*ADDIE*
Isang linggo na ang nakalipas at every morning may rose akong nadaratnan sa upuan ko na galing kay Thorne. Tuwing tatanungin ko siya tungkol dito, ngumingiti lang siya sa'kin. Ang weird ng mga kinikilos niya simula no'n.
Ngayong araw na 'to may kasama pang chocolates. Ano kayang problema nitong lalaking 'to at biglang nagiging sweet sa akin? I mean hindi sa sweet pero binibigyan niya ako ng bulaklak at chocolates. 'Di ba ang weird? Ang hirap talaga intindihin ng isang tinik.
"Hi Addiedas, ang ganda mo ngayon ah." Napatingin ako kay Thorne na nasa tabi ko na pala.
"Ikaw ba talaga yan, Thorne? Tapatin mo nga ako. Ano ba talagang nangyayari sa'yo? Pinagti-tripan mo ba ako?" Sagot ko sa kanya nang nakapamewang.
"Sa tingin mo? Bakit ako nagkakaganito, Addie?" Kumindat pa ito pagkatapos sumagot.
"At nakuha mo pang kumindat-kindat dyan ha. Lumayo ka nga sa'kin!" Sabi ko at tuluyan nang umupo sa upuan ko.
Ano kayang habol ng tinik na 'yun sa'kin? Iba talaga yung kinikilos niya e. Saka bakit nga ba siya nagkakaganito? Alam ko nga ba ang dahilan?
**beep beep
Seriously?! Muntik na 'ko magfaint sa nakita ko. Agad kong nilingon si Thorne nang halong pagtataka.
"What did you just message me?" Masungit kong tanong sa kanya.
"Hi beh.." sagot niya with matching kaway pa. Grabe! Ang lakas talaga mang-inis ng lalaking 'to. Inirapan ko lang sya at nagbasa na lang ako ng lectures sa notebook ko.
**beep beep
Nagmamadali 'kong kinuha ang phone ko at napanganga ako sa nakita ko.
Dahan dahan akong lumingon kay Thorne nang may mas nadagdagang pagtataka. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo ha?" Sabi ko sa kanya.
"Gusto kita, Addie. Gusto na kita." Seryoso niyang sabi kaya napatunganga ako.
YOU ARE READING
Drifted
Teen FictionAng magagawa mo lang ay ang isugal ang puso mo. Magpatianod sa buhay at magtiwala sa kayang gawin ng tadhana. But will there be a happy ending? Let yourself drift to a life full of lies, sadness, and happiness. Paano nga ba masusurvive nina ADDIE at...