[5th Chapter] Registered

17 1 0
                                        

*ADDIE*

"Alam mo? Ang kulit kulit mo. Umupo ka na lang sa ibang available seats!" Hindi kasi nasabay yung kambal at si Brynn sakin ngayong lunch. At eto namang frog hater na 'friend' ko raw ika, tabi ng tabi sa akin. Ang ingay niya kaya. Lahat ng makita ginagawan ng storya. Nagkukwento pa kung paano ginagawa yung burger. Sino ba namang hindi maiirita di ba? Dagdag mo pa tong mga matatalim na tingin sa'kin ng mga fan girls yata niya.

"Baby Thorne dito ka nalang sa table namin oh. Tinataboy ka pa niyang choosy na yan." Sinamaan ko ng tingin yung babae at binalik ko ang tingin kay Thorne.

"Ayan na oh! Free ka sa table nila. Alis na! Chupi!" Tinulak-tulak ko siya pero hindi pa rin siya natinag.

"Ayoko nga! Baka lapain pa ko ng mga yan. Sige na kasi.. Please. Hindi na ko mag-iingay at mangungulit." Inirapan ko siya at nilabas ko ang phone ko para magcheck ng fb. Sumilip ako kay Thorne dahil ang tahimik nga niya. Nagulat ako dahil nagselfie pala siya kasama ako pero hindi ko na pinansin. Kaso sakto ata yung pagkatingin ko nung niclick niya. Hay baliw talaga siya.

Bumalik ako sa pagfe-facebook at may friend request kaya tiningnan ko ito.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Syempre bago ko iaccept, titingnan ko muna ang timeline  niya. Baka mamaya jejemon siya. Malay natin di ba? Muntik ko nang mabuga yung kinakain ko sa nakita ko.

Yung picture namin. At totoo nga nakasilip ako. Napost niya yun 4 minutes ago at ang caption? 'Meet my new friend. ;)' Feeling close talaga tong frog hater na to! Tsk.

 ;)' Feeling close talaga tong frog hater na to! Tsk

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

In-accept ko na lang siya. Wala namang mawawala.

Sabay kaming bumalik ni Thorne sa classroom. Sige na ikoconsider ko nang sabay kami kahit nagpumilit lang siyang sumabay hanggang makarating na kami sa classroom. Dire-diretso lang ako sa upuan ko. Dumating ang teacher namin at nagdiscuss na.

Ang dami ko namang palaisipan ngayon. Una, bakit nakipagkaibigan si Thorne sakin? Siguro may binabalak siyang kung ano. Tsk.

Pangalawa, Ano bang problema niya at sunod siya ng sunod sakin? Wala naman siyang gusto sakin.

Pangatlo, ANG KULIT KULIT NIYA! Paminsan minsan nakakakunsumi na. Ewan ko ba! May sapak na ata tong lalaking to kaya ganyan. Dinaig pa mga babae eh.

Teka nga, bakit ba puro si Thorne iniisip ko? Mabuti pa makinig na lang ako sa teacher ko kesa isipin yung lalaking yun.

       After lahat ng afternoon class, naalala ko yung tinuro ni Quiel na music room. Sabi niya maraming musical instruments doon. Pumunta ako agad doon at pagpasok ko, sakto walang tao.

Lumapit ako sa isang gitara at kinuha ito. Umupo ako sa upuan ng grand piano at nagsimula nang tumugtog.

{The Only Exception by: Paramore}

"When I was younger

I saw my daddy cry

And curse at the wind

He broke his own heart

And I watched

As he tried to reassemble it

And my momma swore that

She would never let herself forget

And that was the day that I promised

I'd never sing of love

If it does not exi--" Natigil ako sa pagkanta kasi may nagbukas ng pinto. Ano ba yan. Feel na feel ko na yung kanta eh. Napapapikit pa nga ako. Ilang minuto pa ang nakalipas at wala namang pumapasok kaya pinagpatuloy ko na lang.

"But darlin'

  You are the only exception!

You are the only exception!

You are the only exception!

You are the only exception!

I've got a tight grip on reality, but I can't

Let go of what's in front of me here

I know you're leaving in the morning, when you wake up

Leave me with some kind of proof it's not a dream

Ooh Ooh...

And I'm on my way to believing

Oh, and I'm on my way to believing..."

Ibinaba ko ang gitara at umalis na. Nako mukhang magiging suki muna ako ng music room. Pwede rin ako dito magbasa. Though mas masarap magbasa sa garden. Pero dito kasi walang tinik at frog hater. Bahala na kung saan ako pupunta bukas. Either sa garden o dito sa music room.

Pagkapasok ko ng bahay, nakita ko agad si mommy kaya yinakap ko siya. "Si Dad po?"

"Nako anak. Mamaya pa yun uuwi. Maraming meetings eh. Namimiss ko na nga yung lalaking yun! Wala tuloy malakas na hangin dito sa bahay." Natawa ako kay mommy. Ang cute talaga nila mag-asawa. Kasi aso't pusa kung mag-away, malalambing pa rin.

"Sige na anak magbihis ka na. Gusto mo bang maglibot tayo?" Ngumiti ako ng napakalaki sa kanya. Kailangan ko kasi bumili sa bookstore ng bagong libro. Tamang-tama at nag-aya si Mommy.

"Sure mom! Bihis lang po ako." Mabilis akong umakyat ng kwarto at nagbihis. Para akong si flash sa sobrang bilis kumilos. Hindi kaya ako excited. Bumaba ako at nakita ko si Mommy na nakabihis na rin.

"Ang bilis mo din ah. Sa bagay, excited ka rin sa bookstore. Haha! Let's go na." Sumakay kami sa kotse at nagdrive na si Mommy.

30 minutes bago kami makarating ng Harbor Point. Pagpasok namin, maraming tao. Syempre mall 'to eh. Una kaming pumunta sa National Bookstore. Ang bookstore ng bayan. Haha chos. Naghanap hanap kami ni Mommy ng magagandang libro. Nabangga ako sa isang babae. "Ay sorry po.. Teka, Mrs. Salonga?"

"Oh. Okay lang. Hello Addie!" Nginitian ko na lang si Mrs. Salonga.

"Ay ma'am, mommy ko po. Mom, si Mrs. Salonga, teacher ko po sa history." Nagshake hands sila at nagngitian.

"Addie.. I'm glad na sasali ka sa singing contest! Galingan mo ha?" Naguluhan ako sa sinabi niya. Kasi hindi naman ako sasali eh.

"Hindi ko po kayo maintindihan. Hindi naman po ako sasali sa singing contest."

"Hindi mo pala alam? Akala ko sinabi na ni Thorne sayo eh. May sinend kasi siyang voice memo sa akin. Ipaparegister ka raw niya. Pumayag naman ako kasi ang ganda ng boses mo. At imposibleng hindi ka manalo." Napakunot ang noo ko. Si Thorne? Sinali niya ako sa singing contest? Tsaka anong voice memo? Hindi naman ako kumakanta sa harap niya ah.

"Mrs. Salonga, pwede po bang paforward nung sinend niya na voice memo?"

Itutuloy..
__________
Hi! Sa mga readers neto kung meron man hahahaha salamat kahit na parang dalawa lang kayo hahaha! Ewan nga kung meron! Ako lang ata nagbabasa neto kaya nagkakareads :( Sana may mga magbasa nitong story na to. Salamat! :* Next week na ulit ako maga-update! ;)

-Kean

DriftedWhere stories live. Discover now