CHAPTER FOUR
ABOT-abot ang kaba sa dibdib nya ng biglang may kumalabog mula sa labas ng apartment nila. Bumangon sya at lalabas na sana ng mapansin na wala si Charee sa kama nito pati ang bag nito ay wala din habang si Celine naman ay nananatiling tulog mantika, kapag nagkasunog siguradong matutusta ang best friend nya.
"Celine." Tinapik-tapik nya ang balikat nito. "Wake up, wala si Charee." Umungol lang ito kaya tuloy nilakasan nya na ang pagtapik dito. "Hey, gumising ka muna wala—."
"Oo na gigising na ano ba naman 'yan Xarra kung hindi lang kita best friend baka nakatikim ka na sakin alam mo bang bawal maistorbo ang tulog ko tapos—."
"Enough!" Sinenyasan nya ito ng tumahimik dahil patuloy na nag-iingay ang pinto ng apartment nila.
"Ano-sino iyon?"
"I don't know."
"Hindi kaya magnanakaw?"
"I don't think so."
"Baka rapist?" Napayakap ito sa sarili. "Goodness! Hindi ko pa kayang ipamigay ang virginity ko kung kanino lang." Nahihinatakutan na bulalas nito.
"Huwag kang maingay kunin mo na ang gamit mo kailangan natin umalis dito."
Parang kiti-kiti na dinampot nito ang bag at sandals nito at sya ay ganon din. Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto ng silid at lumabas doon ng walang ingay. Tinanaw nya ang madilim na sala kaya lang nag-iba na ang pwesto ng mga gamit doon, ang mahabang sofa ay nakaharang sa pintuan at nakapatong naman doon ang single sofa.
"Sinong may gawa nyan?" Mahinang tanong ni Celine na nasa likod nya at grabe kung makayakap sa kanya. "Siguro si baby M." Tukoy nito kay McLaren who happened to be Charee's cousin na nakilala nila kanina.
Iniisip nya nga na din na iyon nga ang gumawa ng paghaharang sa pinto. Nang nakipag race kasi sila kanina sa lalaking nanghamon sa kanila ay naunsyami ang pangangarera nila at napahamak sila mabuti na lang dumating ang savior nila na si Baby M slash McLaren, malamang magkasama na ang dalawa sa mga oras na iyon.
"Siguro nga, let's go."
Napatalon sila pareho ng kumalabog na naman ang pinto na iyon kaya kumilos na sila para makaalis sa apartment, sa likod sila dumaan at doon tumakbo ng tumakbo.
"Napapagod na ako!" Hinihingal na reklamo ni Celine na nakakapit sa laylayan ng blouse nya. "Magpahinga muna tayo Xarra baka mamatay na ako sa sobrang pagod sayang naman ang lahi ko."
"Puro ka talaga kalokohan, paanong masasayang ang lahi mo hindi ba baog ka?" Malakas itong napasinghap, oa talaga ito. "Sabi mo baog ka di ba?"
"Joke lang 'yon hindi ako baog. Mamaya din ikakalat ko na ang lahi ko."
"Walang papatol sayo." Biro nya lang iyon. Tumingin sya sa likuran nila at binalot na naman ng kaba ang dibdib nya dahil may mga lalaking nakasunod sa kanila. "Damn it! Bilisan natin nasundan nila tayo." Kinuha nya ang kamay nitong nasa laylayan ng damit nya at hinawakan iyon. "Faster Celine ikaw ang ipapain ko sa mga 'yan kapag naabutan nila tayo."
"Hindi ko alam kung bakit naging best friend kita kung ipapahamak mo lang rin pala ang puri ko."
Kapwa na sila hinihingal pero walang gustong manahimik sa kanila dahilan kung bakit lalo silang napapagod.
"Ang drama mo bakit hindi ka na lang mag-artista."
"Bukas na bukas din mag-aaudution ako kung 'yan ang gusto mo tutal naman willing kang ibenta ako—aray!" Tili nito ng matapilok.
Hindi nya alam kung ano ang uunahin nyang tignan, ito ba o ang limang lalaking humahabol sa kanila.
"Boss, nando'n sila Miss Xarra!" Narinig nyang sigaw ng isang lalaki. "Kasama nya po si Miss Celine!"

BINABASA MO ANG
RACE 2: Baby Maker
Roman d'amourA freedom to choose who she wanted to marry was the only important thing that Xarra Salcedo asked for to her parents. But fate was really against her will. Because her father decided to set her into a fixed marriage no matter how much she disagreed...