Chapter 34

2.4K 53 3
                                        

After one month...

Zoey's

"Kinakabahan ako besie" sabi ko.

"Huwag kang kabahan dyan! Excited na nga ako eh haha!" sagot niya. Ngayon na kasi namin malalaman kung boy or girl ba tong nasa tyan ko. Ang bigat na nga niya eh.

"Ms. Salasar" tawag sa amin nung doctor ko kaya pumasok na kami.

"Wow ang healthy ni mommy! Lalong gumaganda ah?" pang uuto sa akin nung doctor ko haha.

"Matagal na doc hahaha" pagbibiro ko.

"Oh besie higa na dali" sabi ni Janelly.

"Wow besie di naman excited noh?" pang aasar ko at humiga na.

"Okay let's start" sabi nung doctor.

Inumpisahan na nung doctor ang dapat niyang gawin. Naisip ko lang na kung gising na sana si Sean edi dapat siya yung katabi ko dito. Sabay namin malalaman kung babae o lalaki yung magiging anak namin. Sean bakit ang tagal mo? Nawawalan na tuloy ako ng pag asa kung gigising ka pa o hindi.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko. Ang sakit pa rin eh. Miss na miss ko na si Sean...

"Wow besie congrats!!!" masayang sabi ni Janelly sa akin. Teka pwede pakiulit? Hindi ko narinig eh!

"Besie ano sabi ni doc?" bulong ko kay Janelly.

"Omg kambal anak mo! Kaya pala malaki eh saka kaya pala mabigat! At alam mo ba? Boy and girl daw! Congrats sa inyo ni Sean!! Dalawa agad anak nyo. Hahaha" masayang masayang sabi ni Janelly. Dinaig pa ako no? Haha syempre masaya rin ako dahil kambal ang anak namin.

"Tara na besie punta na tayo kay Sean!!" sabi ni Janelly at hinila na ako paalis.

---

"Good morning po tito, tita..." bati ko sa parents ni Sean. Andun din yung parents ko dahil hinihintay nila yung gender ng magiging apo nila.

"Oh Zoey ano na?!" tanong sa akin ni mom. Nandito kami ngayon sa kwarto ni Sean...

"Mom kausapin ko lang po si Sean" sabi ko at nilapitan ko na si Sean. Bibitinin ko muna sila hahaha!!

"Sean... Alam mo ba? Kambal ang anak natin. Boy and girl..." bulong ko sa kanya.

"Gising ka na dyan please. Ang tagal mo ng natutulog oh" bulong ko pa sa kanya.

"Bigyan mo naman ako ng sign kung babalikan mo kami o hindi na" sabi ko.

"Maghihintay pa rin kami" sabi ko at kiniss ko siya.

"Tita, tito.. Mom, dad.. Twins po ang apo niyo. Boy and girl" masayang sabi ko sa kanila.

"Omg really?!" tanong ni tita at tumango nalang ako. Lumapit silang lahat sa akin at niyakap nila ako.

"Sean bumangon ka na dyan ha?! Dalawa na agad anak mo" sigaw ni tita sa kanya.

Masakit syempre para sa parents niya na makita siya na nasa ganun kalagayan.

Alam kong pinipilit lang ni tita na maging okay kahit na ang totoo ay hindi.

"Babies hintayin niyo daddy nyo ha?" sabi ni mom habang hawak hawak yung tyan ko.

"Mare alam na!" sabi ni tita kay mom.

"Alam na talaga! Let's go shopping!! Hahaha" sabay na sabi nila at lumabas na.

"Ay nako ngayon ko lang uli nakita ang asawa ko na ngumiti simula nung nangyari yan kay Sean" sabi ni tito

"Pare congrats lolo na tayo" sabi ni dad. Lumapit na uli ako sa tabi ni Sean at naririnig ko pa rin yung pinag uusapan nila dad.

"lolo ka dyan" sagot ni tito.

"Eto naman! Pinapangiti ka lang eh" sabi ni dad.

"Pare masakit eh" sabi ni tito. Omg dramahan na to.

"Ayos lang yan pre. Magiging okay din ang lahat. Gigising din si Sean" seryosong sabi ni dad.

"Naniniwala ako pare... May awa ang Dyos" sagot ni tito. Kanina lang nagbibiruan pa sila ngayon nagdadramahan na. Haha!

Hinampas ko ng mahina si Sean sa braso niya "Kaya ikaw, gumising ka na! Ang dami mo ng nasasaktan"

Kinakausap ko siya dahil alam kong naririnig niya ako. Naririnig niya kami.

"Sean tulog muna ako ha? Tabi tayo" sabi ko sa kanya at niyakap ko na siya ng mahigpit.

Sean's

Naglalakad lakad ako ng marinig ko yung boses ni Zoey. Natutuwa ako dahil kambal ang anak namin at isang babae at isang lalaki pa. Zoey hintayin niyo ko ha? Lalaban ako dito. Nahihirapan ako pero kakayanin ko. Para sa inyo. Mahal na mahal ko kayo. Babies mahal na mahal kayo ng daddy.

Nasasaktan rin ako dahil alam kong nasasaktan ang parents ko. Tama nga si Zoey ang dami ko ng nasasaktan.

"Sean gumising ka na dyan" narinig kong sabi ni Zoey.

Tumulo na naman ang aking mga luha.. Miss na miss ko na si love.

Kaya mo to Sean! Hinihintay ka nila! Lumaban ka!!

-----

Okay short update!! :)

Thanks!

Vote!
Comment!
Enjoy Reading!

My Playboy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon