*ADDIE*
"Wait Mom, kilala mo siya?"
"Oo anak. Anak siya ng Tita Annie mo eh."
"Alam niyo rin po bang siya yung pinahiya ko sa canteen?" Tumaas ang kilay ni Mommy kaya bumuntong hininga ako. "Ang galing naman! Naging close kayo! Bagay kayo anak." Kumindat pa sakin si Mommy habang ako napatunganga lang. Si Thorne naman napangiti na parang pinipigilan yung tawa niya. Tsk! Si Mommy talaga..
"'Wag mo nang pansinin si Mommy. Minsan talaga para siyang si Dad." Bulong ko kay Thorne na ikinatawa na naman niya.
"Mukhang may sarili na kayong mundo dyan kaya magluluto muna ako. Oo nga pala anak, maaga kong pinauwi yung Dad mo para sabay sabay na tayo kumain. At ikaw naman Thorne, dito ka na magdinner ha? Sasabihin ko na lang sa mommy mo."
"Sure Tita." Ngumiti si Mommy samin at umalis na siya.
Dahil ang awkward na namin ni Tinik, nilipat ko ang channel. Wala akong idea kung ano yung gusto niyang panoorin kaya tatanungin ko na lang siya. "Anong gusto mo panoorin?"
"Dapat hindi mo na nilipat. Gusto ko yung Spongebob." Napangiti naman ako kasi pareho pala kami.
Tahimik kaming nanonood hanggang dumating na si Dad. Aba ang aga nga ah. Tumingin ako sa relo ko at 5:40 pa lang. Lumapit si Dad sa akin at hinalikan ko siya sa pisngi. "Hi Dad! Too early huh?"
"Your Mom's so kulit kasi. What happened to you? Are you alright?" Nakita niya yung ankle ko na namamaga.
"Nasprain lang to, Dad. I'll be fine. But pwede ba akong magcrutches? Hindi kasi ako makakalakad ng maayos eh." Tumango naman siya sakin.
"Oh hey Thorne! How are you? Nandyan ka pala. Di ka kasi nagsasalita eh. Haha!" Si Dad at Thorne para silang magkabarkada lang. Nagbro hug pa sila kaya natawa na lang ako.
"Anak, I'll get you crutches but bukas mo pa magagamit eh."
"Eh Dad-"
"Okay lang po Tito Vio. Aalalayan ko na lang po siya." Wow ha. Nagbulungan pa sila. Psh..
Nang umalis na si Dad, wala na namang nagsasalita sa amin. Kung meron man, walang katuturan ang sinasabi. AT AKO YUN.
Hanggang sa naghapunan na. Inalalayan ako ni Thorne. Akay akay niya ako papunta sa dining at iniupo niya ako sa tabi niya. Buti naman at hindi na niya ako binuhat. Nakakahiya kina Mommy noh. Siguro siya din nahihiya. Kumain na kami at syempre nagkukwentuhan din.
"Ang cute niyo nga rin dati kasi kayong tatlo nila Rive nanonood lang ng Spongebob kapag naiiwan kayo sa bahay. Five years old pa lang kayong dalawa noon kaya siguro hindi niyo na naaalala. Hay.. Kelan kaya makakauwi si Rive?" Nalungkot na naman ako kasi namiss ko si Kuya.
"Namimiss ko na nga si Kuya, Mommy. Nakakapag-usap po ba kayo?" Tumango si Mom at ngumiti. Si Kuya kasi umalis siya nung nagkatampuhan sila ni Dad. Napakagangster naman kasi ni Kuya eh. Suki ng guidance office! Kung baga yung guidance councilor yung wife niya then yung guidance office yung bahay nila. Palagi kasing napapaaway, lagi pang nangbubully. Sana nga naging maayos siya sa California eh. Ewan ko ba dun! Noong nasa California kami, nagpunta siya dito sa Pilipinas. Ngayon namang nasa Pilipinas kami siya naman ang umalis. Sisinghot lang raw siya ng sariwang hangin. Tss.. gumawa pa ng excuse eh alam naman naming ayaw niya lang makasama si Dad.
"Dad, why don't you just talk to him? Para naman po maging maayos na tayong lahat." Sumang-ayon naman si Mommy sakin. Miss na miss ko na talaga si Kuya eh. 3 years ko na siyang hindi nakikita. Dati lagi niya akong pinagtatanggol kapag nabubully ako. Kaya natuto akong lumaban sa mga nangbubully dahil sa kanya.
