[13th Chapter] Kuya's Girl

13 0 0
                                    

*ADDIE*

Nakapagbihis na ako't lahat wala pa rin sila Mommy kaya nanood muna ako ng NBA sa living room.

Enjoy na enjoy ako dahil lamang na lamang ang GSW sa OKC. Fourth quarter na at 15 seconds na lang mananalo na sila talaga.

5..4..3..2.. Nainis ako dahil biglang may tumakip sa mga mata ko. Pinilit kong alisin ito pero hindi ko kaya. "Sino ka ba? Hindi ko tuloy nakita yung pagkapanalo nila!" Ang sakit na ng mata ko pero hindi pa rin niya inaalis. Ang lamig nga ng kamay niya eh. Parang galing sa aircon. Kakaiba rin yung amoy niya. Mabango parang imported hahaha!

"Alam mo naman na mananalo sila eh."

"Dad?" Alam kong si Dad yun pero malayo yung boses niya kaya hindi siya tong nagtatakip sa mata ko.

"Daddy tell me kung sin-" natigil ako dahil may humalik sa noo ko. Hindi ako nakagalaw dahil alam ko to eh.. Isa lang ang taong gumagawa sakin no'n. Kissing my forehead upside down.

"KUYA?!" Tumayo ako bigla kaya nawala yung pagkakatakip sa mga mata ko. Tumalikod ako at nakatayo sa harap ko ang lalaking sobrang gwapo, sobrang tangkad, at sobrang bango. Walang ano ano'y niyakap ko agad siya. Isang napakahigpit na yakap. Unti-unti ring tumulo ang mga luha ko. Miss na miss ko ang kuya ko. Nakaluhod ako sa sofa at siya naman nasa likod nito. Tumingala ako para makita ko siya.

"Kuya.. I missed you so much." Kumawala siya sa pagkakayakap ko at hinawakan niya ang mukha ko. Pinunasan niya ang mga luha kong kanina pa bumabagsak.

"Mas namiss kita, Phanie." Hinalikan niya pa ulit ako sa noo ko. Ngumiti ako sa kanya. Para kaming couple noh? Ang sweet namin. Hindi kasi ako Mama's girl o Papa's girl. Kuya's girl ako eh.

"Ayusin mo muna nga yang mukha mo. Umakyat ka muna. Pagkatapos ko mag-ayos ng gamit ko pupuntahan kita doon."

"Dito ka na titira kuya?" Nagpuppy eyes pa ako pero hindi siya sumagot. Ginulo niya lang ang buhok ko. Wala naman akong magagawa kaya pumunta nalang ako sa kwarto ko.

Pagkalock ko sa pinto, pumunta ako sa secret library at....

"YEEEEEEEEEY!!!!" Nagtatalon pa ako sa saya. Hindi ko na kailangang maghintay pa kay kuya.

Uh-oh. Paano na yung surprise ko? Hmm.. Think Addie! Think!

"Ha!" Nagmadali akong kunin ang mga pictures namin ni Kuya na sandamakmak. At nilapag ko ito sa kama ko. Kumuha ako ng isang cartolina na nakalagay sa cabinet ko pati na rin ang double sided tape. Pinagdidikitan ko sa likod ang mga pictures. Pagkatapos no'n, naglettering ako sa cartolina ng 'WELCOME BACK, KUYA' saka ko pinagdidikit doon ang mga pictures. Nagdoodle na rin ako para may design kahit papaano!

Yes! Tapos na! Pinaglihi siguro talaga ako kay Flash. 30 minutes ko lang natapos eh. Isa na lang, dinikit ko sa isang shelf sa secret library yung ginawa ko. Ngayon ko lang narealize na ang corny pala nito. Pero nag-effort naman ako kaya okay lang 'to.

**beep beep

**beep beep

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DriftedWhere stories live. Discover now