17 ~ Good or Bad News?

267K 6K 144
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

"XARRA, hindi kaya masobrahan ka na sa pagkain niyang cheese sticks?" Tanong sa kanya ni Tita Mandy. They are having their lunch together with Aeon's parents. Tinignan niya ang cheese sticks na sila mismo ni Aeon ang nagluto, 'yung iba ay sunog, 'yung iba naman ay hindi.

"Okey lang po ako, ito lang po talaga ang gusto kong kainin."

"Hindi naman pwede na lagi na lang cheese sticks ang kakainin mo, Xarra." Sinulyapan niya lang si Aeon na siyang katabi niya.

Wala sa sarili na nilagyan niya ng rice ang pinggan niya, kumuha din siya ng beef steak na hindi naman appealing sa kanya sa mga sandaling iyon. Ayaw niyang isipin ng magulang ni Aeon na maarte siya sa pagkain dahil hindi naman. Hindi niya kasi maintindihan ang sarili niya dahil hindi na siya nahilig kumain unless cheese sticks iyan ay lalantakan niya talaga.

"Kakain na po." Mahinang sabi niya at hindi na naman naiwasan na huwag tumingin kay Tito Matthew na tahimik lang na kumakain. Kanina niya pa ito tinitignan. Ang gwapo talaga ng daddy ni Aeon kahit pa may edad na ito.

"And quit staring with my dad, my mom will get jealous." Agad na ibinaling niya ang mata kay Aeon tapos narinig niya ang mahinang pagtawa ng mommy nito. "Ako na lang ang tignan mo." Umirap lang siya sa hangin at pinilit na kinain ang biyaya sa harap niya.

"Ikaw yata Aeon ang nagseselos." His mom teased.

"I am not."

"Or maybe gwapo lang din talaga sa mata ni Xarra ang daddy mo. Right babe?"

"Maybe." Tipid na sagot naman ni Tito Matthew. "Or maybe iniimagine na ni Xarra ang itsura ng anak natin kapag nagka-edad na."

Siguro nga kaya tinitignan niya ang daddy ni Aeon ay dahil iniisip niya ang magiging itsura ng binata kapag nagkaedad na. Gwapong gwapo pa din.

"O kaya baka pinaglilihian ka ni Xarra kaya panay ang tingin sayo." Doon na siya naalarma at napahawak sa tummy niya sabay tingin kay Aeon.

"P-pinaglilihian po?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Pakiramdam niya bigla siyang namutla. "H-hindi po."

"Alam mo ganyan na ganyan ako ng naglilihi ako kay Aeon and Saleen. Potato fries naman ang pinaglihian ko no'n. Nagagalit pa ako kay Matthew kapag hindi ako nakakain ng potato fries."

"H-hindi po ako naglilihi." Muli siyang tumingin kay Aeon pero hindi niya mabasa ang emosyon sa mukha nito kaya sa inis niya ay sinipa niya ito sa ilalim ng lamesa.

"What was that for?" Hindi pa siya nakuntento kaya kinurot niya ito sa tagiliran. "Aw." Hinawakan nito ang kamay niya upang pigilan ang pagkurot niya. Nakakagigil lang!

"That's enough, tapusin niyo na muna ang pagkain niyo bago kayo maglambingan sa harap namin." Nahihiyang inalis niya sa tagiliran ni Aeon ang kamay niya ng magsalita ang daddy nito. "Aeon, son,"

"Yes dad?"

"Let's talk later." Bumalik na ang seryosong aura ng daddy ni Aeon, gano'n din ang sa binata.

Maya-maya lang ay naramdaman niya ang palad ng katabi sa hita niya at hinaplos iyon na nagbigay sa kanya ng kakaibang init kaya napatingin siya dito.

"Why?" She mouthed.

"Nothing." Aeon mouthed back and wink makes her blushed like a stupid teenager who sees her crush.

NAGMUMUNIMUNI lang siya sa isang silid ng Family Stewart kung nasaan nakadisplay lahat ng pictures ng sikat na lingerie model na si Mandy Lane noon at si former Senator and Vice President Matthew. Naroon din ang mga pictures ng buong pamilya. May mga paintings din. Feeling niya nasa isang Museo siya kung saan nakalatag lahat ng pinaka gwapo at pinaka magandang tao na nag-e-exist sa mundo.

RACE 2: Baby Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon