CHAPTER TWENTY FOUR"ANAK? Magpapaiwan ka ba talaga? Nakahanda na ang gamit namin ng daddy mo." Untag sa kanya ng mommy niya. Mamayang gabi na kasi ang flight nila pabalik sa Pinas habang siya heto at nagmumunimuni sa balcony ng hotel room kung saan sila namalagi ng halos dalawang buwan.
She took a deep breath and smile at her mother. "Hindi ko pa po kayang makita si Aeon ngayon pa na nalaman ko na ang dahilan niya kung bakit niya ginawa iyon? Nakakahiya mommy, hindi ko man lang siya hinayaan magpaliwanag bago ako umalis."
Nalaman na kasi niya ang totoo dahil na din sa ikinuwento ng daddy niya sa kanya dalawang linggo na ang nakakalipas.
"I'm sure Aeon will understand you. Hindi naman habang buhay ay tatakasan mo ang mga bagay na dapat ay hinaharap mo na. Huwag kang magsayang ng oras at panahon Xarra."
"Siguro nga ay galit siya sa'kin dahil iniwan ko na lang siya bigla. Mas lalo ko lang pinagulo ang sitwasyon namin."
"At mas lalong gugulo ang sitwasyon kapag hindi mo pa siya hinarap."
Nagdadalawang isip talaga siya kung sasabay siya sa magulang niyang bumalik sa Pinas o magpakaburo na lang kung nasaan sila ngayon pero tama ang mommy niya kailangan niya ng harapin si Aeon, hindi na siya dapat magsayang pa ng oras.
"Sasabay na ako sa inyo mom, haharapin ko na si Aeon at handa akong tanggapin kung galit man siya sa akin o hindi. Ito na din siguro 'yung oras para magkaalaman na kami kung ano ba talaga ang gusto namin para sa isa't-isa at para sa anak namin. Medyo natatakot lang po ako, ang daming 'what if' sa isip ko."
"Tell him everything, Xarra. Everything you feel." Tahimik lang siyang tumango dito. "Maiwan muna kita."
"Okey mom, thank you." Isang ngiti lang ang ibinigay sa kanya ng ina bago umalis sa tabi niya.
Flashback
"Dad? Are you okay? Kanina ka pa kasi tahimik. Ayaw mo ba sa pinapanood natin?" Nag-aalalang tanong niya sa ama na kasama niya sa balcony ng hotel room ng magulang niya habang nanonood ng movie sa laptop niya. Para kasing nawalan ito ng mood manood. Ang mommy niya naman ay nag-aasikaso ng snacks nila.
Nagsawa na silang mamasyal kaya nag-stay muna sila ngayong araw sa hotel rooms nila. Magkatabi lang ang room nila ng magulang pero madalas naglalagi siya sa room ng mga ito.
"Hindi ko lang maiwasan isipin 'yung mga pagkakamali ko anak lalo na sayo."
"Dad, kung iniisip mo pa din ang desisyon mo noon tungkol sa pagpapakasal ko kay Austin, huwag niyo na pong isipin dahil wala na sa'kin iyon. Masaya po ako na magkakasama na ulit tayo nila mommy." True! Pakiramdam niya nga bumalik siya sa pagkabata ng makasama ulit ang parents niya dahil talagang binibaby pa din siya ng mga ito.
"I trust Austin, I thought he's a good friend, akala ko wala siyang pakialam sa yaman natin pero isa lang din pala siya sa mga taong gusto akong pabagsakin at gustong kuhanin ang lahat ng pinaghirapan ko. I am stupid to trust that man at mas lalo akong naiinis sa sarili ko dahil sa kanya kita ipinagkatiwala. Nag-iisang anak ka namin Xarra kaya gusto ko mapunta ka sa lalaking kaya kang bigyan ng magandang buhay katulad ng ginawa ko sa inyo ng mommy mo and I thought Austin is the right guy for you but he fooled me."
Batid niyang galit talaga ito kaya natatakot siya na baka sa sobrang galit nito ay atakihin naman ito sa puso, hindi na bumabata ang daddy niya.
"Let's just forget Austin, forgive him for fooling you. Siguro ay nagsisisi na siya sa ginawa niya sayo."
Mataman muna siyang tinignan ng ama bago itinuon ang mata sa tanawin sa labas ng hotel. "Hindi gano'n kadali sa'kin na patawarin siya anak. He almost killed me!"
BINABASA MO ANG
RACE 2: Baby Maker
RomanceA freedom to choose who she wanted to marry was the only important thing that Xarra Salcedo asked for to her parents. But fate was really against her will. Because her father decided to set her into a fixed marriage no matter how much she disagreed...