ngiti sa labi at lumapit sa kanya. "Alalayan mo ako papunta sa labas. Isakay mo ako ng taxi. Uuwi na ako." Binuhat ko siya ng bridal style kaya nagreklamo na naman.

"Sabi ko alalayan mo lang ako, hindi buhatin." Ang sama ng tingin niya sakin. Tinutulungan na nga, siya pa galit. May ontok talaga 'tong babaeng to.

"Mas matagal pa kapag inalalayan kita. At least itong buhat mas mabilis na, nakachancing ka pa." Kinindatan ko siya at tumawa ako. Inirapan niya naman ako.

"ASA!" Ano pa nga bang aasahan ko? Eh siya na ata ang pinakamataray na babaeng nakilala ko. Tss kung ibang babae lang yung binuhat ko ng ganito siguro nahimatay na yun. Haha

Dinala ko siya sa parking lot. "Oy oy! Ibang way na to ah!" Napailing na lang ako at sinakay siya sa kotse ko.

"Magseatbelt ka. Hindi na kita sinakay sa taxi kasi mas delikado dun. Ihahatid na lang kita sa bahay niyo."

*ADDIE*

"Eh hindi mo naman alam yung bahay namin eh."

"Ano ginagawa mo kapag nakasakay ka sa taxi."

"Edi nakaupo."

"Tsk. Ang slow talaga.. Malamang ituturo mo sakin yung daan di ba? Hayyy BRAINYYYY!"

Umiling ako at palihim na ngumiti. Ang cute kasi niya. Parang bading lang. Hahaha

                 Nang makarating sa bahay , "Pasok ka muna."

"Malamang papasok din ako. Makakalakad ka ba papasok?" Aba nakakarami na to sakin ah. Piningot ko ang tenga niya kaya napaaray naman siya.

Ibinaba niya ako sa sofa. Hay! ang lambot! Dito nalang ako forever!!! Haha

Umupo naman si Thorne na sofa na nasa tapat ko. Mabait naman pala siya, mahangin lang. "Nay Martha, pakuha naman po ng ice bag. Salamat po." Binuksan ko ang TV at nanood ng Spongebob. Ang cute cute talaga niya. Sabi pa nga ni Mommy paborito namin ni Kuya yan bata pa lang kami. Namiss ko tuloy si Kuya.

"Ms. Addie, ito na yung ice bag. Ano ba ang nangyari sayo nak?" Umupo sa tabi ko si Yaya at may binulong siya sa akin. "Yung mama mo tinawagan ko, sabi ko may kasama kang lalaki. Naku at excited ngang umuwi. Pauwi na raw siya eh." At umalis si Yaya. Tawa naman ako ng tawa. Si mommy kasi. Bakit kaya naexcite siya? Sinabi lang na may lalaki akong kasama nagmadali nang umuwi. Haha

"Huy Addiedas, baliw ka na ba?" Nandito nga pala 'tong lalaking to. Sakto naman dumating si Mommy kaya hindi na humaba usapan namin.

"Good noon anak. Hi Thorne! How are you?" Nagmano si Thorne kay Mommy at ako naman palipat lipat ang tingin sa kanila. Anong nangyayari?

"Wait Mom, kilala mo siya?"


Itutuloy...

DriftedWhere stories live. Discover now