EPILOGUE
"AEON, natatakot talaga ako sa sinabi ng doctor sa atin kanina. Paano kung hindi ko makayanan mailabas ang babies natin?"
Yes babies dahil matapos ang ultrasound niya kanina ay nakumpirma nila na twin nga ang anak nila pero hindi pa makita ang gender. Bumabyahe na sila ngayon papunta sa Race Inc. Hinawakan ni Aeon ang isang kamay niya at marahan na ipinisil habang nakatuon ang mata nito sa daan dahil nga ito ang nagmamaneho.
"Hindi mo kailangan matakot o kabahan Xarra. Sinabi ko na sayo iyon di ba? Nandito lang ako lagi sa tabi mo. Sasamahan kita hanggang sa makalabas ang mga anak natin. Okey ba iyon?" Tahimik lang siyang tumango.
Itong lalaking ito talaga ang isa sa pinagkukuhaan niya ng lakas lalo ngayon na dinadala niya ang dalawang anghel sa sinapupunan niya. Hindi na siya nagtaka sa pagkakaron nila ng kambal dahil may lahing kambal sila Aeon, napaka swerte niya lang dahil magkakaron sila ng dalawang anak ng isang buntisan lang pero dalawang irihan.
"Magpabiyak na lang kaya ako? Katulad sa mommy mo."
"Kapag hindi mo kaya ang normal delivery pwede naman natin sabihin sa doctor na i-cesarean ka na lang."
"I'll think about it. Dapat mas matatag at matapang na ako ngayon, eh. Para sa mga anak natin pero hindi ko talaga maiwasan ang huwag kabahan. Ganito yata talaga ang pakiramdam ng mga nagbubuntis."
"Paano pa natin madadagdagan ang mga anak natin kung natatakot kang manganak?"
"Aeon!"
"Just kidding, ikaw naman hindi na mabiro." Sinulyapan siya nito at kinindatan. "Aren't you hungry?"
"Medyo lang, sa Race na lang tayo kumain."
"Okey." Maya-maya lang ay nag-ring ang cellphone ni Aeon na nakalapag sa dashboard. Wala sa sariling kinuha niya iyon dahil mukhang wala itong balak sagutin kung sinoman ang caller, kaya lang napatingin ito sa ginawa niya.
Calling Cassidy...
"Si Cassidy, kapatid niya si Charlton hindi ba?"
"Yes,"
"Ayaw mo bang sagutin?"
"Answer it for me."
"Oh—okey." Pinindot niya ang answer button."Hello? Aeon is driving—"
"Hello? Hello? Tito Mayor?" Isang matinis na boses ang narinig niya sa kabilang linya. Pinindot niya ang loud speaker upang marinig din ni Aeon. "Where are you Tito Mayor? Are you with your wife and babies?"
Napangiti si Aeon habang iiling-iling. Halata ang pagkagiliw sa mukha nito. "Answer her." She mouthed at him.
"Yes sweetheart we are on our way there."
"Am I going to see your babies?"
"No not yet sweetheart, hindi pa sila lumalabas."
"Palabasin mo na sila Tito Mayor para magsakay na sila sa sports car. I'll court them para may boyfriend na po ako." Hindi niya napigilan ang mapahagikhik kahit si Aeon ay natatawa na din.
"Madeleine sino na naman ang kausap mo diyan?" Isa pang tinig ang narinig nila sa kabilang linya.
"Po? Si Tito Mayor po, mommy. They're on their way na po with their babies and wife. Ngayon po sila magkakasa—hmmm, mommy my mouth!"
"Sorry baby, cut the line, naiistorbo sa pagmamaneho si Tito Aeon mo."
Tahimik lang silang nakikinig ni Aeon sa naka loud speaker na conversation ng mag-inang Stella Venisse and Madeleine.
BINABASA MO ANG
RACE 2: Baby Maker
RomanceA freedom to choose who she wanted to marry was the only important thing that Xarra Salcedo asked for to her parents. But fate was really against her will. Because her father decided to set her into a fixed marriage no matter how much she disagreed...