[15th Chapter] Mortal Enemy

18 0 0
                                    

*ADDIE*

May group activity kami sa science na magdissect ng flower. Yung sa kabilang group naman palaka. Buti nga flower ang nabunot ni Thorne. Kung hindi baka mamatay-matay na yun ngayon. Kanina nga habang bumubunot siya, nanginginig yung kamay niya.

"Huy Thorne.." Bulong ko sa katabi kong kanina pa tulala. Mukhang konti na nga lang tutulo na ang laway niya eh. Siya yung group leader tapos nakatunganga lang siya sa akin. Nabighani yata sa kagandahan ko. Heh no wonder.

"Ano? Bakit?" Mukha naman na siyang nahimasmasan.

"Huwag mo kong titigan. Magfocus ka sa ginagawa mo. Nabobother ako eh." Mukha siyang nagulat sa sinabi ko.

"Ikaw? Tititigan ko? Asa ka pa. Hahaha!" Tumawa pa siya eh bistado na nga.

Pinagpatuloy ko yung ginagawa ko. Pagkatapos namin ma-identify ang mga parts ng flower, dinikit namin iyon sa papel na sinasagutan namin. Tumayo si Thorne at akmang aalis pero pinahinto ko siya.

"Oh saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos." Humarap siya sa amin at inilagay ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. Angas effect as always.

"Andyan ang papel ko. Kayo na ang bahala, may pupuntahan pa ako." Sa lahat ng leader siya yung ganyan. Nakakakunsumi!

"Naturingang leader pero mauuna pang umalis. Sige na nga lumayas ka na. Bilis!" Nakakairita talaga ang lalaking 'yun minsan. Bakit ba kasi siya pa yung piniling leader ng teacher namin eh hindi naman siya nagiging responsable.

"Buti na lang hindi yung sa palaka ang nabunot ni Thorne. Tingnan mo yung mga nakabunot nun. Diring-diri sila oh." Sabi ni Brynn na nasa kanan ko.

"Ha! Buti talaga. Kung ayan yung nabunot ng leader natin, baka wala na siyang malay ngayon." Tumawa ako ng bahagya at mukha namang naguluhan si Brynn.

"Ha? Sino?" Nginitian ko na lang siya. Wala siguro siyang alam sa phobia ni Thorne.

"Wala. Hehe.."

Nang matapos ang activity at klase, nagsi-uwian na kami."

**beep beep

Dinukot ko ang phone ko sa bulsa at tiningnan ang message.

Pagkabasa ko ng text message ni Kuya Rive, nag-ayos agad ako ng mga gamit ko at pumunta sa parking lot

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkabasa ko ng text message ni Kuya Rive, nag-ayos agad ako ng mga gamit ko at pumunta sa parking lot. Hinanap ko yung kotse niya. But how come na wala sa usual spot na pinagpaparkan niya? Tsk! Bakit ba kasi hindi ako sumabay sa kanya kanina eh.

Nang mapagod ako kakahanap sa kotse ni Kuya, sumandal muna ako sa pader at kukunin ko na sana ang phone ko pero may narinig ako.

"Sabi ko layuan mo siya." Boses ni Thorne yun ah? Sumilip ako sa nagsalita at pagkakita ko sa kanila, napatakip ako ng bibig.

Bigla kasing sinuntok nung lalaki si Thorne. Ano ba yan? Bakit siya nakikipag-away? Ayan tuloy nakabulagta na siya sa daan.

Unti-unti siyang bumangon at sinuntok ang lalaki bago pa siya maunahan ulit nito. Mukhang wala lang sa kanya yung suntok ng lalaki kanina. Ang angas niya pa rin eh. In born na ba yun?

DriftedWhere stories live. Discover now