*ADDIE*
"Yieeee.. Selos ka no?" Natawa ako ng malakas sa sinabi niya pero tinigil ko rin kasi may mga tumingin sakin na nasa labas din ng mga room nila.
"Galing magjoke, Falcon. Manginig ka nga sa mga sinasabi mo ha? Curious lang ako. Sino nga siya? Pati yung Clarah ba yun?" Umayos ng tayo si Quiel.
"Umupo muna tayo dito. Nakakatamad tumayo." Sinunod ko naman siya at nagsimula na siyang magkwento.
"Si Cleah, may gusto siya sakin. Simula nung 1st year pa lang siya at 2nd year naman ako. Napakabait niya saka sweet din. Kabatch mo siya pero sa section 2 siya. Si Clarah naman na kakambal niya, classmate mo. Gaya ng sinabi ni Thorne, kabalibtaran siya ni Cleah pero alam ko namang lalambot din puso niyan pagdating ng panahon. May pagka-amazona siya at masama ang ugali pero mabait siya pag nakilala mo ng sobra." Tumango tango ako.
"Nakakatakot pala siya. Hindi ako lalapit sa kanya." Nangiti naman si Quiel at ginulo ang buhok ko.
"Tapos na ang story telling?" Masungit na sabi ng isang babae. Nakatahimik lang si Quiel.
"Wait.. Don't tell me you are Cl--" pinutol niya ang sasabihin ko.
"I'm Clarah Manzano. Nice to meet you, classmate." naglahad siya ng kamay at nginitian ako. Nagdalawang isip ako kung kukunin ko ba o hindi kaya napatingin ako kay Quiel. Tumango lang siya sa akin kaya tinanggap ko na ang kamay ni Clarah.
"Huwag mo akong lalayuan, wala naman akong ketong. Huwag ka rin matakot sa'kin, hindi ako multo." Nginitian niya ako kaya nginitian ko lang ring siya at napalunok ako. Para siyang isang strict na teacher. Basta nakakatakot siyang tingnan kahit hindi siya multo. Lumingon siya kay Quiel at tinaasan niya ito ng kilay. "At ikaw namang lalaki ka.. ayus-ayusin mo nga yung kwento mo! Masama lang ang ugali ko sa mga masasama rin ang ugali."
Lumingon ulit siya sa akin kaya napalunok na naman ako. "Nakita ko yung pagtulong mo kay Brynn kanina. Mabuti naman at may makakasama na siya. Akala ko b!tch ka rin nung nagpapakilala ka, pero sabi nga nila 'Don't judge other people' kaya inobserbahan lang muna kita." Ngumisi ito sa akin at napangiti ako. Mabait pala siya 'Don't judge other people' nga kasi Addie. Ikaw talaga!
Pagpasok ko sa classroom, mga ilang minuto lang nagsimula nang magklase yung science teacher namin. Nung tinawag niya si Thorne, "Please stand up Mr. Alonzo." Ilang beses pang inulit yun ng Teacher pero hindi pa rin siya tumatayo. Nilalaro niya lang yung ballpen niya. Base sa mga kinikilos niya, tama ang pagkakajudge ko sa kanya. Nangalumbaba ako at bumulong. "Kapag ikaw hindi tumayo diyan, lalagyan ko ng maraming palaka ang bag mo." With that, bigla siyang napatayo. Napangiti naman ako at kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa.
After ng klase sa Science, nag-uwian na. Ako naman pinili kong maglunch sa canteen at napagkasunduan namin ni Brynn na sabay kami. Nag-aayos ako ng bag ko nang lumapit sakin si Clarah kasama yung kakambal niya. "Hi! Cleah this is Addie and Addie this is my beautiful twin, Cleah." Nagngitian kami at nagshake hands. "Aayain kita maglunch with us. And also you Brynn." Nginitian nila si Brynn kaya nginitian niya rin ito pabalik.
Pagkatapos namin, pumunta na kami sa canteen. Um-order kami ng maraming pagkain na naubos rin naman namin in 30 minutes. Nagpapahinga kami nang biglang lumapit dito si Tinik.
"Damn! Ang tatakaw niyo pero hindi kayo tumataba. *le tingin kay Brynn* You are the only exception~" Sumama ang tingin namin sa kanya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na bangasan tong lalaking to. Pero sa isip ko, nililibing ko na siya ng buhay. Ang sama ng ugali!
"Punta lang ako ng restroom." Sabi ni Cleah at sumunod rin si Clarah. Si Brynn naman akmang tatayo pero hinawakan ko yung braso niya. Ako ang tumayo at hinarap ko si Thorne. As in yung magkaharap na konting inches nalang magkadikit na yung mga ilong namin. Nilagay ko ang hintuturo ko sa chin niya at iniangat ko yung mukha niya. Mabuti na lang at nagsuot ako ng high heels kaya mas matangkad ako sa kanya ng konti. In fairness ang gwapo niya.
Naramdaman kong nakatingin ang mga tao sa canteen, maging ang mga servers. Nakaisip ako ng magandang idea. Nilapit ko pa ng kaunti ang mukha niya at konting galaw na lang talaga maglalapat na ang mga labi namin. Pumikit ako ng dahan dahan at siya rin. Pero agad akong dumilat at lumayo sa kanya.
Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanya. Umupo ako at siya nakaganun pa rin. Shet natatawa talaga ako pero pigil pigil muna. Konti nalang. Kumunot ang noo niya. ETO NA! Unti unti siyang dumilat at parang nabuhusan ng malamig na tubig. Umayos siya ng tayo at tumakbo palabas ng canteen. Ako naman tumawa ng pagkalakas-lakas! Syempre pati yung kambal at si Brynn. Yung ibang tao sa canteen napangiti at yung iba naman masama ang tingin.
Patuloy kong inobserbahan si Thorne habang nagkaklase. Wala siyang ginawa magdamag kundi laruin ang ballpen niya. Hindi ko alam pero parang ang sama sama ko. Naalala ko tuloy ang sabi ni Quiel. "Walang masama na maging mabait ka sa mga taong masama. Pagpapakita yun ng magandang loob, Zephaniah. Para man lang kahit papaano, marealize nila na hindi nakakapogi o nakakaganda ang pagiging masama."
Dapat ba hindi ko nalang siya pinahiya? Teka, nagiguilty ba ako? HINDI! Pinagtanggol ko lang si Brynn. Tsaka bakit naman ako magiguilty eh tama naman yung gi-- "MS. SANTIAGO!!" Bigla akong napatayo ng nanlalaki ang mga mata.
Grabe ano ba yan! Dahil sa lalim ng iniisip ko hindi na ako nakapakinig. "I said may naghahanap sa iyo sa labas." Tumango ako at nagthank you at excuse sa kanya.
Paglabas ko, nakita ko si Mommy. Nginitian ko siya at niyakap naman niya ako. "What are you doing here po, Mom? Si Daddy po nasaan? Oh no! Don't tell me divorced na kayo?!" Binatukan niya naman ako at tumawa siya. "'Wag ka ngang OA dyan, Zephie. Kahit naman bad boy yung tatay mo hindi ko yun hihiwalayan. Nandun yung Dad mo sa sasakyan. Ayaw lumabas baka raw pagkaguluhan siya. Alam mo naman yung mga langgam, pinagpapapak siya kahapon." Natawa ako sa mga sinabi ni Mommy.
"So bakit nga po kayo pumunta rito ni Dad, Mommy?" Sabi ko. Tinanggal niya ang shades niya at hinatak ako. "Hey Mom, saan po tayo pupunta? Yung bag ko po nasa classroom pa." Hindi niya ako pinansin at dire-diretso lang sa paghatak sa akin.
Pumunta kami sa parking lot at nakita si Dad kaya agad kong niyakap ito. "Saan po ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila at nakatingin lang sila sakin. "Hindi po ako sanay na seryoso kayo." Tinakpan ko ang mukha ko at narinig kong tumawa sila. Minsan lang talaga sila sumeryoso ng mukha pag kaharap ako. Pero si Mommy masungit talaga siya pagdating sa ibang tao.
"Sinabi sa amin ni Quiel na may pinahiya ka raw na lalaki kanina." Ang bilis naman nilang nabalitaan. Saka hindi ko naman nakita si Quiel kanina doon ah. "Anak hindi ka namin pinalaki ng ganyan. Oo alam kong ako ang pinagmanahan mo pero kahit masungit ako mabait naman ako. At hindi ko pa naranasang magpahiya ng isang tao. Lalo na at hindi ko pa masyadong kilala." By that, lumungkot ang mukha ko at in-explain ang side ko.
"Mommy, pinagtanggol ko lang yung kaibigan ko. Mahirap tingnan ang isang taong kinukutya sa harap ng mga tao. At kanina, pinaramdam ko sa lalaking yun. Para marealize man lang niya yung sakit na nararamdaman nung taong kinukutya niya." This time, si Dad naman ang sumagot.
"I get your point anak, pero bakit kailangan mo pang iparealize sa kaniya? Bakit hindi mo na lang siya hinayaang marealize niya yung sarili niyang pagkakamali?" Tumango-tango naman ako. Dapat talaga ini-snob ko na lang yung mokong na yun eh. Ngayon alam kong may ipapagawa sila Mom and Dad na sobrang ayaw ko.
"Alam mo na ba yung pagkakamali mo dun, anak?" Tumango ako at tiningnan sila. "Now, what are you going to do?" Napabuntong-hininga ako. Alam ko nang mangyayari to eh. Tsk!
"Itatama ko yun." Napapikit ako at bumuntong-hininga ulit.
"By??" Nagtaas ng kilay si Mommy.
"By... saying sorry." Naiisip ko pa lang na magsosorry ako kay Thorne nanginginig na ako. Nakakainis talaga! Pero fine. I'll do it since may kasalanan naman talaga ako. Paninindigan ko na 'to. ARGH THORNE! PARA KA TALAGANG TINIK! TSK!
Itutuloy...
________________Hi guys! 2 chapters muna. Bukas na ulit ako mag ud. Sorry kung may typo errors. Isa lang akong hamak na estudyanteng nagbabalak makatapos ng magandang storya. Salamat sa mga nagbabasa. Sana magvote kayo or comment. Sana rin marami pang magbasa nitong story na to. :)
YOU ARE READING
Drifted
Teen FictionAng magagawa mo lang ay ang isugal ang puso mo. Magpatianod sa buhay at magtiwala sa kayang gawin ng tadhana. But will there be a happy ending? Let yourself drift to a life full of lies, sadness, and happiness. Paano nga ba masusurvive nina ADDIE at...