*ADDIE*
"Psst.." Sino ba 'tong istorbo na 'to? Kitang natutulog yung tao eh.
"Psst!" Hindi ba 'to titigil? Nakakainis na ha! Tumalikod ako para hindi ako mabulabog. Kaso parang bumigat naman yung tagiliran ko. Pero nawala rin.
Bakit ba masyadong maalog 'tong kama ko?! "Pst.." Aba't!
Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin si Thorne na may napakalapad na ngiti.
Teka... Thorne, isang malaking rosas sa dingding, mga tinik.. Shoot!! Wala ako sa kwarto ko. Tumingin ako sa katawan ko. May mga damit pa naman ako, thankfully. Walang ginawang harassment 'tong tinik sa akin.
"Mabuti naman at gumising ka na mahal na prinsesa." Napasarap ba talaga ang tulog ko? At saka bakit ba ako nandito? Ang naaalala ko lang ay pumunta ako dito dahil lumala ang sakit ni Thorne. At naalala ko rin na... may thunderstorm kagabi kaya.. hindi ako nakauwi and worst, nakita ni Thorne ang takot ko sa kulog. What the fudge!
Umupo ako at inayos ko ang buhok ko. Kinapa ko rin ang mukha ko. Tumalikod ako saglit para magtanggal ng muta at laway kung meron mang tumulo. Thankfully, wala naman.
Tiningnan ko si Thorne na nakatingin din sakin. Bakit ang gwapo niya kahit kagigising? Partida magulo pa ang buhok niya ha?
"Yung kagabi.." Ngumiti siya ng kaunti sa panimula ko.
"Tumayo ka na. Kumain na tayo sa baba. 6:30 na kaya kailangan natin magmadali." Wait nga! Hindi niya ba ako lolokohin about dun? Well, that's a good thing.
Tumayo na ako at sabay kaming bumaba papunta sa dining room. Grabe naman! Pati dining room, dinaig ang kwarto ko sa laki!
Bakit kumakain muna sila ng almusal bago maligo? Di ba dapat ligo muna kasi hindi madadigest ang food? Teka, yung uniform ko pala. Ang layo ng bahay namin dito! Uuwi pa ako bago dumiretso sa school? Eh malamang.
"Pinadala pala ni Tita Abbie yung uniform mo pati yung mga gamit mo. Nasa guest room na. Doon ka na lang maligo." Tinanguan ko siya saka kami kumain ulit. Hay salamat naman.. Siguro nag-alala rin si Mommy kagabi.
Pagkatapos kumain ay umalis na si Thorne. Paano to? Hindi ko alam kung saan yung guest room. Bakit ba kasi ang bagal kong kumain eh! Nilapitan ko yung isang maid at tinanong ko sa kanya kung saan yung guest room.
"Ano po bang guest room Ms. Addie? Tatlo po kasi ang guest room dito." TATLO?! Ang dami naman! Ano ba to?
"Umm.. Ano. Hindi ko rin kasi alam eh. Pwede mo ba akong dalhin sa tatlo? Hindi kasi sinabi ni Thorne kung saang guest room." Tinanguan ako ng maid at sinabi niyang sundan ko lang siya.
"Ito po yung unang guest room." Binuksan niya ang pinto at namangha naman ako sa lawak ng kwarto. Pumasok ako at hinanap ko kung nasaan yung uniform ko. Wala rito.
"Wala rito eh. Sa isa tayo?" Ngumiti siya at saka naglakad na ulit. Konti na lang mahihilo na talaga ako. Malelate pa ako nyan dahil sa laki ng bahay nila eh!
Binuksan nung maid yung pinto at namangha na naman ako dahil mas malaki ito. Nasa malayo pa lang nakita ko na ang uniform ko kaya nagpasalamat ako sa maid. Pumasok ako sa banyo at mabilis na naligo. As in mabilis pa sa mabilis! Nagbihis na rin ako at nag-ayos ng mukha at buhok. Tumingin ako sa relo ko at 7:20 na.
YOU ARE READING
Drifted
Teen FictionAng magagawa mo lang ay ang isugal ang puso mo. Magpatianod sa buhay at magtiwala sa kayang gawin ng tadhana. But will there be a happy ending? Let yourself drift to a life full of lies, sadness, and happiness. Paano nga ba masusurvive nina ADDIE at...