18 ~ Quickie (SPG)

340K 6.6K 305
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

ISINIKSIK niya ang mukha sa dibdib ni Aeon at doon umiyak. Yakap-yakap niya ang Tupperware at tumbler habang ito naman ay inaalo siya. Wala naman kasi talaga siyang balak umiyak dahil nararamdaman niyang walang mangyayaring masama sa ama pero hindi niya kayang pigilan ang emosyon niya, talagang sobrang nagiging sensitive na siya. Kaunting kibot lang ay nasasaktan na siya o kaya ay nagtatampo, minsan nga ay umiiyak pa siya.

"You don't need to cry."

"At bakit hindi? Dapat hindi pumayag si mommy na tanggalin ang mga aparatong bumubuhay kay daddy!"

"Hindi pa naman tayo sigurado kung ano ang dahilan kung bakit tinanggal na ang mga aparatong nakakabit sa kanya." Nag-angat siya ng tingin kay Aeon. He wipe her tears using his thumb. "Kaya kailangan natin magpunta sa Hospital para malaman natin kung ano ang nangyari sa dad mo."

"Ibig sabihin buhay pa si daddy?"

"I think yes. There's no use of thinking about negative things honey."

"Honey..." Wala sa sariling sambit niya.

"Yes, come on. We have to go."

Sumakay sila sa puting sports car na sa tingin niya ay dapat na gagamitin ni Aeon pangarera kanina kaya lang ay hindi natuloy.

"Huwag kang magdrive ng mabilis."

"Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Mayroon kaya lang nahihilo ako kapag mabilis. Muntik na nga akong masuka kanina—pinigil ko lang." Pinagmasdan lang siya nito. "Hindi ako mangingiming sukahan itong sports car mo kapag binilisan mo ang pagmamaneho."

"Bakit hindi mo sinabi na nahihilo ka na pala?" May himig na pag-aalala sa tanong nito.

"Hindi naman ako mahiluhin sa byahe masyado lang sigurong mabilis ang pagpapatakbo mo."

"Kapag nahihilo ka sasabihin mo sa'kin."

"Yes sir boss mayor." She said, smiling.

Trenta minutos ang nakalipas bago sila nakarating sa Hospital. Hindi rin mabilis ang pagmamaneho ni Aeon, natakot sigurong sukahan niya ang sports car nito. Mukha pa namang brand new ang sasakyan na iyon.

"Good evening, Mayor." Bati ng security guard ng Hospital. Tumango lang ito sa iba pang bumati dito. Sa totoo lang may pagka suplado si Aeon hindi lang din masyadong halata.

Pumasok sila sa VIP elevator kung nasaan ang floor ng mga VIP's rooms and patient. Her father is one of the VIP, hindi naman din kasi simpleng negosyante lang ang isang Harper Salcedo. Gusto niya na talagang makasama ang magulang niya at makumpleto na ulit sila.

"Hindi kaya masyado na akong nakakaistorbo sayo?" Tanong niya kay Aeon. Alam niyang busy ito pero heto sila at laging magkasama.

"I can handle."

"Pwede naman na akong tumira sa bahay namin o kaya bumalik na lang ako sa condo ko. Nakakahiya na kasi kila Tita Mandy."

"Huwag kang mahiya sa kanila sobrang bait ng magulang ko."

"Sa sobrang bait nila parang naaabuso ko na." Wala pa naman siyang isang linggo na tumutuloy kila Aeon pero pakiramdam niya ang tagal-tagal na ng panahon na pananatili niya sa mansion ng pamilya Stewart. "Magpapaiwan na ako dito sa Hospital mamaya at—" Tinignan siya nito ng masama na para bang may ginawa siyang kasalanan. "W-wala nga pala ang mga gamit ko dito sa Hospital kaya hindi ako magpapaiwan."

"Hindi naman kita papayagan na maiwan do'n."

"Halata nga." Ang sama mo makatingin kanina eh.

RACE 2: Baby Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon