CHAPTER TWO
AGAD na tinakpan nya ang kanyang ilong ng pagkababa nya sa taxi ay bugahan sya ng maitim na usok na nanggaling sa naturang sasakyan.
"Grabe si manong!" Hindi napigilan na bulalas nya saka inilibot ang paningin sa terminal ng mga bus na byaheng probinsya.
Tatlong terminal iyon na magkakahilera at sa mga oras na 'yon ay wala pa syang ideya kung saan ba talaga ang tungo nya? Hinila nya ang kulay pink na maleta nya at nagpunta sa counter upang tignan kung saan lugar ba talaga nya gustong magpunta.
"Saan pong lugar ang pinaka malayo?" Tanong nya sa kahera. Imbes na sagutin sya ay binigyan sya nito ng paraphernalia kung saan naroon ang mga lugar na kaya lang makarating gamit ang mga bus. "Mini-mini may ni mo, sino sa inyo ang pipiliin ko?" She said to herself in a sing song. She purse her lips. "Come'on Xarra, choose and pick one."
Ipinikit nya ang kanyang mata at inilagay ang hintuturo nya sa papel na hawak at ipinaikot doon ang daliri nya na animo kasali sya sa spirit of the glass.
"Miss?" Hindi nya pinansin ang nagsalita bagkos nanatili syang ginagawa ang pagpili ng lugar na pinupuntahan nya. "Miss?" Deadma ulit, hindi naman siguro sya ang tinatawag.
Hanggang sa may maramdaman na syang tumapik sa balikat nya pero hindi pa din sya nagpatinag, kailangan nya ng makapili ng lugar na pupuntahan.
"Mini mini may ni mo saan lugar ba dapat ako?" Ulit nya sa kinakanta nya habang nakapikit at gumagalaw ang daliri. "Mini mini may ni—."
"Miss!" Sigaw ng isang boses babae kaya tuloy napilitan syang magmulat ng mata.
"Bakit po? Ako po ba ang tinatawag nyo?"
"Oo kanina ka pa dyan sa tapat ng counter ang haba na ng pila." Itinuro nito ang mga taong nasa likod nito at sinundan nya naman iyon. Madami ng nakapila at ang sama na ng tingin sa kanya.
She force a cute smile and make a peace sign. "Nakapili na po ako ng lugar na pupuntahan ko." Aniya saka hinarap ulit ang kahera upang bumili ng ticket.
Pinagmasdan nya muna ang ticket na hawak nya at hinanap ang bus number ng sasakyan nya. Muli ay inilibot nya ang paningin sa dami ng tao sa terminal na iyon pero hindi nakaligtas sa mata nya ang isang magandang babae na kalalabas lang mula sa taxi, may malaking bag itong sukbit sa likod nito.
Nang mahanap nya na ang bus nya ay pumasok na sya do'n. Wala pa din naman masyadong tao kaya nagpahinga muna sya sa kanyang inuupuan at hindi nya na namalayan na makakaidlip sya. Naramdaman nya ang pag-start ng makina ng bus kaya medyo iminulat nya ang mata to make sure kung aalis na ba sila.
Handa nya na sanang ipikit muli ang mata kaya lang napako ang tingin nya sa babaeng malapit sa istribo na tila naghahanap ng bakanteng upuan, pasimple nyang inilibot ang tingin sa buong bus at napagtanto nyang okupado na lahat pwera na lang sa tabi.
"Kuya, wala na po bang available seats?" Mahinang tanong nito sa kondoktor na kakapasok lang din.
"Here!" Tawag pansin nya sa mga ito. "If you want pwede kang tumabi sakin." Dumako ang mata ng babae sa kanya at medyo umaliwalas ang mukha ng makita ang bakanteng upuan sa tabi nya. "Come here."
Ngumiti ito sa kanya pero hindi naman ngumiti ang mga mata nito. Kung may pinagdaraanan sya, malamang sa malamang ay may pinagdaraanan din ang magandang babaeng tumabi sa kanya.
"Thank you." She whispered.
"Welcome." She smile at her. Ngayon na magkatabi na sila mas nakikita nya na ng husto ang istura nito at kung gaano kaamo ang mukha nito.
BINABASA MO ANG
RACE 2: Baby Maker
RomanceA freedom to choose who she wanted to marry was the only important thing that Xarra Salcedo asked for to her parents. But fate was really against her will. Because her father decided to set her into a fixed marriage no matter how much she disagreed...