*ADDIE*
Pagpasok ko pa lang sa mismong gate ng school, nagtitinginan na yung mga estudyante sakin. Anong problema nila sa saklay?
Pumunta muna ako sa locker room bago dumiretso sa room. Aaminin ko nakakangawit pala to. Kaso wala akong magagawa eh. Kailangan pumasok kasi nga nagskip ako ng class kahapon. Pagdating ko sa room, nakatingin na naman sila. Teka, ano ba talagang problema nila sa nakasaklay?
Lumapit si Brynn at Clarah sa akin. Tinulungan nila akong makapunta sa upuan ko. Napansin kong wala si Thorne sa upuan niya. Ah baka late lang.
"What happened to you, Sis?" Nagaalalang tanong ni Clarah.
"Nasprain yung ankle ko kahapon eh." Nilagay ko ang saklay ko sa gilid ko.
"Saan naman?" Tanong naman ni Brynn.
"I'll tell you the whole story later sa canteen." Tumango naman sila at bumalik na sa mga upuan nila. Mamaya kasi darating na rin yung teacher namin na favorite ko. Hahaha pinanindigan na talaga? Hindi ko muna sinabi sa kanila ngayon kasi yung iba kong mga kaklase nakatingin sa direksyon namin. Yung Nicka grabe ang sama ng tingin sakin. Ano ba talagang problema niya?
Si Thorne kaya nasaan? Hindi ako nag-aalala fyi. Pero friends naman kami eh kaya okay lang na mag-alala. Di ba?
Dahil ang tagal dumating ni Ma'am favorite, nagpasak muna ako ng earphones at nagpatugtog ng instrumental song. Para makapagconcentrate ako sa pagbabasa ng notes ko. Baka kasi may magpaquiz mamaya. Mas mabuti nang ready.
Maya-maya biglang umulan ng napakalakas. Siguro bumuhos dahil sa sobrang init. Napatingin ako sa labas ng bintana. Teka ito pala yung grass field? Ngayon ko lang narealize na building pala namin yung kaharap nun. At teka ulit, anak ng teteng!! Si THORNE ba yun?!
Hindi ako nagkakamali, si Thorne nga yun. Nasa ilalim siya ng puno at basang basa siya. Mabilis akong nag-ayos ng gamit at hinanda ko ang payong ko.
"Uy Addie saan ka pupunta?" Tanong ni Brynn.
"Umm dyan lang ako. Pakibantayan na lang yung bag ko please? Thank you Brynn!" Mabilis akong lumabas at pumunta sa grass field. Shiz ang hirap ng nakasaklay! Ang sakit na ng kili kili ko tas may hawak pa akong payong!! Natanaw ko si Thorne sa pwesto niya kanina kaya pinuntahan ko agad siya. "Huy Tinik! Sumilong ka nga rito! Bilisan mo!" Pumunta siya sa harap ko.
"Anong ginagawa mo rito? Umuulan ah!" Psh di ba dapat ako nagtatanong nun?
"Halika na sa building! Basang basa ka na oh. Magkakasakit ka pa nyan eh." Ngumiti siya sakin at inagaw ang payong. Nakngpusa mahaba haba na namang paglalakbay. Kawawa na yung leki leki ko!
"Sorry hindi kita mabubuhat. Basa ako eh."
"Sus! Hindi na kailangan! May saklay na ako oh." Nginitian niya lang ako at nagpatuloy sa pagalalay sakin. Ang kupad ko grabe. Buti na lang nakarating na kami ng building.
"Pumunta ka na sa classroom. Baka malate ka pa. Ako nang bahala. Magpapalit na lang ako. Kapag nalate ka, sabihin mo nagcr ka lang since nandoon naman na yung bag mo. Thank you again Addiedas..." Ginulo niya ang buhok ko kaya sinimangutan ko siya.
Pumunta ako sa classroom at wala pa rin si Ma'am Favorite. Dumiretso ako sa upuan ko at nung nakita ako ni Brynn nakangiti siya sakin ng nakakaloko. "Hey, ang creepy mo."
"Nakita ko kayo ni Thorne. Yiee! Kayo na ba?" Sa bagay lagi nga pala siyang nakatingin sa grass field kaya hindi imposibleng makita niya kami.
"Kami? No way. Tinulungan ko lang siya. Basang basa kaya. Tsaka anak siya ng kaibigan ni Mommy." Nalito ako kung anong sasabihin ko kaya kung ano ano na lang.
YOU ARE READING
Drifted
Teen FictionAng magagawa mo lang ay ang isugal ang puso mo. Magpatianod sa buhay at magtiwala sa kayang gawin ng tadhana. But will there be a happy ending? Let yourself drift to a life full of lies, sadness, and happiness. Paano nga ba masusurvive nina ADDIE at...