Prologue

414K 8.1K 385
                                    

PROLOGUE

PUMASOK sila ng kaibigan nya sa isang sikat na Hotel kung saan may isang event na gaganapin. Wala sana syang balak sumama kasi busy sya sa paghahanap ng bago nyang trabaho but she cannot say 'no' to Charlton kaya pinagbigyan nya na lang ito.

Hatak-hatak ang kanyang kamay ay dinala sya nito sa isang grupo ng mga gwapong kalalakihan.

"Hello there." Untag sa mga ito ni Charlton.

Lumipat ang tingin ng mga lalaki sa kanilang magkaibigan 'yung iba ay nakilala nya na noon pero may isa do'n na hindi nya pa nakikilala ng personal pero sa isip at puso nya ay kilala nya na ito matagal na.

"Aeon," Tawag pansin ni Charlton sa lalaking walang emosyon sa mukha. Tumingin ito sa kaibigan nya at itinaas ang dalawang kilay na para bang nagtatanong ng 'Bakit?' "I want you to meet my friend, Xarra Salcedo, ikaw na lang kasi ang hindi nya nakikilala."

"Okey, nice to meet you Miss Salcedo." Napapitlag sya sa boses ng lalaki. 'Yung boses na malamig pero ang sexy sa pandinig.

Inangat nito ang isang kamay sa tapat nya kaya lang mas nakatutok ang atensyon nya sa gwapong mukha nito. Hanggang sa ibinaba na lang nito ang kamay.

"Hey, hindi mo man lang ba papansinin si Aeon? Gusto mo bang masambunutan ng mga babaeng hindi nagkaroon ng chance makilala ang pinsan ko?"

"Ha? Ano... Hmn, ano kasi-."

"That's fine no need to explain." Mataman lang syang tinignan ng lalaki saka muling ibinalik ang mata sa mga kausap nito.

"Ano ka ba naman Xarra parang wala ka na naman sa sarili." Hinila na ulit sya ni Charlton kung saan naroon ang mga pagkain.

"Pasensya na nabighani kasi ako kay Aeon, totoong tao ba sya? Bakit sobrang gwapo?" Charlton chuckled. "Kaya lang hindi mabanat ang mga labi nya para ngumiti."

Hindi nya akalain na gano'n pala si Aeon sa personal. Para bang hindi approachable at medyo intimidating ang lalaki.

"Gano'n talaga si Aeon hindi talaga uso sa kanya ang mag-smile pero mabait naman ang pinsan ko." Tumang-tango lang sya sa sinabi ng kaibigan.

Kinalikot nya ang camera na nakasukbit sa kanyang leeg saka tinignan ang mga larawan ng iba't-ibang klase ng bulaklak at halaman doon. Maya-maya lang ay muling naglikot ang kanyang mata para hanapin ang lalaking nagpabighani sa kanya.

"Baka matunaw 'yan." Pinaikutan nya lang ng mata si Charlton ng mapansin ang malalagkit na tingin nya kay Aeon. Inangat nya ang kanyang camera saka ninakawan ng mga shots si Aeon. "Magagalit sayo 'yan kapag nakita kang ninanakawan sya ng mga litrato."

Nilingon nya si Charlton saka inilabas ang kanyang dila at ibinalik muli ang atensyon sa kanyang camera para lamang mamilog ang kanyang mata dahil nakikita nya sa lense na naglalakad sa gawi nya ang taong biniyayaan ng pagiging perpektong nilalang.

"Oh-oh, here he is I think I need to leave. See you around, Xarra." At ang kaibigan nyang maganda ay iniwan na syang mag-isa.

"What do you think you were doing, woman?" Bakas sa boses ng lalaki ang pagkairita sa kanya.

Dahan-dahan nyang ibinababa ang camera nya at nginitian ito kahit pa ramdam nyang nanginginig ang mga labi nya ay pinilit nya pa rin ngumiti.

"Hindi naman ikaw ang kinukuhanan ko."

"Sa bibig mo na mismo na nanggaling na kinukuhanan mo nga ako ng mga litrato, Miss Salcedo."

"Ang sabi ko hindi, bingi ka ba?" Luminga ito sa paligid na para bang sinisigurado na walang nakarinig sa sinabi nya saka naglakad palapit lalo sa kanya.

RACE 2: Baby Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon