CHAPTER FIVE
"BAKIT kaya biglang umalis si Charee dati?" Tanong sa kanya ni Celine. Nasa isang coffee shop sila sa mga oras na 'yon.
"Hindi ko din alam pero mabuti nga na umalis na lang sya."
"Huh? Are you mad at her?"
"Hindi ako galit sa kanya." Inirapan nya ito.
Mas komportable na syang malaman na kasama ni Charee ang pinsan nito at least kung may hindi mang magandang mangyari alam nyang kayang protektahan ni baby M ang kaibigan nya na hindi nya na alam kung nasaan.
"Bakit gano'n ang sagot mo?"
"Kasi ayokong madamay pa sya sa kung ano man ang mangyayari sakin mabuti na lang sila daddy ang nakaunang makakuha sakin."
"Hindi ko akalain na sya si Charlton Forbes pero nakapagtataka lang kung bakit kailangan nya pang umalis samantalang buhay prinsesa naman ang babaeng 'yon."
True to Celine's words, umamin kasi sa kanila si Charee noon ng totoong pagkatao nito.
"May dahilan sya kaya sya umalis sa bahay nila."
"Ano?" Iwinagayway nya ang isang kamay sa harap nya na nagsasabing ayaw nyang sabihin dito ang dahilan. "Naglilihim ka na sakin, Xarra." Anito.
"May mga bagay kasi na hindi ko pwedeng sabihin sayo Celine."
"Fine!"
"Lilipat nga pala ako ng bahay." Imporme nya dito.
"May alam akong lilipatan mo, katabing unit ko lang."
"Pero tulungan mo akong magpaalam kila daddy." Matamis na ngumiti sya sa kaibigan. "Sige na Celine gusto ko na kasing maging katulad mo—."
"Maganda ka din naman Xarra katulad ko at sexy ka din like me." Pagbibida nito sa sarili nito.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin!"
"Eh ano?"
"Hindi ba independent ka? Gusto ko maging independent din kaya tulungan mo ako mapapayag sila mommy." Kinuha nya ang kamay nito at inilagay sa pisngi nya. "Pumayag ka na, Celine para-aray naman!" Inis na hinimas nya ang kanyang noo ng pitikin nito. "Ang bad mo!"
"Para ka kasing pusa." Umismid ito. "I will help you pero may kapalit."
"Hindi ko akalain na ganyan kang klaseng kaibigan, humihingi ka pa ng kapalit."
"Kung ayaw mo okey lang sakin." Humalukipkip ito saka sya inirap-irapan. "Hindi naman mahirap ang hinihingi kong kapalit."
"Ano ba kasi 'yon?"
Umayos ito ng upo at dumukwang sa kanya. "Alam mo 'yung bagong tayong Club?" Umiling sya. Hindi sya mahilig magpunta sa mga bar or clubs eh. "Okey huwag na lang tayong magpunta do'n tutal naman hindi pa din ako nakakapunta sa Club na iyon."
"Magpunta na lang tayo."
"Are you sure?" She nods her head. "Hindi ka kaya pagalitan?"
"Hindi na ako bata para pagalitan pa, nakakainis ka na."
"Nagtatanong lang ako Xarra huwag kang maarte dyan." Sinimsim nito ang cappuccino nito na lumamig na. "I changed my mind, ayoko ng magpunta sa Club na 'yon."
"Ano bang pangalan ng Club na 'yan?"
"Red Scorpion Club if I'm not mistaken."
"Sounds good." Kinain nya ang huling slice ng mango cake nya. "Iba na lang ang hingiin mong kapalit ng pagtulong mo sakin."
BINABASA MO ANG
RACE 2: Baby Maker
RomanceA freedom to choose who she wanted to marry was the only important thing that Xarra Salcedo asked for to her parents. But fate was really against her will. Because her father decided to set her into a fixed marriage no matter how much she disagreed...