21 ~ Schemes

237K 6.1K 448
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

PARANOID na kung paranoid pero kanina niya pa nararamdaman na may sumusunod sa kanya simula ng umalis siya sa Mcdo. Naghihintay lang siya ng paparating na taxi, hindi niya na din matanaw kung nakaparada pa ba ang sasakyan ni McLaren sa tapat ng F&W Mall o kung kasama na ba nito sina Aeon at Liberty.

"Miss, taxi?" Untag sa kanya ng isang gwapong lalaki na sa wari niya ay barker ng mga pampasadang sasakyan pero hindi akma ang itsura nito sa trabaho nito. Naka-man bun ito, may mga tatoo at nakasandong itim, naghuhumiyaw ang muscles nito sa braso.

Marunong kasi talaga siyang mag-appreciate ng mga magagandang lalaki pero kahit pa gano'n, nag-iisa lang ang pinaka magandang lalaki sa mga mata niya... Si Aeon Stewart lang.

"Yes, please."

"Taxi! Taxi! Taxi!" Sigaw nito at kumaway kaway sa nakaparadang taxi hindi kalayuan sa kanila.

"Thanks." Aniya ng nasa tapat niya na ang taxi. Papasok na sana siya sa loob ng may isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan niya.

"Xarra! Wait!"

She searched for that voice and surprise when she saw her ex fiance. "A-austin?" He's smiling at her.

"Miss Salcedo, get in." Utos sa kanya ng barker at kulang na lang ay itulak siya nito papasok sa loob ng taxi.

"Xarra, mabuti na lang at naabutan kita. I want to explain something very important." Palapit ng palapit sa kanya si Austin habang unti-unti namang dinadagsa ng kaba ang dibdib niya. "Can we talk?"

Pipilitin na naman ba siya nitong magpakasal dito? Pero wala naman siyang mabakas sa mukha nito na gagawa ito ng bagay na hindi niya magugustuhan.

"Alam kong mali ang pilitin ka na magpakasal sa'kin. I waited Xarra, akala ko matutunan mo din akong magustuhan, akala ko matatanggap mo din ako katulad ng pagtanggap sa'kin ng daddy mo..."

They are meters away, the barker seem to block Austin way para hindi tuluyang makalapit sa kanya. Napatingin siya sa barker ng hawakan siya nito sa balikat.

"Get in, ano ba ang mahirap intindihin sa sinasabi ko?" Halos pabulong na wika nito, 'yung tipong mauubos na ang pasensya.

Napansin niya ang tattoo nito sa gilid ng leeg na pamilyar sa kanya. Parang nakita niya na ang tatz na iyon pero hindi niya maalala kung kanino.

"Ihahatid na kita Xarra, delikado para sayo ang magcommute baka mapano pa kayo ng baby niyo ni Aeon." Muling bumalik ang tingin niya kay Austin na nasa likod lang halos ng barker.

"A-alam mong may baby kami ni Aeon?"

"Yes, and I am happy to know that you and Aeon were together now. Tanggap ko na Xarra na hindi talaga ako ang gusto mo." Nagpakawala ito ng maiksing tawa at napailing. "I hope we can be friends, sana tanggapin mo ako kahit bilang kaibigan mo na lang."

"Austin, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo. Kaibigan?"

"Yes Xarra." May sinseridad sa mukha nito kaya napangiti siya. Siguro ay narealize na ni Austin na hindi niya talaga ito gusto kahit pa kakilala ito ng daddy niya. "Pare, kanina ka pa nakaharang diyan hindi kami makapag-usap ng maayos ni Xarra." Akmang hahawakan ni Austin ang balikat ng barker ng magsalita ito.

"Don't you dare touch me if you don't want me to break all your bones in your body." The barker said in a very dangerous tone. May mata ba ito sa likod? Napangiwi siya ng makitang nagdilim ang mukha nito sabay tumingin sa kanya. "Sumakay ka na, bilis."

"Hindi naman yata tama na utusan mo si Xarra." Hindi napigilan na sabat ni Austin, naging seryoso na din ito. "Sa akin ka na sumabay Xarra, ihahatid na kita, mas ligtas ka kapag ako ang kasama mo."

RACE 2: Baby Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon