*ADDIE*
Three days na ang nakalipas since nadiscover ko ang picture na 'to pati na rin ang painting sa kwarto ni Thorne. I know na hindi ko dapat 'to gawing big deal since wala pa naman akong kaalam-alam nung mga panahong ito.
Nabasa ko kasi 'to sa libro. May list doon kung paano mapapatunayan ang destiny. Hindi naman ako dapat maniwala, pero nag research kasi ako about sa story. At sinabi ng author na nakabase daw iyon sa buhay niya.
Itinabi ko ang picture sa wallet ko para in case na may madiskubre na naman ako, I'll use that as a proof. Argh! I don't know what's happening to me!
Bumaba ako at pumunta sa sala. Nakita ko sila Mom kaya medyo lumapit ako sa kanila. Sinilip ko sila. Nakaakbay si Daddy kay Mommy habang si Mommy naman ay nakayap kay Dad. Ang sweet nilang tingnan.
Dahan dahan akong lumapit sa kanila at nagubu-ubohan. "Ehem..Aray! Aray! Ang daming langgam!!" Napatingin sila sa akin at napangiti sila. Inaya nila ako sa tabi nila. Pinasandal ako ni Mom sa balikat niya habang nanonood kami.
I'm so happy na mayroon akong Mom and Dad. Marami kasi akong naeencounter na hindi buong pamilya. Though I hope na nandito rin si Kuya. Hay.. Konting araw na lang uuwi na siya.
Bigla kong naalala yung picture kaya kinuha ko ito mula sa wallet ko. "Mom, Dad, do you know who's the little boy?"
Nagkatinginan sina Mom and Dad at binalik ang tingin sa picture. "It's me and your mom." Casual na pagkakasabi ni Dad. At ako naman ay napaisip na lang.
Tinitigan ko ang picture. Medyo malabo rin kasi ito kaya siguro akala ko ako si Mom. Then bakit may ganitong painting sa kwarto ni Thorne? Coincidence lang ba na pareho ang pose ng mga bata? Tsaka bakit 'to nakalagay sa photo album ko at hindi sa photo album nila Mom?
"Anak! Kanina ka pa tulala." Nawala ang mga iniisip ko sa biglang pagyugyog sa akin ni Mommy.
"Ah Mom.. may iniisip lang po." Nginitian ko sila at bumalik na sa panonood.
Hindi pa rin ako makapagfocus sa pinapanood ko. Ewan ko ba! May kakaiba kasi akong feeling sa picture na to eh.
"Umm Mommy. Balik na po ako sa room ko. Maggagawa na ako ng homeworks." Well, syempre excuse ko lang yun. Wala naman kaming homework. Babalik ako sa library para magtingin-tingin.
"Sige, Anak. Kumain ka na pagkatapos mo ha."
Agad-agad akong umakyat sa kwarto at pumunta sa secret library. Saktong pagpasok ko, may nagtext sa akin kaya tiningnan ko ito.
Stan? Ah siya yung katabi ni Thorne. Sa pagkakaalala ko, mukha nga siyang nagbabanda. Dinaig niya pa si Baekhyun na hari ng eyeliner eh. Ba't kaya niya naisipan na isali ako sa banda nila? Ah! Napakinggan niya siguro yung voice memo na nirecord ni Thorne. Hindi ko naman trip yung mga banda. Well, favorite ko ang The Vamps at ibang bands but hindi ko pa natry na maging vocalist ng isang banda. At wala pa akong balak magtry.
YOU ARE READING
Drifted
Teen FictionAng magagawa mo lang ay ang isugal ang puso mo. Magpatianod sa buhay at magtiwala sa kayang gawin ng tadhana. But will there be a happy ending? Let yourself drift to a life full of lies, sadness, and happiness. Paano nga ba masusurvive nina ADDIE at...