[17th Chapter] First Date

7 0 0
                                    

*ADDIE*

"So ano na'ng gagawin mo n'yan?" Tanong ni Clarah na kanina pa nag-aalala sa akin.

Simula nang nalaman ko na may gusto sa akin si Thorne ay hindi na ako natahimik. Hindi ko alam kung pa'no ko siya kakausapin at lalong hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nangyayari ang mga 'to. Tinatanong ko ang sarili ko kung ano ang sagot ko sa tanong ni Thorne nung gabing 'yon.

"Hello?? Earth to Addie?" Napatingin ko sa kanila at sinabi ko na hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

"Alam mo kung ako sa'yo, pumayag ka na lang. Halata naman sa'yo na gusto mo rin siya e." Pinandilatan ko si Clarah at mabilis na umiling.

Ang bilis. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Gusto ko ba si Thorne? Hindi ang sagot ko pero parang may pumipigil sa'kin.

"What if pumayag ka nga? Pwede mo naman matutunan mahalin pabalik si Thorne ah." Sabi ni Cleah na sinang-ayunan nina Brynn at Clarah.

Gusto ko nang masuka sa pag-iisip na magiging kami ni Thorne. Pero may pag-asa nga kaya?

"Fine, then. I'll give him a chance." Halos mapatalon sa tuwa ang tatlo kaya naman natawa ako.

______
Pagkauwi galing sa school ay nagpahinga kaagad ako at nagstay sa secret library para magbasa. Makalimutan ko man lang ang ilan sa mga problema ko.

Natigilan ako sa pagbabasa nang pumasok si Kuya. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya. Naramdaman kong unti-unti siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo.

"I'm sorry baby sis." Wika niya. Tinigil ko ang pagbabasa ko at tiningnan si Kuya.

"Care to tell me what really is your problem with Thorne?" Sambit ko sabay tingin sa binabasa ko.

"He's too bad for you. He doesn't deserve you, Phanie."

"Who deserves me, Kuya? Even Mom wants Thorne to be with me." Don't get me wrong. Hindi ko alam kung pa'no ko nasasabi ang mga 'to. Ang naiisip ko lang ay walang akong nakikitang masama kay Thorne na nakikita ni Kuya.

"Do you like him?" Seryosong tanong ni Kuya sa akin na hindi ko alam kung paano ko sasagutin.

"I have decided to give him a chance since I also wanted to get to know him more."

"You know, I'm happy for you, Baby sis. Alam mo na kung paano mo dedepensahan ang sarili mo. I can see that you're matured enough to make your own decisions and I am always here to support you. I'm sorry kung ganoon ang naging tingin ko kay Thorne. I was just trying to protect you." Sambit ni Kuya.

"I know that, Kuya. And I also know how much you love me. Wherever I am, I always treasure and remember your sacrifices for me. Always remember that I love you, Kuya." Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. I'm really thankful na may Kuya ako kagaya niya. Napakacaring kahit na palaging mapanloko.

______

Before I was about to sleep, naisipan ko na tawagan si Thorne para ipaalam sa kan'ya ang naging desisyon ko. Sa totoo lang, hindi pa rin ako sigurado. Pero wala namang mawawala kung susugal ako 'di ba?
______

DriftedWhere stories live. Discover now