[3rd Chapter] Just Give It A Try

34 1 0
                                    

*ADDIE*

Nandito ako sa kwarto ko, nakatitig sa puting ceiling. Kasalukuyang nag-iisip kung paano ba ako magsosorry sa tinik na yun. Ginulo ko ang buhok ko. Nakakainis! Bakit ba kasi naisipan kong gawin yun? Hayyyyy!!!

         May kumatok sa pinto kaya agad kong binuksan ito. Bumungad sa akin si Mommy na may dalang mga libro, pencils, papers, at kung ano ano pa. Pinaupo ko siya sa kama at nag-indian seat naman din ako dun. Nilapag niya yung mga dala niya kanina sa kama at inilatag niya ang mga 'to. "I know wala ka pang naiisip na way kung paano magsosorry doon sa lalaki. I have some tips at eto rin ang mga choices na ibibigay mo sa kanya. Ikaw nang bahala mamili na babagay sa ugali niya o sa nakikita mong mga kilos niya." Napangiti ako at niyakap si Mommy.

"Thanks Mom. You make hard things better." At sinabi niya namang wala lang yun. "Mom, since hindi ko pa naman masyadong kilala si Thorne, magtanong-tanong po kaya ako sa mga classmates ko?" Tumango naman siya at nagthumbs up. Agad kong kinuha ang phone ko at tinext si Clarah. Mabuti nalang at nahingi ko ang number niya.

 Mabuti nalang at nahingi ko ang number niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



__________

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

__________

Agad akong humarap kay Mommy nang may malawak na ngiti sa labi at tumingin sa mga dala niya kanina na nakalatag sa kama. "Pareho po kami, Mom. He's also in love with books. But the only problem is I don't know what genre he likes." Si Mommy naman ang ngumiti sa akin. Kinuha niya ang lahat ng libro na nakalatag sa kama at binigay sa akin.

"That's not a problem, Anak. Here, iba iba ang genre niyan. Ibigay mo nalang sa kanya lahat para siya na ang pumili kung ano ang gusto niya. Ayan ang mga limited books na nabili ko dati para sa Dad mo at sa akin na rin. Since natapos na namin pareho yan at punong puno na ang library natin dito sa bahay, ibigay mo na lang sa kanya." Pwede bang itago ko na lang 'to sa secret library ko? Hayy.. Pero sige na nga! Ibibigay ko na lang sa kanya.

"Mom.. paano po 'pag hindi niya tinanggap? O kaya pa'no po kapag pinahiya niya lang ako?" Nagwoworry kasi ako. Magsosorry ako sa taong masama ang ugali, hindi naman siguro mawawala ang kaba kung ganoon.

"Kung hindi niya tinanggap, e'di ibigay mo ulit the next day. Kulitin mo lang ng kulitiin anak. Lalambot din yan at papatawarin ka. Kapag naman pinahiya ka, magpacute ka lang at bibigay yan."

DriftedWhere stories live. Discover now