20 ~ The Kiss

241K 6.3K 709
                                    


CHAPTER TWENTY

NAGTAKA siya ng paggising niya ay hindi niya na naman naramdaman si Aeon sa tabi niya. Dalawang araw na siyang nagigising na lagi na lang itong wala at matutulog siya kinagabihan na hindi pa din ito dumadating. Ang sabi sa kanya ni Aeon ay busy lang ito sa Munisipyo pero minsan madalas itong may kausap sa cellphone at lumalayo pa sa kanya sa tuwing may caller.

Inilapat niya ang palad sa ibabaw ng tummy niya. "Good morning baby, hindi na naman natin kasama ang daddy mo mag breakfast." Kinuha niya ang cellphone niya sa side table to check if he has a text messages or missed calls pero wala naman, bagkos, nakita niya ang cellphone nito na nasa side table din.

Napilitan siyang bumangon at kinuha din iyon. Malamang, naiwan ni Aeon. Napangiti pa siya ng walang password iyon pero nawala ang ngiti niya ng makita ang five missed calls from Liberty. Alam niyang mali ang makialam ng may cellphone ng may cellphone pero talagang nacucurious siya dahil may text messages pa doon.

6:10am

Good morning Aeon. How's your sleep? Wala bang hangover? I'm sorry about last night, hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Tinamaan din ako sa ginawa natin.

7:03am

Why you didn't answer my calls? Kasama mo pa ba si Xarra? Pinapahirapan ka na naman ba niya?

7:49am

I am on my way to Race, see you there.

Kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya. Nagagalit at nagseselos siya, sino bang hindi? Hello, si Liberty lang naman iyon at alam niya na ang babaeng iyon ay gusto ni Aeon noon pa man. Tapos magkikita pa ang dalawa or she must say nagkikita ang dalawa.

Pagkatapos niyang maligo ay dumeretso na siya sa garahe ng mga sasakyan ng pamilya Stewart, ni hindi niya na nga din naisip mag-almusal. She wants to see Aeon, she wants to make sure na nagkikita lang ang dalawa bilang magkababata o magkaibigan at wala ng iba pero iba ang isinisigaw ng isip niya eh. They are hiding something from her and it makes her feel envy.

"Miss Xarra, saan po kayo pupunta?" Nilingon niya ang isa sa driver nila Aeon. "Ipagmamaneho ko na po kayo."

"Hindi na ho, sa munisipyo lang naman ako magpupunta."

"Pero Miss Xarra baka po magalit sa'kin si Mayor Aeon dahil hindi ko kayo ipinagdrive."

"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Sige ho, aalis na ako." Iyon lang at ibinigay na sa kanya nito ang susi.

Palabas na siya sa subdivision ng mapansin ang isang bigbike motorcycle na bigla na lang sumulpot kung saan pakiwari ba ay sinusundan siya o paranoid lang siya? Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa Munisipyo. Kailangan niyang makasiguro na naroon nga si Mayor A.

"Good morning Miss Xarra, napadaan po kayo?" Bati ng secretary ni Aeon.

"Nasa loob ba siya?"

Tumingin ito kung saan siya nakatingin, sa Mayor's Office at muling ibinalik ang tingin sa kanya. "Kaaalis lang ni Mayor Aeon—"

"Saan daw pupunta?"

"Sa opisina niya sa Race, naghihintay daw kasi do'n si Miss Liberty magsasabay sila maglunch." Panandalian muna siyang natahimik at kinalma ang malakas na kabog ng dibdib niya. "Namumutla ka Miss Xarra, okey ka lang ba? Gusto mo ng maiinom?" Ipiniling niya ang kanyang ulo at nanghihinang napaupo sa sofa do'n. Nagmamadali pa naman siya na magpunta sa Munisipyo dahil nagbabakasakali siyang maaabutan niya si Aeon pero hindi, nabigo siya. "Here, inumin mo muna itong malamig na tubig." Inumang sa kanya ng secretary ni Aeon ang baso. "Hindi ba kayo nagkikita ni Mayor A? Bakit mo ba siya hinahanap?"

RACE 2: Baby Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon