Chapter 4

4.8K 113 3
                                    

Zoey's POV

Pagkabukas ko ng pinto si Sean agad ang bumungad sa akin. Mukhang naparami ata yung nainom niya.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya sa akin. Eh ano naman sa kanya yun?

"Ano naman?" pagtataray ko sa kanya.

"Wala! May pagkain dyan. Kung gusto mo kumain, kumain ka" sabi niya sa akin at humiga na ulit siya sa sofa. Tinignan ko yung pagkain niya. Mukhang siya yung nagluto ah? Wooah may pakinabang din pala to. Haha.

Iiwan ko na dapat siya sa sofa kaso naisip ko na ilipat nalang siya sa kwarto niya. Bakit ba kasi hilig niyang uminom tas ako pinapahirapan niya? Syempre asawa ko na rin naman siya. Kahit ayoko. Haha!

Kinakalabit ko siya pero, no response. Kaya no choice ako kung di ang buhatin siya. Inalalayan ko yung ulo niya para maitayo ko siya ng........

Tugtug.....tugtug.....tugtug.....

Hinalikan niya ako... Nanlaki yung mga mata ko sa ginawa niya. Aaminin ko na kahit 26 years old na ako hindi pa ako nahahalikan dahil hindi ako nagpapahalik. This is my first time. Napakagat labi nalang ako sa ginawa niya. Iniwan ko nalang siya dun sa sofa bahala siya bukas! Hanggang ngayon sobrang bilis pa rin nung tibok ng puso ko.

Hinawakan ko yung labi ko... Hindi ako makatulog langyaaaa! Bakit ganun? Ang lambot ng lips niya? 5 seconds lang naman yung tagal ah? Bakit feeling ko 1 minute? Huhu! Mababaliw ako neto eh!

Kinabukasan...

"Good morning" bati niya sa akin

Wala ba talaga siyang naaalala sa ginawa niya?? Naiilang tuloy ako. Nawala tuloy yung pagkamaldita ko.

"Teka may bago sayo ah? Tahimik mo ata?" sabi niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Kumuha lang ako ng almusal ko at doon ako sa living area kumain. Hindi ko kakayanin na sabayan siya kumain. Nakakaletse!

"Bakit dyan ka kumakain? Sabayan mo na ako dito!" sigaw niya sa akin.

"Mag isa ka dyan!" sigaw ko sa kanya pabalik. Woooh! Ang awkward talaga!

Nagulat ako ng tumabi siya sa akin dala dala yung pagkain niya.

"Sabayan mo ako" sabi niya habang nakangiti. May bago din sa kanya ah? Parang matino eh.

"Zoey..." tawag niya sa akin pero patuloy lang ako sa pagkain ko at hindi ko siya pinansin. Maya maya pa napagod din siya na kausapin ako.

Pagkatapos kumain, dumiretso na agad ako sa kwarto ko para magdesign ng damit. Akalain niyo? Ang bilis lumipas ng araw. Monday na bukas at ang saya saya ko. Pano ba naman makakaiwas na ako sa kanya. Hahahaha! At sa trabaho ko kikita pa ako ng maraming pera at makakapaglakbay ako sa iba't ibang bansa dibuuuh? Ang saya lang.

"Hindi ka aalis?" tanong niya sa akin at umiling lang ako.

"Okay... Ako naman ang aalis" sabi niya at umalis na.

Ganun ba talaga siya? O magaling lang siya magpanggap? O baka naman natakot na masumbong sa papa niya. Hahaha! Sa akin ang huling halakhak hahaha!

Sean's POV

Parang may iba talaga sa kanya eh? Bahala na nga siya. Bakit ko ba siya iniisip? Magpapakasaya nalang ako sa bar. With girls! Tinawagan ko na si Marlo at otw na rin daw siya dun sa favorite place namin. Ibahin niyo si Marlo sa akin, dahil loyal yun sa gf niya. Tinamaan na nga ang luko.

Papasok na sana ako sa bar ng makita ko yung stalker ko. Ay hindi, yung babaeng patay na patay pala sa akin. So wala akong magawa kung hindi ang sakyan siya... Sabihin na natin na paasa ako. That's me, you cant change me. Maganda naman siya kaya pwede na. Pero sorry siya hindi ko talaga siya type.

"Sean..." tawag niya sa akin habang nakangiti. Siya si Misha Santiago. Mayaman sila pero mas mayaman kami. Magkalaban yung kumpanya ng dad ko at kumpanya nila. Sorry to say, mas sikat nga lang yung amin.

"Hi babe" bati ko at kiniss ko siya sa cheek niya. Hindi naman siya makapalag pag ako na ang gumawa nun. Matapang siya at palaban pero pagdating sa akin natatameme siya. Iba talaga ang kapogian ko.

"Babe?" nagtataka na tanong niya dahil yun yung tinawag ko sa kanya.

"Bakit ayaw mo?" bulong ko sa kanya. At dahan dahan naman siyang umiling.

"Im sorry Misha! Byee!" sabi ko sa kanya at dumiretso na ako sa loob.

"Ang tagal mo naman! Magbago ka na nga" bungad sa akin ni Marlo.

"Ganun talaga Marlo" sabi ko sa kanya at saka ako umorder.

"Ano iinom ka nanaman? Tapos pahihirapan mo nanaman yung asawa mo?" sabi niya sa akin.

"Wala naman pake saken yun" sabi ko sa kanya.

"Kung walang pake sayo yun edi sana iniwan ka na nun. May asawa ka na tol magbagong buhay ka na" sabi niya sa akin.

"Ikaw ba kailan ka magpapakasal? Edi iwan niya ko" sabi ko sa kanya at tumingin sa ibang girls.

"Kapag nakaipon na ako ng maraming pera. Ikaw din pre baka ikaw magsisi kapag iniwan ka nyan" sabi niya at umalis na.

Nawalan na ako sa mood uminom. Kaya naman naisipan ko na umuwi nalang.

Nakita kong nakahiga si Zoey sa sofa. Nakita ko rin na napakalinis nung condo at may pagkain nakahanda sa mesa. Nilapitan ko siya at may hawak pa siyang basahan. Kaya tinanggal ko yun at inayos ko yung buhok niya. Mukhang napagod nga siya. Aalis na dapat ako ng magsalita siya.

"Sean... Bakit mo ko hinalikan?" sabi niya kaya tinignan ko siya. Nakita ko naman na tulog na tulog pa rin siya. Hinalikan? Teka hindi panaginip yung kagabi? Hinalikan ko talaga siya? Gago mo talaga Sean.

Inaamin ko na mahilig ako sa babae at mahilig akong manakit ng damdamin nila. Pero si Zoey? Iba siya. Nirerespeto ko siya dahil iba siya sa mga babae na nakilala ko. Ewan ko nga kung bakit ganun eh. Pero kilala kasi ng parents ko yung parents niya kaya may respeto ako sa kanya. Zoey...

———————————

Mahuhulog na kaya ng tuluyan si Papa Sean?

Vote!
Comment!
Enjoy Reading!







My Playboy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon