CHAPTER TENNANGHIHINANG tinignan nya ang pataas na kalsada kung saan kailangan nilang lakarin dahil may mga kabahayan pa do'n na gustong makita ni Aeon.
"Claudette." Tawag nya sa dalagita na dinadamayan sya dahil sa mabagal nyang paglalakad.
"Bakit ate Xarra?"
"Itulak mo nga ako paakyat napapagod na talaga ang mga paa ko bakit kasi kailangan pa tayong sumama kay sir boss mayor." Umupo sya sa ilalim ng puno at uminom ng tubig. "Come here magpahinga muna tayo wala pa naman sila."
Tumingin naman ito sa likuran nito. "Nandyan na kaya sila boss Aeon, look."
Matamlay na tinignan nya kung saan ito nakatingin. Ang gwapong-gwapong si Aeon lang naman ang nakapagpatayo sa kanya at nagpabilis na naman ng pintig ng puso nya.
Nakasuot ito ng puting cap at ray ban sunglasses kaya tuloy mukha itong artista. Ang unfair din talaga ng mundo 'no? Pawis na pawis na sila dahil kanina pa sila naglalakad samantalang si Mayor A parang mag-uumpisa pa lang mangampanya.
"Mauna na tayo ate Xarra, halika na."
"Ayoko magpapahinga muna ako." Aniya habang itinatali ang buhok nya. Init na init na talaga sya sa buhay nya. "Paunahin na lang natin sila tapos hintayin na lang natin sila makabalik siguro naman hindi na nya tayo mapapansin."
Madami kasi silang sumasama kapag house to house. 'Yung iba mga solid supporters talaga ni VP Matthew hanggang sa sinuportahan na din ng mga ito si Aeon.
"Tumingin satin kanina si boss at tinignan ka nya." Untag sa kanya ni Claudette.
"Tinignan nya ako?"
"Yes habang nagtatali ka ng buhok."
"Siguro crush nya ako."
Malakas itong tumawa at tinignan sya na animo natuwa sa joke nya. Bumaling ang mata nya sa likuran nito, naglalakad na palapit sa kanila sila Aeon pero hindi sya sigurado kung kanino ito nakatingin kasi nga nakashades ito.
"Hala, tara na ate baka puntahan pa tayo dito ni boss."
"Hindi 'yan dadaan lang dito 'yan tignan mo nga ang daming kumakausap sa kanya. Tumalikod tayo para hindi nya tayo mapansin." She turned around and face the tree, she pulled Claudette hand para tumalikod din ito dahil nandyan na sila Aeon. "Magpanggap ka na may tinitignan dyan sa puno tapos ako naman kunyari ay inaayos ang sapatos ko." Tumango-tango naman ito habang sya ay yumuko upang ayusin kuno ang sintas ng sneaker na suot nya.
"What's the problem here?"
"Ay frog!" Bulalas nya ng marinig nya ang boses ni Mayor A sa likod nya kaya sa gulat nya ay tuluyan na syang napaupo sa semento. "Sir boss mayor ginulat mo naman ako." Tumingala sya at pilit na ngumiti dito kahit pa medyo may nakabara sa dibdib nya dahil nga alam nyang may namumuo syang damdamin para sa binata.
Tinanggal nito ang suot na shades saka mataman syang tinignan.
"What's the problem here, Xarra?"
"Nagpapahinga lang kami sir boss mayor." Mukhang hindi ito kumbinsido sa sagot nya. Lumipat ang tingin nito sa kasama nya.
"May problema ba Claudette?"
"Si ate Xarra po kasi masakit na ang mga paa kaya nagpahinga muna."
"Masakit ang paa mo?" Aeon asked her.
"Kanina lang 'yon Aeon I mean mayor A pero okay na naman."
"Mayor A?"
"Yes Mayor A short for Mayor Aeon." She flashed a smile and stood up. Pinigil nyang huwag mapangiwi ng dumaloy ang pamamanhid sa paa nya. "Halika na Claudette."
BINABASA MO ANG
RACE 2: Baby Maker
RomanceA freedom to choose who she wanted to marry was the only important thing that Xarra Salcedo asked for to her parents. But fate was really against her will. Because her father decided to set her into a fixed marriage no matter how much she disagreed...