CHAPTER TWELVE"BAKIT ka umalis?" Napaigtad sya ng marinig ang boses ni Aeon. "Bakit hindi mo ako ginising?" Umupo ito sa katapat na upuan nya, kumakain kasi sya ng almusal.
"A-ayoko kasing istorbohin 'yung tulog mo sir boss mayor." Sagot nya ng hindi ito tinitignan.
Nahihiya sya sa ginawa nila kagabi at ilan beses nilang ginawa ang bagay na 'yon!
"Bakit hindi ka makatingin sakin, Miss Salcedo? Samantalang kagabi ang lakas-lakas ng-"
"Stop!" She glared at him. "And eat." Inurong nya dito ang isang plato na may pancake. "Kainin mo 'yan para hindi masayang."
Sinunod naman nito ang sinabi nya. Buti pa itong lalaking 'to ang aliwalas ng mukha samantalang sya halatang walang tulog dahil sa kagagahan nya.
"Hindi ka ba nakatulog?" He asked.
"H-hindi masyado."
"We can go back to my suite so you can continue your sleep."
"Doon na lang ako sa room ko."
He lifted his eyebrows and look at her while his jaw is moving because his eating her pancake.
"Pinalipat ko na 'yung mga gamit mo sa suite ko, Xarra."
"What? Bakit?"
"Akala ko ba gusto mong magkababy?" And now that he mentioned that all they did last night suddenly flashed to her mind. "Kapag magkaiba tayo ng kwarto tingin mo makakagawa tayo ng baby?" Gusto nya ng lumubog mula sa inuupuan nya dahil sa pamumula ng mukha nya. "Unless, you changed your mind."
"Aeon,"
"Madali akong kausap Xarra kung ayaw mo ng ipagpatuloy natin 'to, okey lang sakin."
"What if I get pregnant?"
"That's what you want, right?"
"Yes, pero paano ka?" Panandalian muna itong natahimik. Siguro ngayon lang rin pumasok sa utak nito kung ano na ang mangyayari sa kanila if ever na mabuntis nga sya. "Don't worry hindi naman kita hahabulin kaya ko naman mag-alaga ng baby gusto ko lang talaga huwag matuloy ang kasal namin ni Austin."
"We'll talk about the baby kapag siguradong buntis ka na pero sa ngayon ang kailangan natin pagtuunan ng pansin ay kung paano natin sya bubuuin."
Pasimple nyang kinagat ang loob ng pisngi nya para pigilin ang anumang kilig na nararamdaman nya sa sinabi nito.
"You mean, uulitin natin 'yung ginawa natin kagabi?" Mahinang tanong nya.
Dumukwang ito sa kanya na halos gahibla na lang ang layo ng mga labi nila. Wala na syang pakialam kahit tinitignan pa sila ng mga taong kasabay nilang nag-aalmusal.
"Yes honey, uulit-ulitin natin 'yon hanggang sa magkababy na tayo." He whispered and bit her lower lips makes her trembles. Damn!
Dati-rati pinagpaplanuhan nya lang sa isip nya na si Aeon ang napupusuan nyang magbibigay sa kanya ng anak... Pero ngayon, nangyayari na kahit pa nung una ay tinanggihan sya nito.
"Iba talaga maglaro ang tadhana." She whispered to herself.
"What did you say?"
"Hmn? I mean, saan kaya pwedeng makabili ng mga souvenirs?"
"Oh, sasamahan kita mamili pagkatapos mo dyan." Ingunuso nito ang kinakain nya.
Nagkibit balikat lamang sya at inubos na ang breakfast nya. Hindi kasi sya kumain kagabi at pag-gising nya ay nakaramdam sya ng gutom buti na lang hindi umatake ang hangover sa kanya pero pakiramdam nya ay napagod ang katawan nya, siguro dahil iyon sa ginawa nila ni Aeon.
![](https://img.wattpad.com/cover/54218293-288-k955590.jpg)
BINABASA MO ANG
RACE 2: Baby Maker
RomanceA freedom to choose who she wanted to marry was the only important thing that Xarra Salcedo asked for to her parents. But fate was really against her will. Because her father decided to set her into a fixed marriage no matter how much she disagreed...