"Hindi pa ako handang makipag-ayos sa kapatid mo, anak." Siguro nga hindi pa makamove on si Dad sa mga nasabi ni Kuya. Si Kuya naman kasi ang talas din ng dila! Pati sarili niyang ama nasusumbatan niya.
"It's been three years, Hon."
"Okay fine. Kakausapin ko siya kapag umuwi na siya." Napangiti kami ng napakalapad at ako naman napapalakpak pa.
Nagulat kami nang biglang bumalibag ang front door at sumalubong si Tita Annie na tuwang tuwa. "HIIIII EVERYONE!!" Nagtawanan kami nila mommy habang si Thorne napailing.
Dumiretso si tita sa tabi ni mommy at napakalapad ng ngiti niya samin ni Thorne. "What did I miss? Sila na ba? O baka naman!!! NAGPROPOSE NA SI THORNE?!" Todo tili si Tita Annie na parang kinikilig. Ako naman napanganga na lang. Anong nangyayari? Saka si Thorne? Magpopropose, eh ang bata pa niya eh.
"Mare ang OA mo ha? Bawal pa magboyfriend yang si Addie. And propose?! Napakabata pa nila para dun noh!" Oh diba, agree si Mommy sakin?
"Anong di pwede? Tayo nga 15 pa lang magkarelasyon na eh. Nakakaexcite nga magka-apo eh." Muntik ko nang maibuga yung kinakain ko sa sinabi ni Dad. Apo agad? Inubo tuloy ako.
"Oh tubig." Agad ko namang kinuha kay Thorne yung baso at ininom ito.
"Thank you." Napansin ko sila Tita Annie na nakatingin samin. Kumunot naman ang noo ko kasi nagbulungan pa sila. "Cr lang po ako." Sinubukan kong tumayo pero napaupo rin ako. Tsk! Nasprain nga pala yung paa ko. Ang sakit nun ah.
Hinila ako ni Thorne patayo at inakay niya na naman ako papuntang banyo. Binuksan niya ang pinto pero pinigilan ko siya. "'Wag mong sabihing hanggang sa loob aakayin mo ako?" Ngumisi siya sakin. Ano kayang iniisip ng kumag na to?
"Bakit hindi?" Kinindatan niya pa ako kaya binatukan ko siya.
"Mukha mo! Manyak! Dun ka na nga." Binuksan ko na ang pinto at tumalon-talon ako gamit ang isang paa ko papasok pero napatid ako sa kung ano kaya naout of balance ako. Napaupo ako kaya pati tuloy pwet ko masakit na.
"Addie! Huy Addiedas! Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" Teka, nagaalala ba siya? Ah hindi. Pakitang tao lang yan. Hindi ako makatayo kaya inabot ko ang doorknob para itayo ang sarili ko pero nabuksan ko pala. Natataranta si Thorne. Nababaliw na ba siya? "Ano bang nangyari sayo ha? Sabi ko naman sayo aakayin na kita papasok eh." Sinamaan ko siya ng tingin. Ang manyak niya. As if papayag ako.
"Huwag ka nang dumakdak dyan! Itayo mo na ako. Bilis!" Nagulat ako nang buhatin niya ako. Hindi na ako nagreklamo kasi mas mapapabilis naman talaga kapag ganto.
"Gutom ka pa ba? Dadalhin kita sa garden niyo ha?" Tumingin ako sakanya at nakangiti naman siya. Oo sige na gwapo ka na. 'Wag mo na masyadong ipamukha sakin.
"Aano naman tayo dun?"
"Magbabasa o kaya magkukwentuhan." May sasabihin kaya 'to sakin? Nakatingin pa rin ako sa kanya. Bakit ba kasi ako nagagwapuhan sa kanya? Nakakaadik na yung amoy niya, pati ba naman mukha niya?
"Huwag kang tumitig ng ganyan. Baka mafall ka sakin. Danger zone ako, baka masaktan ka lang." Psh. As if namang ma-fall ako sa kanya! Oo inaamin kong gwapo siya. Pero paano ko siya magugustuhan kung magaspang ang ugali niya? Sabi nga nila, 'first impression lasts.'
YOU ARE READING
Drifted
Teen FictionAng magagawa mo lang ay ang isugal ang puso mo. Magpatianod sa buhay at magtiwala sa kayang gawin ng tadhana. But will there be a happy ending? Let yourself drift to a life full of lies, sadness, and happiness. Paano nga ba masusurvive nina ADDIE at...