CHAPTER NINE
"SAAN ako sasakay?" Tanong nya kay Aeon ng nakanguso. Nagsialisan na kasi ang iba nyang kasama at nauna na sa venue kung saan may gaganapin na caucus ang buong line up ng binata. Nag-umpisa na ang campaign period at maghapon nya din itong kasama dahil marami silang pinupuntahang barangay upang mangampanya.
"Nasaan na ang mga kasama mo?"
Tumingin sya sa paligid pero wala na 'yung mga kasama nya kanina na mga tauhan din nito, malamang, naiwan na sya.
"Nauna na yata." Tinitigan muna sya nito batid nyang pagod na din ito dahil kahit sya ay nakakaramdam na ng pagod. Mahirap pala mangampanya dapat pala hindi na lang sya pumayag na sumama dito. "Susunod na lang ako do'n sir boss mayor." Pasakay na kasi ito ng sasakyan nito ng tawagin nya kaya heto sila at nag-uusap. Naghihintay na din ang driver nito sa loob ng kotse.
"No."
"Huh?"
"Sumabay ka na lang samin." Anito at pumasok na sa backseat pero nanatili lang syang nakatayo sa gilid ng sasakyan hanggang sa bumukas ang bintana nito. "Ayaw mo?"
Napilitan syang buksan ang passenger seat at tahimik na sumakay. Tatlo lang sila do'n at inaantok sya dahil sobrang tahimik. Pasimple nya munang sinulyapan si Aeon sa rearview mirror. Nakasandal ang ulo nito sa headrest ng inuupuan nito habang nakapikit ang mga mata.
Isang linggo pa lang silang nangangampanya pero feeling nya pareho na silang nangingitim hindi pala nangingitim-namumula na ang balat nila dahil hindi maiwasan na nabibilad sila sa arawan tuwing gabi naman ay caucus na palaging pasado alas onse na natatapos at nakakauwi sya sa condo nya ala una na ng madaling araw.
Nang huminto ang sasakyan sa venue ay bumaba na sya pero may mga tauhan ang binata na nagmamasid sa buong paligid. Yung iba mahahalata na bodyguard dahil naka uniporme pero 'yung iba ay nakasibilyan lang na animo makikinig lang din sa caucus.
"Atin na pong bigyan ng isang masigabong palakpakan ang pagdating ng ating susunod na punong lungsod, ang gwapong-gwapong Mayor Aeon Stewart!"
Malakas na palakpakan at tiliin ang pumailanglang sa loob ng covered court ng ipakilala ng host si Aeon. Hindi magkandamayaw ang mga tao 'yung iba ay napapatayo pa upang lapitan ang binata at kahit ang mga bodyguards ay hindi maawat ang mga ito.
Pahirapan bago nakaakyat ng stage si Aeon habang sya naman ay umiiwas na huwag mabangga ng mga tao. Lumapit sya sa gilid ng stage kung nasaan ang iilang tauhan ng binata.
"Magandang gabi po!" Si Aeon na ang nagsasalita.
"Magandang gabi din, Mayor Gwapo!" Sigaw naman ng mga tao na halata ang pagnanais sa mga mukha na maluklok ito sa pwestong iyon.
"Muntik na po akong hindi makaakyat dito sa stage ha." Biro nito na sinabayan ng pahapyaw na tawa. Nagkakaro'n lang ng emosyon ang mukha ni Aeon kapag kaharap ang madaming tao tila ba lumalabas ang tunay na Aeon Stewart kapag nasa gano'n sitwasyon na sila. "Pwede po bang magtanong?"
"Oo Mayor, ano po ba ang itatanong nyo?" Sagot naman ng mga tao.
"Sino po ang mas gwapo samin ng daddy ko? Ako o sya?" Napuno ng masiglang tawanan ang buong palaigid sa tanong nito sya man din ay natawa. Nagbibiro ito alam nya iyon.
"Kayo po Mayor Aeon, kayo ang mas gwapo!" Nagtitilian ang mga tao lalo ang mga kababaihan na sinasakyan din ang joke nito.
"Totoo po ba 'yan?"
"Oo Mayor, totoong-totoo!" Sabay-sabay na sabi ng mga ito.
"Okey may tatawagin po akong isang tao at kapag nakita nyo sya tapos tumili kayo ibig sabihin mas gwapo sya sakin."
BINABASA MO ANG
RACE 2: Baby Maker
RomanceA freedom to choose who she wanted to marry was the only important thing that Xarra Salcedo asked for to her parents. But fate was really against her will. Because her father decided to set her into a fixed marriage no matter how much she disagreed...