@ Reunion
Sean's
Ang bilis ng araw. Isang linggo na rin ang lumipas isang linggo ng wala si Zoey. Miss na miss ko na siya, uwi ka na wifey loves di na ako galit. Dejk. Ang totoo nga nyan magkausap kami ni wifey loves magdamag kaya medyo puyat ako.
"Dude san ka na?" tanong sa akin ni Marlo sa telepono.
"Papunta na ako dyan" sagot ko sa kanya at binaba ko na yung tawag niya.
Hindi naman ganun kalayo yung venue kaya nakarating agad ako. Nakita ko agad si Marlo kaya pinuntahan ko na siya.
"Tagal mo! Saglit lang ako dito" sabi niya agad.
"Eh tinatawagan ko si Zoey pero di sumasagot eh. Teka san punta mo?" tanong ko at pumasok na kami.
"Aayusin namin yung kasal namin ni Janelly" seryosong sabi niya.
"Congrats in advance dude!" sabi ko at hinampas ko siya.
"Marlo and Sean?! Omg kayo na ba yan? Haha" tanong nung isang babae sa amin. "Ms. President, remember?" dagdag pa niya at saka lang namin siya nakilala. Si...
"Chloe?!" sabay na tanong namin ni Marlo at tumango lang siya.
"Oh bat parang nakakita kayo ng multo? Dyosa to hindi multo hallooo" sabi niya
"Hindi lang kami makapaniwala na ikaw yan" pang aasar ni Marlo
"Hindi ka pa rin nagbabago Marlo. Mapang asar ka pa rin!" sabi niya
"Oy wag mong ginaganyan yan ikakasal na yan" sabi ko
"Tss dyan na nga kayo" sabi ni Marlo at iniwan kaming dalawa ni Chloe.
"Oh Sean ikaw rin gwapo ka pa rin" sabi niya at ngumiti nalang ako at inaya ko na siya sa loob.
"Ay ay ang dati natin LT sa room magkasama" sabi nung isa namin kaklase nung makita kami ni Chloe na magkasama.
Nagulat naman ako nung hinawakan ni Chloe yung kamay ko. Bibitaw sana ako pero hinigpitan nya pa yun.
"Kj lang? Makisakay ka nalang kahit ngayon lang" bulong niya sa akin.
"Pero may asawa na ako Chloe" sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya.
"Wala naman dito eh" sabi niya.

BINABASA MO ANG
My Playboy Husband
Teen FictionPaano kung dumating yung araw na ipakasal ka sa isang taong hindi mo naman gusto? Hindi mo rin kilala. Anong gagawin mo? Makakaya mo bang makasama siya araw araw? Matututunan mo rin kaya siyang mahalin? Another JaneRome story! Hahaha! Dont worry sh...