23 ~ Out of Reach

270K 5.3K 125
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

NAPATINGIN siya sa mommy niya ng maramdaman ang paghawak nito sa palad niya. Nakatuon lang kasi ang mata niya sa bintana ng eroplanong sinasakyan nila kung saan pawang mga puting ulap lang naman ang nakikita niya.

Biglaan lang talaga ang pagsama niya sa magulang para magbakasyon sa Greece. Ngayon pa lang kasi unti-unting nakaka recover ang daddy niya mula sa aksidenteng nangyari at mas mainam kung mas lalo itong makakapagrelax.

"Ang lalim ng iniisip mo anak. May problema ba?" Untag ng mommy niya.

"May kaunting problema lang po kami ni Aeon. Gusto ko lang po talagang makapag relax din at isa pa gusto ko kayong makasama ni daddy."

"Kaya pala sumama ka agad sa'min ng sabihin namin na aalis kami."

"Yes mom." And smile at her mother. "Madaming oras ang nasayang na hindi ko kayo nakasama ni dad kaya gusto ko pong bumawi sa inyo."

"I'm sure hindi alam ni Aeon na umalis ka." Tahimik lang siyang tumango.

Iniwan niya si Aeon na mahimbing na ntutulog kaninang umaga. Mabuti nga at nakapagpaalam pa siya sa mommy nito na aalis siya. Nagbilin din siya na huwag na sabihin kay Aeon kung saan siya pupunta. May parte kasi ng puso niya na parang gusto niya ng space.

"Wala naman po talaga akong balak sabihin sa kanya na aalis ako. Kung hindi niya ako kayang hintayin nasa sa kanya naman po iyon. Basta ang gusto ko lang ay makapag-isip din ako."

"I understand you, Xarra. Minsan tayong mga babae kasi naghahanap din talaga tayo ng space para sa sarili natin kahit mahal pa natin 'yung isang lalaki kakayanin natin malayo sa kanila makapag isip lang tayo ng maayos."

"Tama po kaya ang ginawa kong pag-alis? Hindi ko po hinintay ang paliwanag niya."

"Alam mo anak hindi naman natin agad malalaman kung tama o mali ang naging desisyon natin. Sa palagay ko kasi kaya ka umalis ay hindi mo pa siya kayang harapin, hindi mo pa siya kayang kausapin kasi may parte pa din ng puso mo nasasaktan ka sa kung anoman ang ginawa niya." Tama ang mommy niya. Para bang wala pa siya sa tamang wisyo para kausapin si Aeon, hindi pa siya handang makinig sa mga paliwanag mula sa binata. "Can you tell me what happened to you and Aeon?"

Tipid na nginitian niya muna ang ina at napatingin sa daddy niya na katabi lang nito. Tahimik lang ang ama pero batid niyang nakikinig ito.

"I saw him kissing other girl."

"And you get jealous?"

"Yes and I get hurt. Mahirap pala mommy 'yung ganito, dapat hindi ako nakakaramdam ng mga selos na iyan pero hindi ko maiwasan eh."

"Kasi nga mahal mo si Aeon." Tumango-tango siya. Itatanggi niya pa ba? "Sino naman 'yung babaeng hinalikan niya?"

"Si Liberty, akala ko po nabura na siya sa puso ni Aeon pero hindi pa pala. Alam ko naman po na gusto nila 'yung isa't-isa bago pa ako dumating sa buhay ni Aeon. Pakiramdam ko po nagulo ko silang dalawa."

"Don't say that anak, ayoko sanang pakialaman ka pero isa lang ang masasabi ko..." Napatitig siya magandang mukha ng mommy niya. "Aeon did that because of you."

"Hindi ko maintindihan mom bakit niya naman gagawin iyon?"

"Aeon need to do that, he needs to hurt you." Lumipat ang tingin niya sa ama ng magsalita ito.

"Bakit niya naman po sasadyain na saktan ako o halikan si Liberty?" Kinakain na naman siya ng curiosity niya.

"To catch Austin."

RACE 2: Baby Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon