6 ~ Woman He Likes

244K 5.9K 265
                                    


CHAPTER SIX

ITO na 'yung araw na hinihintay nya para makita ng personal si Aeon. Hindi sila nakakuha ng VIP seats dahil naubusan sila ng tickets kaya magtiis sila sa initan kasama ng maraming tao.

"Ang tagal naman mag-start." Reklamo nya habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng RACE Field. Panonoorin nya lang naman mangarera si Aeon.

"Chill, okey? Lalabas din ang mga 'yan." Sagot sa kanya ni Celine na kapareho nya ay may sunglasses din at cap.

"Bakit kasi hindi pa sila mag-umpisa? Masyado nilang pinasasabik ang mga tao tapos—." Naputol ang sasabihin nya ng biglang lumakas ang hiyawan sa buong paligid dahil isa-isa ng lumalabas ang mga kalahok sa karera. "Goodness! Where's Aeon?"

"I don't know, bakit nakatakip ang mga mukha nila?"

Tama! Tanging mata lang ang nakikita sa mukha ng mga kasali isa pa medyo malayo ang agwat ng pwesto nila sa mga starting line. Kaya mas mabuti pang sa malaking screen na lang sila manood.

"Paano ko sya makikita kung ganyan?"

"Look!" Tinuro ni Celine ang apat na lalaking nahuli lumabas. "Baka isa sya do'n."

"Ewan ko lang." May panghihinayang sa boses nya. Akala pa naman nya makikita nya na si Aeon hindi pala. "Manood na lang tayo at hulaan kung sino sya sa sampung kasali dyan."

Natapos ang unang round na dapat ay first five lang ang kukunin pero may nag-tie sa fifth place kaya uulitin ang race mamaya lang. Manonood pa ba sya gayong hindi nya naman nakikita si Aeon?

"Let's go uulan na." Aya sa kanya ni Celine. "Humanap muna tayo ng masisilungan."

Tumayo na din sya bago pa sila abutan ng ulan. Palabas na sila ng RACE ng may mapansin na isang pamilyar na pigura.

"Is that Charee?" Itinuro nya ang babaeng matangkad na naka kulay dilaw na overall na damit pangarera na papasok sa women's restroom.

"Saan?"

"Sundan natin." Hinila nya papunta sa direksyon na iyon si Celine upang masiguro kung si Charlton nga ang nakita nya.

"Wait lang Xarra I need to answer this call."

"Okey magkita na lang tayo mamaya titignan ko lang si Charee." Hindi nya na hinintay magsalita si Celine at nagpatuloy na sa paglalakad kahit pa madami na syang nasasalubong at nababangga. "Hindi ako pwedeng magkamali si Charee talaga ang nakita—ayyy!" Impit na tili nya ng may matigas na bagay na bumangga sa likod nya dahilan para mawalan sya ng balance tapos natapakan pa nito ang dulo ng suot nyang flat shoes.

Kapag minamalas ka nga naman!

Handa nya ng halikan ang tiled floor ng Race Inc. ng may isang brasong humapit sa bewang nya upang hindi maka face to face ang floor at sigurado syang iyon din ang bumangga sa kanya. Mabuti na lang hindi nahulog ang channel sunglasses nya kundi pagbabayarin nya talaga ang isang 'to, triple!

Galit na inalis nya ang braso na 'yon dahil nararamdaman nya iyon malapit sa ibaba ng dibdib nya at hinarap ang salarin upang batuhin ng mga words of wisdom nya.

"Sa ganda kong 'to hindi mo man lang ba ako napansin at talagang..." Naputol ang anumang sasabihin nya ng takpan ng marahan ng lalaki ang kanyang bibig.

Matangkad ito at mabango kahit pa balot na balot ang katawan nito. May bitbit itong helmet sa isang kamay. Nakasuot ito ng damit pangarera at nakabalot ng itim na bonet ang buong mukha nito except sa mata. Kahit mabango ito ay hindi nya papalampasin ang pambubunggo nito sa kanya.

"Hindi ka man lang ba—ummm!" Naputol na naman ang sasabihin nya dahil lalo nitong diniin ang palad sa bibig nya kaya sa inis nya ay kinagat nya iyon.

RACE 2: Baby Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon