CHAPTER THREE
"HAPPY 19th Birthday, Charee!" Masiglang bati nya sa kaibigan habang hawak ang pabilog na cake. "Make a wish."
Ipinikit nito ang mata at pagkatapos ay inihipan ang kandila. "Thank you Xarra, nakalimutan ko na birthday ko ngayon mabuti na lang at naalala mo."
"Naka-mark sa calendar ko ang birthday mo kaya hindi ko talaga iyon makakalimutan."
Inilapag nya ang cake sa lamesa at nag-umpisa na silang kumain. Natuto na din silang magluto, maglaba at maglinis ng bahay. Isang taon na silang magkasama ni Charee sa bahay na iyon at nakapagtataka lang na walang nagtatangkang hanapin sya pati na din ang kasama nya.
"Masaya ba sa bago mong trabaho?" Tanong nito sa kanya.
"Okey lang naman dahil nakakasundo ko 'yung iba pero 'yung iba ay hindi."
Isa syang events photographer. Kung anu-anong klaseng pagdiriwang na din ang napuntahan nya sa loob ng isang taon. Hindi gano'n kalaki ang salary pero kaya pa naman nila mabuhay ni Charee.
"Gusto ko din magtrabaho, Xarra."
Ilan beses nya na itong sinabihan na tawagin syang 'Ate' kaya lang ay hindi sya nito pinapansin. "Payagan mo na akong magtrabaho, nineteen na naman ako."Medyo nakaramdam sya ng awa sa kaibigan dahil nga hindi nya ito pinagtatrabaho, minsan sinasama nya lang ito kapag may event sila para hindi naman ito maburyo sa loob lang ng apartment nila.
"Okey pero sasamahan kita mag-apply." Feeling nya talaga Ate sya at lagi syang umaastang Ate dito.
"Paano ako matututo mag-isa kapag kasama ka?" Oo nga naman, Xarra!
"Fine fine." Itinaas nya ang dalawang kamay. "Pwede ka na mag-apply ng trabaho."
"Talaga? Papayagan mo na ako?"
"Yes para naman magkaro'n ka na ng experience sa pagtatrabaho."
"Para makatulong din ako sa pagbili ng mga kailangan natin dito sa bahay."
Well, well, well, sya lang naman ang gumagastos kasi nga sya ang Ate sa kanilang dalawa.
"As your 'Ate' pinapayagan na kitang magtrabaho pero hindi pa kita pinapayagan mag boyfriend, okey?"
Tumabingi ang ngiti nito pero tumango din naman bilang pagsang-ayon.
"Xarra, hindi ka pa ba nagkaka boyfriend?"
"Hindi pa." Mabilis na sagot nya. "But I have fiance." Pinaglaruan nya ang spaghetti sa plato nya. "But I don't love him, I don't want to marry him."
"Ibig mo bang sabihin... Napilitan ka lang?"
"My dad wants him for me." Panimula nya. "Kaya ako umalis sa bahay para takasan sila sa gusto nilang mangyari pero alam kong hindi habang buhay ay magtatago ako. My dad will surely make his way to find me and that makes me scared."
"That's absurd!"
"Yes." Sya naman ngayon ang ngumiti ng malungkot dito. "Ayoko matali sa isang relasyon na walang pagmamahal. Naniniwala pa din kasi ako na ang isa sa happiness ng isang tao ay nakasalalay sa taong gusto nyang makasama habang buhay."
Like her mom and dad, mahal na mahal ng magulang nya ang isa't-isa pero may pagkakataon pala talaga na may isang nasusunod at iyon ang daddy nya. Bilang anak, ano lang ba ang magagawa nya? Nabigay sa kanya ang lahat ng luho nya pero bakit hindi nya kayang ibigay sa mga ito ang kahilingan na magpakasal sya kay Austin?
"Paano kapag nahanap ka na nila?" May pag-aalala sa boses at mukha ni Charee.
"That's the question that I need an answer. What if nahanap na ako nila daddy?"
BINABASA MO ANG
RACE 2: Baby Maker
RomanceA freedom to choose who she wanted to marry was the only important thing that Xarra Salcedo asked for to her parents. But fate was really against her will. Because her father decided to set her into a fixed marriage no matter how much she disagreed...