Chapter 10

4.8K 77 12
                                        


Sean's POV



Kung weird yung feelings ko mas weird si Zoey! Ano bang ginagawa niya?! Alam kong heartbreaker siya pero sana wag siyang ganun!! Bakit sa tuwing nilalandi ko siya nakikisakay siya? Ang cute niya eh! Ok hindi ko nalang siya lalandiin. Iiwasan ko na siya. Kaya ko to, kahit nasa iisang bahay lang kami. Ganito naman kami nung umpisa eh.



Hindi ako lumalabas ng kwarto ko kahit nagugutom na ako. Hindi ba aalis si Zoey? Hindi ako makalabas eh!



"Sean?!" tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Nagtulug tulugan nalang ako.



"Aw" nagulat ako ng may biglang nang hampas sa akin ng unan.



"Zoey?! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Naka lock kaya pinto ng kwarto ko.



Itinaas niya yung susi na hawak niya. Oo nga pala, pareho kaming meron susi. Teka sa susunod ako naman papasok sa kwarto niya...... AHAHAHAHAHA JOKE



"Anong iniisip mo dyan?!" tanong niya at hinampas niya uli ako ng unan.



Mukhang mahihirapan ako na iwasan siya, kung siya mismo yung lapit ng lapit sa akin. Kung lalandiin ko siya pwede siyang mahulog sa akin...kahit ayaw niya... Akala mo Zoey ah!



"Anong nginingiti ngiti mo dyan?! Kung gutom ka na may pagkain sa labas" sabi niya at parang aalis na kaya hinila ko yung kamay at napahiga naman ako. Ang nangyari, nakapatong na siya sa akin. Biglang nag iba yung tibok ng puso ko naging abnormal. Nagkatitigan kami, pero hindi niya ako dapat mahalata kaya nginitian ko siya.



Mukha naman nagulat siya nung narealize niya yung pwesto niya kaya tumayo agad siya at nagtakip ng mukha.



"MANYAK KA TALAGA SEAN LUKE!!! BASTOS!!!" sabi niya at hinagis niya sa akin yung unan



"Bakit asawa naman kita ah?" tanong ko sa kanya kahit na sa totoo hiyang hiya na ako sa pinaggagagawa ko sa kanya.



"Eh ano naman?!" sabi niya at tumalikod sa akin.



"Bakit Zoey? Hindi mo ba ako gusto?" tanong ko sa kanya pero hindi siya kumibo.



Nilapitan ko siya para makita ko yung mukha niya. Nakayuko siya.

My Playboy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon