[10th Chapter] Mysterious Painting

17 0 0
                                    

*ADDIE*

Pagkamulat ko ng mga mata ko, nawindang ako dahil 6:50 AM na. Fudgee bar lang di ba? Kasi 30 minutes na lang ako maghahanda. Mabilis akong naligo, nagkandadulas-dulas pa nga ako dahil sa pagmamadali.

Pagbaba ko, tinawag ko si Nanay Martha kaso shiz wala nga pala siya rito. Si Mom and Dad panigurado nakaalis na yun. Kumuha ako ng cereal at nilagay ito sa mangkok pati ang gatas. Nagsimula na akong kumain. Napatingin ako sa relo ko. ANAK KA NG TATAY MO! 7:20 na!!!! Inubos ko ang pagkain ko at nagmadaling lumabas papunta sa sasakyan. Grabe malelate talaga ako! Dagdag pa 'tong saklay ko. Bwisit kasi bakit di pa gumaling eh.

"Manong, pakibilisan po ha? Sorry po kasi nalate ako ng gising." Tumango lang siya at nagfocus na sa kalsada.

Pagkarating sa school, para na kong ewan dahil wala na kong makitang estudyante sa hallway. Dire- diretso ako sa classroom at para akong nastatwa sa nakita ko.

Mga kaklase kong nagbabatuhan. Ang iba naman natutulog. Pero karamihan nagiingay. At ang pinakamasakit? Walang teacher sa harapan. Alam niyo yun? Umasa ako eh. Nagmadali pa naman ako tapos pagdating ko wala naman pala akong mapapala? Huhuhu.. Pero syempre joke lang yun. Para akong nabunutan ng tinik kasi wala naman pala ulit si Mrs. Gervacio. Pero grabe ha? Nasayang yung pagod ko at ang sakit na naman ng paa ko kasi sa sobrang pagmamadali ko, napangtapak ko ito. Pahamak kasi yung saklay eh.

Umupo na lang ako sa upuan ko at dumukmo. Nakakapagod yun. Tumingin ako sa kanan ko at binati si Brynn. Pagtingin ko naman sa kaliwa, wala. Wala si Thorne. Papasok pa kaya siya? 7:55 na eh.

Dahil sa abnormal kong pag-aalala, napilitan akong itext siya.

Dahil sa abnormal kong pag-aalala, napilitan akong itext siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matagal akong naghintay sa reply niya. Natapos na ang klase buong araw, wala pa rin siyang text. Ano kayang nangyari sa mokong na yun?

Sinubukan ko siyang tawagan. Pangatlong ring nang sinagot niya ito.

"Addie? This is your Tita Annie. Why did you call?" Si Tita Annie? Nasaan si Thorne, then?

"Uhmm.. Tita, bakit po absent si Tho-" Naputol ang sinasabi ko dahil nagsalita ulit si Tita.

"Hija, he's super ultra mega sick right now eh. Can you come?"

"Ahm.. I'll try po, Tita. Tatawag na lang po ulit ako later."

"Sige, Addie. See you later!" And I hanged up.

Bakit parang excited pa si Tita? Oh ganun lang talaga siya magsalita? Pupunta ba ako doon? Nakakahiya eh, 'wag na lang. Pero kailangan ko makita si Thorne. Pero bakit ko siya kailangang makita? Wala lang, friend ko siya eh.

Pagkarating ko sa bahay, nagulat ako nung may lalaki sa kusina. Magnanakaw ba 'to?! Tumakbo ako palabas at hinanap si Manong Bert. Nakita ko naman siya agad at sinabi ko sa kanya yung nakita ko sa kusina na lalaki. Sinamahan niya ako na pumasok at alamin kung sino yun. Nagdala ako ng pepper spray para kung sakali.

DriftedWhere stories live. Discover now